(KENT'S POV)
Nandito na kami sa bahay nila lolo Ted.
Ang tagal ko ring hindi nakabisita Kay lolo, Marami ang nagbago. Mas maraming halaman, mala palasyong hardin.
Umakyat na kami ni B sa mala palasyong hardin, ang bahay ni Lolo Ted. Makikita mo talagang alagang alaga ni lolo Ted ang mga ito sa tulong ni Mang Del.
"Oh iho.. Kent? Ikaw na ba iyan?
"Mang Del!" Bati ko.
"Aba binata ka na ha.. Oh hindi mo ba ipapakilala sakin ang napakagandang nobya mo?"
Nagulat ako.
A..Ano daw? N..Nobya?
"Ahh ehh hehe Mang Del talaga... Si Beatrice po." Sagot ko.
'_'
"Beatrice? ang kababata mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mang Del.
"Ikaw na ba yan iha?! Naku po ano ng balita sa inyo nag d date na ba kayo? Hahaha! Pagbibiro ni Mang Del.
"Mano po Mang Del.. Kamusta po?" Si B.
"Aba ako? Eh eto byudo na, kaya single ready to mingle hahaha!" Sagot ni Mang Del.
"Oh sya nasa itaas na ang lahat kayo na lang ang inihintay, tara halina kayo't pumasok" Pag aaya samin ni Mang Del.
Pagkapasok namin ay nakita ko na ang lahat pamilya ni mama. Si Hannah, Ely, at ang magkapatid na si Kurt at kuya Drake mga pinsan ko kay mama.
Pati ang mga tita, tito ko kumpleto sila.
Sa States na nakatira ang pamilya nila mama.
Kasama ni lola Glo kapatid ni lolo Ted. May negosyong inaalagaan kasi sila sa States. Si mama na lang ang natira sa Pinas. Dahil samin at sa pagnenegosyo nya.Sa di kalayuan ay pumunta samin si Hannah.
Ate Beatrice? Omg! long time no see!" Sabay akap sakanya ni Hannah.
Yup you too!" Kamusta na!?" Pagbati ni B kay Hannah.
"Dude! Long time no see huh?" Si Kurt.
"Yah dude! Kamusta na!?" Bati ko.
"We're good! Ikaw ang kamusta na!? Hindi mo ba ipapakilala ang girlfriend mo samin?"
Nagulat ako.
"Tara nga dito!" Sabay hatak ko kay Kurt na parang nagkukuwanring nag re wrestling kami.
Ipinakilala ko silang uli kay B.
Ang tagal na rin kasi simula ng di kami nagkita kita.
Binati ko ang lahat magmula sa mga pinsan ko, mga tita, at tito ko.
At ang kanina ko pa iaasam asam na makita, ang Lolo Ted ko.
Happy Birthday lolo!" Masaganang sabay na pagbati naim ni B kay lolo Ted.
"Beatrice, Kent mga apo aba na late ata kayo" Pagbibiro ni Lolo Ted.
"Hmm Lo.. napaaga lang sila Tita hehe" Pagbibiro rin ni B.
"Oh andito na pala ang lahat ano pang hinihintay naten... Kainan na!" Maligayang sigaw ni Lolo Ted.
Natawa naman kaming lahat.
At habang kumakain ay...
"Oh Kent apo kayo na ba nitong si Beatrice?"
A...anoo daw? K..kami?
Nakita kong nasamid si B. Nagulat din ata sya.
Lolo talaga -_-

BINABASA MO ANG
THE LOVER (Incomplete)
RomancePaano kung isa lang ang nagmamahal? pagmamahal pa rin ba ang tawag mo don? o sadyang handa at kayang magpakatanga sa pag-ibig ang isang taong nagmamahal. I watched her falling for him, and there's me smiling at her... Read the story of Beatrice and...