(Tilaok ng manok)
Kokorokok!.. Kokorokok..!Haysss ang aga aga...
Nagising na ko't tumingin ako sa phone para alamin ang oras ng....
"9:30"
Hala!!! Jusko po!!! Isang oras na kong late!
Agad agad akong nagbihis na, nag half bath naman ako kagabi kaya mas pipiliin kong wag na muna maginarte at magbihis na.
"Mama! Hindi mo po ako ginisinggg! Late na ko!
Nakita ko si Mama na di sumagot at kalmado lang.
Maya maya ay nagsalita din sya...
"Late??? Tinignan mo kung anong oras na pero hindi mo tinignan kung anong araw na??? Juskooo day! Sabado na po! SA-BA-DO!
Natigil ako. "_"
"Ahh hehehe"
"Hay nakooo nag sisisigaw ka jan!....." Kumain ka na dito lika sabayan mo ko!
"Hehehe sila kuya ma?"
"Nasa garahe ang papa mo. Ang kuya mo naman kasama si Liz."
Maya maya ay may nag door bell sa bahay.
(Ding..dong..)
Sino naman kaya yun? Wala namang pasok ha.
"Ako na po mama" Sabay takbo ko sa pintuan.
-_-
"Hi besss!" Si Ash.
"Oh ano ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko.
"Wala naman!" Sabay angat nya ng ibat ibang crackers at coke.
Movie marathon! Isa rin sa mga bagay na gustong gusto namin. Manood ng ibat ibang movies.
Pinapasok ko na sya sa aming bahay.
"Hi titaaa!! Sabay beso nya kay mama.
"Oh naparito ka? May project ba kayo?"
"Wala ma mag mo movie marathon lang po."
"Ahh o sige nag almusal ka na ba Ashley?"
"Opo tita done na po! Akyat na po kami!"
Si Ash ang pinaka bestfriend ko kasi nung highschool kami. Kasama ko sa tawanan, iyakan, at maging kalokohan block section kasi sa St. Fatimah Academy kaya wala akong ibang choice kundi ang makita ang pagmumukha niya hahaha! Marami kaming similarities pero mas marami ang pagkakaiba naming dalawa.
"Besss may tanong ako" Ako.
"Oh siguraduhin mong may kwenta yang itatanong mo ha naka focus ako sa panonood eh!" Pagmamaktol nya.
"Oh sige tatanong ko lang naman kung pwede ka sa summer mag bo Bohol tayo wala naman yun hindi mahalaga...." Hindi pa tapos ang sasabihin ko ng bigla syang sumigaw"
Abnormal talaga. -_-
"Hanoooo?!!! Besss!! Oo! Gusto ko yan!" Masagana pa sa bagong taon ang pagkakasabi nya.
BINABASA MO ANG
THE LOVER (Incomplete)
RomancePaano kung isa lang ang nagmamahal? pagmamahal pa rin ba ang tawag mo don? o sadyang handa at kayang magpakatanga sa pag-ibig ang isang taong nagmamahal. I watched her falling for him, and there's me smiling at her... Read the story of Beatrice and...