Nandito na ko sa sala namin at naghihintay kay Kent. Ayoko masermunan na naman nung mokong na yun noh, kaya maaga na ko nag ayos.
(Ding dong...)
"Ako na po ma!"
"Shall we?" Si Kent.
"Naks naman pwede na"
"Pwede na? Maging..."
"Pwede ka ng maging bellboy hahaha!"
"Tss crush mo na naman ako"
"Hatdog! Tara na nga male late pa tayo nyan eh!"
"Eto na po madam!"
"Yan madali ka naman palang kausap eh"
"Tss"
Nag drive na si Kent papuntang school. Nang maalala ko yung pag uusap namin ni Ash.
Tatanungin ko ba sya? O wag na lang hayaan kong siya ang magsabi. Wala namang tinatagong sikreto tong bestfriend kong to eh pwera sa lang crush ko si Jace my loves. Ehee
"Ahh K- Kent.."
"Pooo?"
"Ahh ehh ano.."
"Hmm?.. Lumingon sakin si Kent.
"Ahh ano pasama ako sa library mamaya oo hehe"
Haysss hindi ko masabi bahala na nga.
"Shoree yun lang ba?"
"Ahh oo yun lang naman hehe"
"U okay? May problema ba B?"
"Huh? Problema? hehe wala, wala naman."
"Ok sabi mo eh"
"Oki dito na tayo!"
Pagkatapos ng ilang minuto nakarating na rin kami sa campus.
First year college kami pareho nila Kent and Ash. Engineering si Kent Business Ad. naman si Ash.
"Uyy hatid na kita B!"
"Hatid ka jan ano ako grade 1? Hahaha!"
"Tss edi wag! Ingat ka oyy!"
"Opooo!"
(Sa classroom)
"Ok class we'll be having groupings tomorrow don't forget to bring all the requirements."
Haysss ang tagal ng business class namin namimiss ko na yung luka luka kong bestie-_-
After ng ilang subjects..
(Business Administration Class)
"Besss namiss kita uyy!"
Speaking of the luka luka.
"Bess i miss you too noh!"
"Yieee lika na nga mag aral na tayo"
"Wow ha! Anong nakain ng bestie ko ngayon?"
"Tss pagbigyan mo na naka survive nga ko kay Ms. Agosto noh.
Hahaha ang terror naming teacher nung highschool kami.
Natapos ang klase ng di ko nakikita si Kent, yari sakin yon mamaya ang sabi ko samahan ako eh tss!
nakakamiss din pala yung mokong na yun minsan kasi nagsasawa na ko sa pagmumukha non eh hahaha!
Uuwi na sana ako ng makita ko si Jace...
Tug... tug...tug...
Ang puso ko...Nakita kong si Jace paangkas sa motor nya.
"Haysss ang cool talaga nya" Bulong ko sa sarili.
Crush ko na si Jace noong First year high pa lang ako na crush at first sight ako sa kanya.
Pano ba naman sobrang pogi at cool nya, mapupungay at bilog ang kanya mga mata, beautiful eyes talaga... Pero mas naka agaw atensyon sakin ang boses nya... Hayss.
(FLASHBACK)
"Beatrice Ramirez"
"Present po!"
"Jace Neil Arcea"
"Present"
Nandito kami sa backstage para sa gaganapin na "Mr. and Ms. St. Fatimah Academy"
Si Jace ang partner ko sa pageant.
Naghahanda ngayon kaming lahat para sa Talent portion ng aming pageant.
"Ahh Jace anong talent mo?" Pagtatanong ko.
"Piano"
"Ahh ok"
"Ikaw?" Tanong ni Jace.
"Mag ba ballet ako."
"Ok good luck" Si Jace.
"Yah thanks good luck din."
"And let's give a round of applause for candidate number seven! Beatrice Ramirez!"
~Instrumental playing~
I danced, I danced gracefully. Buong tapang kong hinarap ang kaba ko. Gr. 5 ako nagsimulang mag ballet nahinto ako nang mag highschool dahil kailangan kong mag focus sa pag aaral sa highschool.
Natapos ang aking pagsasayaw. Tili at palakpak ang nakakabinging musika na masarap pakinggan mula sa mga manonood ang kanina ko pa inaasam, at di ako nabigo.
Kitang kita ko mula sa malayo sila mama, papa, kuya at dalawa kong bestfriend nakatayo bilang pagpugay sa aking pagsasayaw.
"And now let us all hear the angelic voice of our candidate number nine!
Jace Neil Arcea!"~ Piano playing ~
~~"Take me to your heart
Show me where to start
Let me play the part of your first love
All the stars are right
Ev'ry wish is ours tonight, my love.
Pity those who wait
Trust in love to faith
Findin' out too late that they've lost it
Never leting go
They will never know the ways of love"~~Tug... Tug... Tug...
Bakit parang di ako makahinga, bakit parang may mali? Ang puso ko...
~~"Got to believe in magic
Tell me how two people find each other
In a world that's full of strangers
You've got to believe in magic
Somethin' stronger than the moon above
'Cause it's magic when two people fall in
Love"~~Isang malaking katahimikan ang bumalot sa campus at... Naghiyawan ang lahat! Mas malakas sa tili at palakpak na natanggap ko kanina.
Jace... Naibulalas ko sarili.
"And for the Mr. And Ms. Fatimah Academy is our... Candidate number seven and candidate number nine!"
(END OF FLASHBACK)
BINABASA MO ANG
THE LOVER (Incomplete)
RomancePaano kung isa lang ang nagmamahal? pagmamahal pa rin ba ang tawag mo don? o sadyang handa at kayang magpakatanga sa pag-ibig ang isang taong nagmamahal. I watched her falling for him, and there's me smiling at her... Read the story of Beatrice and...