"Oh chiz." nanlaki ang mga mata ko nang makita yung mga ilaw sa bahay. Ibig sabihin nakauwi na sila. Ang aga naman masyado. Tumingin ako kay Fidus at bumuntong hininga. "Here's the plan."
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nadatnan na kumakain na sila mama at papa. "Good evening po ma, pa." I greeted at hinalikan silang dalawa sa pisngi."San ka galing ginabi ka ata ah." tanong ni mama. Muntikan na ngang magcrack ang brain ko eh. Di kasi ako sanay na nagsisinungaling sa kanila o magrason. Kaya medyo napatigil ako saglit bago tumawa ng unti.
"Dyan lang po sa dagat. You know with friends." sabi ko at mukha namang kinagat nila dahil tumango lang sila.
"Kumain ka na ba? Halika, saluhan mo kami ni mama mo." aya naman ni papa pero humawak lang ako sa tyan ko.
"Busog pa po ako. Nakakain na po kasi ako eh."
"Ah ganun ba?" Hindi ang totoo niyan cotton candy lang ang kinain ko. Ang totoo, busog pa ang puso ko. Naghihilik na nga eh.
"Opo, good night na po ha." tumalikod na ako at aakyat na sana ng kwarto ng bigla akong pigilan ni mama.
"Ah teka, may sulat ka nga pala." tapos nun ay nilingon ko ulit sila at kinuha ang sulat. "Good night iha." sabi sa akin ni mama at tinanguan naman ako ni papa.
Ginawa ko ang makakaya ko para hindi tumakbo sa kawarto. Shems. Ang hirap ng may tinatago. Ito na ba yung sinasabi nilang secret relationship? Hihi. Landi.
Pagkapasok ko sa kwarto eh nilock ko agad.
"Fidus? Yoohoo." nilingon ko ang buong kwarto pero wala naman siya. "Fidus? Magpakita ka na nga."
Nagulat na lang ako nung may umakap sa akin mula sa likod. Muntikan pa akong sumigaw."Namiss kita." bulong nito sa tenga ko at hindi ko mapigilang makiliti at kiligin. Pero sa parehong pagkakataon eh gusto kong matawa.
"Miss agad? Eh ilang minuto pa nga lang tayong nagkahiwalay." Sabi ko at humarap sa kanya. Naramdaman ko na lang na idikit niya ang noo niya sa akin at magkiskisan ang ilong naming dalawa.
"Hindi mo alam kung gaano kita kagustong halikan." sabi nito at parang biglang nagising ang heart ko at ngayon ay nag-ala cheer leader at may hawak pang banner na may mukha ni Fidus.
"Hay naku. Nagkick in na naman ba ang pagiging Sex God mo?" binigyan ko siya ng malokong tingin at nginisian naman niya ako. "Lumayo ka muna at magpapalit ako ng damit." sumunod naman siya sa sinabi ko.
Pero napansin kong andun pa rin siya at nakatayo kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Pwede bang manood?" binatukan ko nga ng isa.
"Aray hindi masakit ah." I just stuck my tongue out at nginisian siya.
Natahimik na lang kming dalawa nung may kumatok sa pinto. "Aisha, may kausap ka ba dyan? Bat nakalock ang pinto mo?"
"Hala, mag-invisible ka muna o kahit ano wag ka magpakita sa mama ko." sabi ko at pinagtulakan si Fidus sa loob ng banyo.
"Wala po ma." Tinakbo ko ang papunta sa may pintuan ng kwarto at nginitian ng malapad si mama. Sana hindi niya mapansin na nininerbyos ako. Naku naman.
Sumisilip pa siya sa loob ng kwarto. "Sino yung naririnig ko? May kausap ka ba?" kumunot ang noo niya at pinagtulakan ako saloob ng kwarto para makapasok siya.
"Wala ma, may kausap lang ako sa telepono kanina." Pero hindi pa rin siya tumigil at tumasok pa sa banyo. Nagcross fingers lang ako habang nakapikit.
"Oh bat ganyan ang itsura mo?" nung marinig ko yun ay nagmulat na ako ng mata.
"Face dance po. Pampagising ng nerves sa mukha."
BINABASA MO ANG
Her Sex God Boyfriend [FIN]
FantasyPara sa SMP ngayong pasko. Nbsb ka? Desperate to have a boyfriend? Pero paano kung sa pagiging desperada mong makahanap ng jowa eh isang 'Sex God' ang nakita mo? Di ba ang imposible? Kasing imposible ng paghahanap ng jowa ng isang araw lang. Pero pa...