"THE LOVER"CHAPTER ONE:

17 2 0
                                    

(Tilaok ng manok)
"Kokorokok! ,kokorokok!"

"Hayyys ang aga naman manggising ng mga manok na to!" Unggol ko sa aking paggising. Sabado naman ngayon kaya walang pasok.


"Beatrice!!! Beatrice Ramirez!!! bumangon ka na jan at magsaing!! Jusko kang bata ka hindi ba't pag sinabi kong pagkabangon at pagkabangon mo eh magsaing ka na hindi ka na natuto hayyy buhayy!!" Sermon sa akin ni mama.


"Opooo! Babangon na poo! Hayss ang aga aga kasi tumilaok tong mga manok ni aling Tessa eh!" Pagmamaktol ko.


Agad agad naman akong bumangon na't nag ayos ng sarili.


"Good morning mama!" Sabay halik sa kanyang pisngi.



"Oh asan si kuya pati si papa?" Bulalas ko ng di sila nakita sa aming hapag kainan.



"Ayon maagang nagising tinawag sa opisina ang papa mo, ang kuya mo naman ayon nag basketball kasama si Kent hinahanap ka din ni Kent tulog mantika ka daw lagi eh." Sagot ni mama.



Si Kent ang bestfriend kong krung krung din kagaya ko. Mula pagkabata ay bestfriends na kami. Magkaibigan pareho ang aming mga magulang. Girlfriend naman ni kuya ang ate ni Kent, si ate Liz.




"Ok, sige ma! Tapos na ko kumain ligo na po koo!" Hindi pa talaga ako tapos kumain palusot ko na lang para maabutan ko sila kuya.



"Beatrice! Ubusin mo muna to! Nakooo talaga nga naman!" Sigaw ni mama.

Dali - dali akong naligo at nagbihis.


(Sa basketball Court)

"Hayss mga di nag aaya oh! Pano tayo mananalo nyan ni di kayo na cha challenge eh!"


"Tss ano ginagawa mo dito porky ha?" Asar ni kuya Andrew.


"Susss puro salita ka lang naman eh!, oh!" Sabay abot ng bola sakin ni Kent.



Pinakitaan ko sila ng aking "basket moves" Hindi naman ako tomboy sadyang marunong lang ako, lalaki kasi ang kapatid ko kaya kasama na sa buhay naming dalawa ang pag ba basketball.




"Naks! Ang galing mo na B!" Pagkamangha ng bestfriend kong si Kent.




"Sakin mo lang nakuha yang basket moves mo eh!" Pagmamayabang ng kuya ko.


"Tss kay papa ko nakuha noh!" Matapang kong sagot.



Natapos na ang aming paglalaro, Sa di inaasahan ay  nakita ko si Jace...



Ang ultimate crush ko.



~~"Sa hindi inaasahan pagtatagpo ng mga mundo... ~~~"



Parang nag play ang kantang "tadhana" sa utak ko.Parang nag slow mo.. ang lahat. Ang paligid, ang mga tao, at buong katawan ko ni hindi ko magalaw ng maayos.



Tug...tug... tug...
Ang puso ko...



"Oyy B! Hayss nakita mo na naman ang crush mo, Ehehe si Jace, ang ultimate kong crush na si Jace." Panggagaya sakin ni Kent.




"Tss hatdugin"




Hayss hanggang tingin na nga lang ba ko sayo Jace my loves? Bulong ko sa sarili.




Umuwi na ko sa bahay. Si kuya? Ayon na kila Kent dadalawin nya daw ang labidabs nyang si ate Liz.




Maganda si ate Liz. makinis na mukha, mahabang buhok na laging nakalugay, matangos na ilong, at mapupungay na mga mata. Kaya napakaganda nya talaga. Hindi maman sila nalalayo ni Kent kahit madalas eh tinutukso namin ang isa't isa hindi ko naman maitatanggi ang kagwapuhang meron ang best friend ko noh krung krung lang talaga. -_-




(Sa bahay)


"Oh tapos na kayo maglaro?" Tanong ni mama.




"Opo mama! grabe ma kung nakita mo lang ako maglaro.." (Sabay laro ko na parang may bola akong dala at pinakitaan ko si mama ng basket moves ko.)





Mas close kami ni mama ngayong nagdadalaga na ko, noon kasi si papa ang close ko isip bata at mga laruang pang lalake ang hawak ko dahil kay kuya -_-




Pero dahil nagdadalaga na nga ako mas nagkakaintindihan kami ni mama.





"Pahinga lang ako ma tas maliligo po uli okii? Akyat no po ko!"





"Yung likod mo punasan mo muna ha!" Sigaw ni mama.



"Opooo!"



Pumasok na ako sa aking kwarto.


(Kentpot messaged you)

Kentpot: uyy

You: typing...

You: oh?

Kentpot: sungeet

You: tss baket ba?

Kentpot: typing...

Kentpot: wala lang HAHAHA

You: trip mooo?

Kentpot: apakasunget talaga, buti pa kay ano eh *_*

You: hanooo?

Kentpot: wala panget mo kausap sayang data ko sayo! :)

You: WAHAHAHA

Kentpot: tss -_-

You: '_' ?

THE LOVER (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon