Pagkabukas ko eh niyakap ko agad yung tao sa may pinto.
"Wella!" sigaw sigaw ko habang nasinghot.
"Lumayo ka nga, puro ka uhog eh." nandidiring sabi niya pero hindi ako umalis kaya ang nangyari inakap na rin niya ako.
"Paano kayo nakapunta agad dito?" tanong ko nung medyo nahimasmasan na ako.
"Navibes kasi namin na merong mali sayo kaya pumunta agad kami dito." sagot ni Joy na mukhang nagpipigil na lang ng tawa dahil siguro sa naabutan niyang itsura ko. Masisisi ba niya ako eh naiiyak talaga ako.
"Kaya nga. Ang dami mo na naman biniling comfort foods. Talo mo pa kami pag na-BH." sabi naman ni Ann sabay subo nung pinamili kong tostillas kanina. Inagaw ko nga.
"Ito na nga lang yung pamabawi ko eh." sabi ko habang nakasibangot. Hindi naman ako talaga nabBH kaya kahit dito man lang sa comfort foods bumawi ako no.
"Hay naku. Ang bitter kasi wala pang boyfriend." sagot ni Jillian. Binato ko nga. Pag ito talaga bumubuka ang bibig naiirita na agad ako. Lagi na lang kasi pag kinokontra ko dun sa mukhang kalabaw niyang boyfriend eh pinagsasabihan akong bitter! Eh hindi nga ako bitter okay! Sino namang magbibiter sa boyfriend niya no! Tss.
"Ayan!"
"Huwag ka ngang mambato! Sabunutan kita eh!" sabi ko sabay hampas nung unan ko sa mukha niya. "Eww! Ayan tuloy nalagyan na ng lipstick mo! Kadiri!"
"Kasalanan ko? Hmp!" sabi niya sabay tayo at diretso ng banyo. Pustahan tayo nagrereapply yan ng lipstick. Siya lang talaga ang maarte sa aming limang magkakaibigan. Kaya nga hindi kami nagjajive eh.
"Ano ba kasi problema mo?" tanong ni Wella sabay halumbaba at nguya ng chips ko. Pasimple talaga tong isang to.
"Eh kasi nga wala pa akong boyfriend you know! Ikaw nga kahit akalang tibo tayo eh nakaka-apat ka na! Si Ann tatlo! Si Joy Lima! Si Jillian tatlo! Kita mo!? Nalagpasan pa niya ako?? Ehhh! Pang 20th year ko na itong smp ngayong pasko!"
"Seriously yan ang pinoproblema mo?" tanong ni Joy na nakatagay na ng san mig.
"Oy san mo yan kinuha!?" tanong ko habang turo turo pa yung bote na hawak niya.
"Dala namin. Plano lang naman talaga naming makipag-inuman sayo dito eh."
"Wow naman salamat ah." sarkastiko kong sagot sa kanya. Pagkatapos nun eh lumabas na si Jillian sa banyo at yun nga parang tinusok ng bubuyog at namamaga sa kapulahan. Tss.
"Narinig ko yung usapan niyo. Desperada lang Aisha?" tanong sa akin ni Jillian na may kasamang nakakalokong ngiti. Sampalin ko to ng piattos eh.
"Oy mag-aaway na naman kayo eh." pumagitna na si Ann. Referre namin to eh.
"Kung ganyan ka na kadesperada, may alam akong orasyon." sagot ni Jillian na inirapan pa ako.
"Sabi ko na nga ba may lahi kang mangkukulam eh!" akusa ko sa kanya at umismid lang siya. So totoo? Teka baka kaya ako walang boyfriend kasi sinumpa niya akong maging single simula nung binatukan ko siya?? "Oh my God! Witch ka!"
"Shut up ka nga Aisha, kundi hindi kita tutulungan." napatikom na lang tuloy ako ng bibig at naupo ng maayos.
"Di nga, witch ka nga ba talaga?" Halos mapahiga si Jillian dahil sa ginawang paghila sa balikat niya ni Joy. Nasa likod niya kasi ito at nagsasariling iniinum ang dalang beer.
"Ha? Hindi no! Meron kasing ganito oh." tapos nun eh may kinuha si Jillian na itim na bag sa ilalim ng kama ko. Teka,
"Paano yan napunta dyan? Wala naman akong natatandaang meron yan dyan ah!"
"Lasing ka ba Aisha? Siyempre nilagay ko ito kanina dito nung pagkarating namin. Eh di ngayon andito na." inirapan na naman ako ng loka. Dukutin ko yang mata mo eh. Opps. Wag pala, baka isumpa pa ako nito.
Nagkumpulan naman kaming apat para makita ng ayos yung nilalabas ni Jillian sa bag at isa iyong librong itim na may kug ano anong carvings sa ibabaw.
"Sabi na eh witch to eh. Kaya pala ang pula kung makapaglipstick!" pag-aakusa ni Joy at natawa naman sila Ann at Wella. Alam kasi nilang nagjojoke lang ito pero hindi ako makatawa dahil seryoso ako sa vibes ko sa libro. Mukha kasing antigo.
"Dinala ko to para sana may mapagkatuwaan tayo dito. Nabili ko lang to sa isang antique shop nung nakaraang araw. Pero dahil nga may problema itong kaibigan natin eh di tignan na natin kung may makakatulong ba sa kanya dito." pagpapaliwanag niya at lahat naman kami ay napa-ahh na lang.
"Totoo ba yan?" nakataas kilay kong tanong. Narinig ko naman siyang maggroan.
"Pano malalaman kung hindi susubukan. Utak naman oh." pigilan niyo ako hahambalusin ko tong impaktang to. Pero dahil peaceful naman akong tao ay simaan ko lang siya ng tingin.
"Buksan na yan!" Sigaw ni Ann sabay turo pa dun sa libro at ngumisi naman itong si Wella. Mukhang excited din.
So yun nga binuksan ni Jillian at mukha ngang napaglumaan na kasi naninilaw na yung mga pahina at mukha pang namantsahan ng kung ano. Maliit na cursive pa yung sulat dun at parang sulat kamay nga kung titignan. Natatakot tuloy ako.
"Ready na kayo?" tanong ni Jillian.
"Tigilan mo nga kami dyan sa pasuspense epek mo ha!" ayan tuloy nabatukan ni Joy.
"Joy isa nga." kako na lang nininerbyos kasi ako kaya humingi ako ng isang bote at pinabuksan yun.
Deretso kong ininum ang kalahati pero wala akong naramdamang tama. Ano ba to? 7 percent lang ang alc. content? Iniling ko na lang at diniretso ang tingin dun sa libro na patuloy na binubuklat ni Jillian. Nakailang flip na ba siya dyan ng page?
"Ako na nga lang! Ang bagal mo kahit kelan!" tapos yun inagaw na ni Wella at mabilis na pinalipat lipat ang pahina. Nakakaewan lang dahil paano niya malalaman kung alin dyan ang orasyon kung hindi naman niya iniisa isa na basahin? Tsk.
"Ano bang kailangan mo?" tumunghay sa akin si Ann mula doon sa kinakain niyang chips at tinitigan ako.
"Boyfriend?"
"Ano tanong ba yan o sigurado ka sa pinapasukan mo?" tanong niyang muli. Kapag itong babaeng to na ang nagsasalita mas lalo akong ninenerbyos sa ginagawa namin.
Napatingin ako kay Wella. "HUwag na lang kaya natin ituloy?" Inangat naman niya yung ulo niya para tignan ako.
"Anong dahilan ng pagdadrama mo?" tanong nito na hindi man lang kumurap. Lumunok ako at tumungo.
"Eh kasi nagkita kami nung bestfriend ko nung high school."
"Tapos?"
"Ayun, nainis ako kasi akala mo kung sino tapos para akong sinampal nung pinag-akalaan niya akong tomboy."
"Oh anong gusto mong mangyari?" tanong nitong muli at sinuyod ko ang mukha niya para makita ang kahit na anong emosyon pero wala akong makita kundi yung pagkaseryoso ng mukha ni Wella.
"Gusto ko ng boyfriend, yung maihaharap ko sa ibang tao. Yung masasabi kong akin. Yung taong magpapatunay na may magkakagusto pa rin sa akin."
"Naku milagro ang kailangan." singit ni Jillian at narinig ko na lang na pagsabihan siya ng tahimik ni Wella.
"Alam mo Aisha," lumipat ang tingin ko kay Joy nung bigla siyang sinukin. Pupungay pungay na yung mata niya. Lagot lasing na. "Maganda ka eh, matalino. Ewan ko nga kung bakit walang nanliligaw sayo eh. Baka naman yung magiging first mo eh siya na ring last?" tapos yun sininok ulit.
Ilang beses na yan sinabi ni Joy sa akin. Eh alam ko naman yan si Joy pag sinabi niyang pangit ka eh totoo yun. Pranka eh. Nakailang lait na rin yan sa akin at ngayon nga nagain ko yung papuri niya. Hindi dahil lasing siya ha. Pero yun nga daw, nung naggraduate kami siya namang pagdadalaga ko daw. Ewan ko ba.
"Sigurado ka na ba? Wala naman sigurong mawawala kung ittry natin?" tanong ni Wella.
Totoo naman yung sinabi niya sa akin. Wala naman talagang mawawala sa akin di ba?
Tumango na lang ako at nginitian naman niya ako. Naku yan eh mahilig talaga sa mga ganitog bagay, sa horror films at kung ano anong misteryo kaya asahan mo yan sa mga ganitong bagay.
"Guys tignan niyo to oh!" nagsilapitan naman kami agad nung bigla siyang sumigaw.
Turo turo niya ang isang linya dun sa libro at sabay sabay namin yung binasa.
"Vocatus Amor"
"Oh anong ibig sabihin niyan?" tanong niya pero napangibit balikat lang yung iba.
"Di ba yung Amor love yun?" tanong ko. "Saka tignan niyo oh may heart dyan." tinuro ko pa yung yung flask na hugis puso.
"Oo nga ano? Galing mo talaga Aisha!" halos masubsob ako sa tapik ni Joy sa likuran ko.
"Oh gawin na natin!" excited na sigaw ni Wella. Tumango naman yung iba at bumuo kami ng isang circle.
"Ay putspa, may translation pala dito sa likod." naiiling na sabi ni Wella. "Kaya lang yung instructions lang ang may translation. Yung mismong spell wala."
"Oh ayos na yan!" as usual ang nagmamadaling si Jillian.
"I-gather niyo na ang materials." tapos nun eh sinabi na ni Wella yung mga sinasabi sa libro.
"Si-sigurado ka ba dito sa pinakuha mo?" medyo parang mali kasi.
"Kahit tignan mo pa dito." sagot niya. Bumuntong hininga na lang ako at ipinatong yung dala ko sa tapat.
"Naku ka! Hindi ka ba nagppH care?" sita ni Jillian. Sabi ko na nga ba mali to eh!
"Manahimik ka nga! Bat kasi pati gamit na na panty at bra kailangan dito?" namumula kong tanong. Wala namang amoy eh. Ang arte lang talaga nitong babaeng to. tss
"Eh yun nga daw kailangan." sagot ni Wella.
"Yan lang ba?" tanong naman ni Ann.
"May isa pa." sabi naman ni Wella habang mukhang nagcoconcentrate dun sa libro. Pati din naman ako eh nahihirapan basahin yun eh. "Patak ng luha."
"Ha? Ano to kailangan ko na namang umiyak?"
"Oo. Iyakin ka naman kaya mo yan." sagot ni Joy.
"Wow naman touch ako sa moral support niyo."
"Welcome kaya nga kami andito eh." tapos ngumisi siya. Nawala na ata ang tama nito. Nilaklak ko na lang yung natitirang alak sa bote na kinuha ko kanina.
"Umpisahan na. Kayong tatlo halikayo dito sa tabi ko. Si Aisha lang dapat ang gumawa habang nag-oorasyon tayo."
Ayun nga naiwan ako kasama ang nakatirik na itimna kandila dito sa ibabaw ng palanggana. Aba mahirap na no baka masunugan pa kami. Tss
"Hindi na talaga ako maiyak." sabi ko pero agad ako nakaramdam ng hapdi sa kaliwang pisngi ko.
"Ayan iiyak na siya, pigilan mo muna ng unti." sabi ni Joy. Shucks. Ang sakit talaga nito sumampal!
"Tenet in saeculum,
qui cordi mulieribus
qui vir illustrior,
deditus ad centrum terrae.
Lorem vocavit vos unum esse volumus hac puella.
Sed Deus ostendere se conferendo virgini amoris vellet."
Inumpisahan ko nang sunugin yung panty ko at bra dun sa itim na kandilang dala ni Jillian kanina. Naiiyak na talaga ako. Hindi dahil sa sampal ni Joy kundi dahil sa paborito kong underwear itong mga sinusunog ko.
"Tenet in saeculum,
qui cordi mulieribus
qui vir illustrior,
deditus ad centrum terrae.
Lorem vocavit vos unum esse volumus hac puella.
Sed Deus ostendere se conferendo virgini amoris vellet."
Pagkatapos masunog ay hindi pa rin natatapos ang orasyon dahil kailangan ko pang patakan ng luha itong kandila.
Bago ko yung gawin ay naisip ko lahat yung mga tinaggap ko kaninang panglalait kay Mae. Naku kahit naman hindi niya denirect saa kin yung mga yun eh sapul na sapul pa rin.
"Tenet in saeculum,
qui cordi mulieribus
qui vir illustrior,
deditus ad centrum terrae.
Lorem vocavit vos unum esse volumus hac puella.
Sed Deus ostendere se conferendo virgini amoris vellet."
Hinawi ko ang buhok ko at pumaibabaw sa kandila, Ipinikit ko ang mata ko at hinayaang tumulo ang luha mula sa aking mga mata.
"So ano na?" rinig kong tanong ni Wella. Napabukas ako ng mata at namatay ang kandila kasabay ng pagpatay ng ilaw. Bigla akong kinabahan. Takot pa man din ako sa dilim.
"Guys... Asan kayo?" kinapa kapa ko yung sahig. "Natatakot ako.." pero walang sumagot. "Guys?"
Naramdaman ko na lang na may biglang humawak sa kamay ko. Sisigaw na sana ako pero may nagsalita.
"Ang tanda mo na takot ka pa rin sa dilim." si Ann. Napabuntong hininga na lang ako. Narinig kong humangin ng malakas sa labas. Kaya napatingin ako doon.
"Bat kasi ngayon pa sila nagpatay ng ilaw eh." sabat ni Joy. Nilingon ko ang alam kong direksyon ng kinaroroonan nila at bigla namang nagswitch yung ilaw.
"Ahhh!" sabay sabay naming sigaw.
"Jillian! Huwag kasi bigla biglang titingin! Nakakagulat ang mukha mo!" sigaw ni Ann na asa pinakadulo ni Wella?
Kung ganun? Sino yung humawak sa akin kanina? Napatingin ako sa kamay ko pero walang kahit sino sa kanila ang nakahawak dun at si Joy na siyang malapit sa akin ay imposible rin dahil nakayakap siya kay Wella.
"Teka!" Napatingin ako sa relo sa cabinet at 12:02 na, "Since hatinggabi na dito na kayo matulog ha?"
Omoo na lang silang apat.
Matapos naming maglinis ay nagsihiga na kami sa kama ko. Malaki naman to kaya kasya kaming lima. Huwag lang silang magulo kundi itutulak ko sila dito. Hehe.
"Wala namang nangyari. Hey Jillian. That spell book you bought was a rip off." sabi ni Wella.
"Hmp! Nakigamit na nga lang may gana pang magcomplain."
"Guys, I love you." bulong ko. Agad naman silang nagsiusod palayo sa akin. Kaya natawa na ako.
"Walang talo talo brad!" sabi ni Ann sa akin habang matawa tawa din.
"Seriously I owe you guys. Thanks for being there when I need you."
Pagkatapos kong sabihin nun ay niyakap na nila akong apat.
"We love you too bunso." yeps ako ang pinakabata sa kanila kaya ganyan.
I was happy I found the truest of friends. If there is such, it's them.-
BINABASA MO ANG
Her Sex God Boyfriend [FIN]
FantasyPara sa SMP ngayong pasko. Nbsb ka? Desperate to have a boyfriend? Pero paano kung sa pagiging desperada mong makahanap ng jowa eh isang 'Sex God' ang nakita mo? Di ba ang imposible? Kasing imposible ng paghahanap ng jowa ng isang araw lang. Pero pa...