"THE LOVER"CHAPTER NINETEEN:

4 1 0
                                    


(KENT'S POV)

Hindi ko makalimutan ang pagkakatitigan namin.




(FLASHBACK)

(Kring... Kring...)


Maaga pa lang ay nag alarm na ko. Nagbihis at nag ayos ng sarili. Linggo ngayon at magsisimba kami.



"Kent anak! Bumaba ka na riyan at mag almusal!" Sigaw ni mama.


Walang alitana't bumaba na rin ako.


"Oh tapos na lahat?" Paninigurado ni mama.


At ng matapos na kaming kumain ay sabay sabay na kaming umalis para mag simba.


Sa di kalayuan ay nakita ko na sila B. Nakagawian na naming lahat na sabay sabay magsimba.




Pagkatapos namin magsimba, ay wala namang masyadong gagawin o pupuntahan.
Pero nakita ko si B na may kausap sa phone.

Hindi ko mapigilan maging curious sinong kausap nya, Kaya nagpaalam na ko kunwari kila tita Karen, mama ni B, na uuwi na kami.




Hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay namin ay may naiisip ako..




"Ma may bibilhin nga pala po kong materials para sa project ko." Pagsisinungaling ko.



"Ahh o sige samahan pa ba kita?" Pagtatanong ni mama.



"Hindi na ma walking distance lang naman naun eh" Paninigurado ko sa kanya.




Naisip kong sundan si B. Hahaha! Wala kong magawa eh, pero ayokong makita nya ko. Kaya naiisipan kong mag face mask na black.



Ilang minuto lang at nakita ko si B na naghihintay lang at nakaupo sa club house ng subdivision.



Maya maya pa ay nakita kong dumating si Ashley kaibigan ni B. Hindi ko sya masayadong close pero kilala namin ang isat isa.



Ilang segundo at umalis na sila sa club house.



Nakita ko silang papasok sa isang korean shop, nagpanggap akong bibili. Para akong detective sa ginagawa ko.


-_-


Haysss ano ba naman tong shop na to puro pink at iba pang pastel colors, napaka pambabae naman netong shop na to. Pag angat ko ng ulo ko...


"_"



(Women's Lingerie)





Haysss ano bayan my innocent eyes!





Maya maya pa ay nakita ko na sila B, ang dami nilang pinamili. -_-




Pagkatapos nila mamili sa MIMI-co, Nakita ko silang papasok sa Jollibee.




Haysss talagang babae to oh pagkatapos mamili nagutom pa nga -_-




Bumili lang ako ng fries at sundae para naman di ako pagkamalan ng kung ano pa man, tumabi ako sa mesang di naman kalayuan sa kanila.




Ang ingay nila -_-



Parang sila lang ang tao sa Jollibee -_-





Inuunti unti ko lang yung fries sa tagal nila -_-





Pagkatapos ng ilang oras ay natapos din sila.



Salamat naman -,-



Umalis na sila at naglakad.



Pauwi na kaya sila? Haysss bakit ko ba sila sinusundan.





Naisip kong umuwi na lang din wala namang thrill ang pag mo mal nila eh -_-


Pero bago pa ko makaalis natalisod si B.


-_-




"OMG bes!" Pagaalala ni Ashley.




Bago pa sya mahulog ng tuluyan sa iba este sa lupa ay sinalo ko na sya.






Ramdam namin ang tibok ng puso ng isat isa.






Nagkatitigan kami.





Matagal.





Pero bakit ganon? Bakit parang may mali? Parang may kakaiba sa mga titig nya.





"Uhh thanks" Pasasalamat nya.






Hindi na ko makatagal sa titig nya at umalis na.



Tama ba ta umalis ako? Natulala ako eh, di ko alam gagawin ko sa mga titig nya.





Mga matang nangungusap. At puso kong nakikiusap.




Huwag mo naman ako pahirapan B oh.



Alam mong hindi ako makakatanggi sa mga matang yan.



Pero ngayon, alam ko na. Ngayon, sigurado na. At ngayon tapos na ang mga katanungan ko.



Mahal na kita.



B...



Gusto ko syang kamustahin. Kailangan kong mag panggap.





(B ko ^_^)

You: B?

You: uyy?

You: Bbbbbbbbb!!!!!!

You: Beatrice!!!

You: B! Oy B!

You: Tss B????

You: u there??? Haha naks english!

You:-_-

You: B naman eh!

You: B?? Oy!

You: B?

You: B??? Uyyy?

B ko: Huy! Ano ba yun?

Nag reply na sya! Naisip ko syang inisin. Hindi ko sasabihin sa kanya. Ayoko, ayoko syang mawala, ayokong mawala yung friendship namin. Duwag? Oo pero mas takot ako mawala sya.

You: (Seen)

B ko: woi! Hanu ngaaa??

B ko: (Seen)

B ko: Aba!

You: hehe joke lang

B ko: Anu ba yun?

You: wala lang hehehe

B ko: 11 messages??? Tas wala lang??? Abnormal ka ba!?

^_^ Ang cute nya talaga

You: hehe gawa mo?

B ko: wala tulog!

You: hahaha! Sungettt

B ko: -_-

You: '_'

(END OF FLASHBACK)

Hindi ko mapigilan isipin ang mga oras nayon.


Kaya ba? Kaya ba tinapos ko ang namamagitan samin ni Bianca ng walang dahilan. O ikaw ang dahilan kung bakit tinapos ko ng walang pag aalinlangan.





Kaya ba? Kaya ba nagmahal ako ng iba para kalimutan ka. Pero ako pala tong tanga na kahit anong pilit kong pag di sang ayon sa puso ko, sa nararamdaman ko, ikaw parin pala talaga.



Ikaw lang at wala ng iba.



B...

THE LOVER (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon