"THE LOVER"CHAPTER EIGHT:

10 1 0
                                    


Nandito na kami sa bahay nila lolo Ted. Ang tagal ko ring hindi nakabisita dito. Marami ang nagbago. Mahilig sa halaman si lola Rosita at yun lamang ang pinanghahawakan ni lolo Ted naalala raw kasi ni lolo Ted si lola Rosita sa pamamagitan ng pagtatanim, pagaalaga ng mga halaman. Dito nya rin kinakausap si lola Rosita sa pamamagitan ng mga halaman.

Umakyat na kami ni Kent sa mala palasyong hardin ang bahay ni nila Lolo Ted. Makikita mo talagang alagang alaga ni lolo Ted ang mga ito sa tulong ni Mang Del.


"Oh iho.. Kent? Ikaw na ba iyan?


"Mang Del!" Bati naman ni Kent.

"Aba binata ka na ha.. Oh hindi mo ba ipapakilala sakin ang napakagandang nobya mo?"

Nagulat ako.

Ano daw? N..Nobya? Alam ko ng maganda ako eh hahaha

"Ahh ehh hehe Mang Del talaga... Si Beatrice po." Sagot ni Kent.

"Beatrice? ang kababata mo?" Tanong ni Mang Del.

"Ikaw na ba yan iha?! Naku po ano ng balita sa inyo nag d date na ba kayo? Hahaha! Pagbibiro ni Mang Del.

"Mano po Mang Del.. Kamusta po?"

"Aba ako? Eh eto byudo na, kaya single ready to mingle hahaha!" Sagot ni Mang Del.

"Oh sya nasa itaas na ang lahat kayo na lang ang inihintay, tara halina kayo't pumasok"

Pagkapasok namin ay nakita ko na ang lahat pamilya ni Kent sa mother side nya. Si Hannah, Ely, at ang magkapatid na si Kurt at kuya Drake mga pinsan ni Kent.

Si Hannah ang bunsong pinsan nila, si Ely ang gitarista sa isang banda, at ang makukulit na magkapatid na sina Kurt at kuya Drake. Lahat sila ay nasa Amerika nakatira. Napadalaw lang sila para sa kaarawan ni Lolo Ted.


"Ate Beatrice? Omg! long time no see!" Sabay akap sakin ni Hannah naging mag kaibigan kami ni Hannah noon tatlong taon ang agwat ng edad nya samin ni Kent.

"Yup you too!" Kamusta na!?" Pagbati ko kay Hannah.

"Im good! Maganda pa rin hahaha!" Sagot naman ni Hannah.

"You look pretty ate!" Pagpuna ni Hannah.

I know. Hahaha!

"Your prettier! Sagot ko.

Nagbatian na kami ni Kent sa kanyang mga pinsan.


Nandoon naman sila Tita Cora isang Engineer na iniidolo ni Kent, maganda at kayumanggi ang katangiang meron si Tita Cora nanay nila Drake at . Si Tita Cris naman ang Business woman sa pamilya kagaya ni Tita Myra, magaganda at matalino silang lahat . At ang matipunong si Tito Mike isang Seaman,ang kanilang bunsong kapatid. Silang lahat ay mga kapatid ni Tita Myra.


At syempre ang pinaka mamahal naming lolo ni Kent.. Si Lolo Ted.



Wala na pareho ang mga lolo ko. Bata pa lang ako hindi ko na nakita ang mga lolo ko ang sabi sakin ni lola isang bayani ang lolo ko. Isa syang sundalo lolo ko kay mama. At binawian din ng buhay sa isang gyera.


Si lolo Nic naman namahinga dahil sa isang aksidente ang lolo ko naman kay papa. Si lola Grace at si lola Mel na lang ang mga pinakamamahal kong mga lola. Sila ang bumubuo ng buhay ko sa probinsya.

Sa di kalayuan ay nakita ko na si lolo Ted.

Abot tenga ang kanyang ngiti.

Itinuring ko na kasing tunay at kadugo si lolo Ted. Pinunan nya kasi ang dapat sanang ibibigay na pagmamahal sakin ng mga lolo ko.


"Happy Birthday lolo!" Masaganang sabay na pagbati naim ni Kent kay lolo Ted.



"Beatrice, Kent mga apo aba na late ata kayo"
Pagbibiro ni Lolo Ted.


"Hmm Lo.. napaaga lang sila Tita hehe" Pagbibiro ko rin.


"Oh andito na pala ang lahat ano pang hinihintay naten... Kainan na!" Maligayang sigaw ni Lolo Ted.


Natawa ang lahat.

Nilibot ko ng tingin ang paligid at nakita ko ang nakasabit na letter baloons na gold at nakasulat na, (HAPPY 79th BIRTHDAY LOLO TED!)

Hindi ko namalayan, ang bilis ng panahon. Parang nag flashback sakin ang childhood memories namin ni Kent.

Masagana kaming kumakain nang...


"Oh Kent apo kayo na ba nitong si Beatrice?"


A..ano daw? K..kkami? Ni Kent?...

THE LOVER (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon