"Ok class form your line outside, bababa tayong lahat sa court for some announcements. Utos ni Mrs. Lourdes. saming lahat.
Kasalukuyang Business Ad. ang klase namin ngayon.
Matapos ang ilang minuto lahat ay nasa court na.
Lahat ng First year students lang ang pinababa.
Hindi ko makita si Kent ha -,-
"Ano naman kayang announcement yarn?" Si Ash.
"Ewan ko nga rin eh! Wala namang announcement samin si Dean eh" Paliwanag ni BJ.
Minsan kasi presidente ng klase ina - announce ang mga anouncements.
Ilang minuto pa ay umakyat ang aming student coordinator. Si Mr. Lu ang beki naming student coordinator.
"Good afternoon everyone!" Pagbati ni Mr. Lu.
"Good afternoon sir!" Bati naming lahat sa kanya.
"Do you wanna know why, why are you here?"
"No sir" Sagot ng iilan.
"I have to announce that every First Year high school and College will have an acquaintance party" Paliwanag ni sir.
At naghiyawan ang lahat.
"Yes naman!"
" Wohoo! Gusto yarn!"
"Hala weh? Masaya yan!" Si Ash.
Umingay ang lahat sa court.
"Oh pagbilang ko ng tatlo lahat tumahimik na kundi sorry na lang" Pagbibiro pa ni Mr. Lu
Hindi pa sya nagbibilang ay agad naman tumahimik ang lahat.
"Ayan! Madali naman pala kayo kausap" Dagdag pa nya.
Pinaliwanag ni Mr. Lu sa lahat ang paghahanda para sa acquaintance party. Kasama na rito na short end period lang din kami ngayong araw.
Natapos ang announcement nang di ko nakikita si Kent. Asan na kaya yon?
Pagkatapos ng announcement ay Lunch Break na naming lahat.
"Ash nakita mo si Kent?" Pagtatanong ko.
"Ay di ko knows why?" Sagot ni Ash.
"Kanina ko pa sya di nakikita eh"
"Baka absent? Chat mo kaya"
"Yah wait"
(Kentpot is active now)
11:30
You: psst! San ka?
11: 35
Kentpot: (Seen)
You: wuy?
Kentpot: :(
You: ???
Kentpot: bahay :)
You: eh??? Hindi ka pumasok?
Kentpot: baka mahawaan kita eh :(
You: may sakit ka? Bat di ka man lang nag chat -,-
Kentpot: hehe
You: ok I'll be there, jan ka lang ok?
Kentpot: baka mahawa ka, ng kabaitan ko :)
You: tss mukahang malala na yan -,-
basta jan ka lang ha kuha mo?Kentpot: hahaha opooo
Ilang minuto na lang naman last subject na.
Natapos na ang klase, pinaalam ko kay Ash na dadalawin ko si Kent kaya hindi ako makakasama sa lakad nila. Dahil maaga ang uwian naisipan kasi nila BJ na mag mall.
Ilang minuto pa ay nakarating na ko sa bahay nila Kent. Nag chat na lang ako kay mama na pupunta ako kila Kent. Hindi naman makakahindi yon si mama pagdating kila Ash at Kent.
(Ding..dong)
(Ding..dong)
"Oh Beatrice!" Si Tita Myra.
"Hi po tita! Ahm si Kent po?"
"Nasa taas halika pasok ka nak" Pinapasok na ko ni tita sa loob ng bahay nila.
"Nabanggit nga ni Kent na dadalawin mo sya"
"Oh sige maiwan na kita rito, akyatin mo na sya sa kwarto nya"
"Sige po tita thank you po" At umalis na si tita.
Maya maya pa ay kumatok na ko.
"Tok...tok...tok.."
"Kent? Dito na ko" Pagpapaalam ko.
"Buksan mo B" Pagpayag ni Kent.
Nakita ko si Kent nakahiga sa kama nya. Pulang pula pero medyo namumutla sya.
"Uyy ok ka lang?" Pagtatanong ko.
Agad ko namang dinampi ang palad ko sa noo nya para alamin ang kalagayan ng lagnat nya.
"Yep ok lang naman pogi parin"
"Tss"
"Bakit ba di ka nag chat ha?!"
"Tss may sakit na nga ko sinisigawan mo pa haysss ganyan ka ba magmahal ha"
Natigil ako.
"Hahaha! Kainis ka kasi! Nag alala ako!"
"Hehe sorry"
"Tss sandali dito ka lang"
"Bakit ano gagawin mo?"
"Aalagaan ka?"
"Tss wag na lagnat lang to malayo sa bituka"
"Baliw! Basta just let me do this to you!"
"Naks English!"
"Alam mo ikaw!" Sabay kiliti ko sa kanya gawain namin noon pag inaasar nya ko.
"Hahaha! Tama na B! Oo na!"
"Jan ka lang!"
"Opooo!"
Agad naman ako kumuha ng palanggana na may tubig at bimpo, sakitin din kasi ako noong bata pa, kaya alam ko kung paano ako alagaan nila mama. Nagluto rin ako ng oatmeal para magkalaman ang tiyan nya at makainom ng gamot.
Pinahid ko ang basang bimpo kay Kent para maibsan ang init sa katawan nya. Pagkatapos ay pinakain ko rin sya.
"B baka hanapin ka na ni tita" Pagaalala nya.
"Alam mo namang malakas ka don noh, wala naman siyang masyadong tanong" Sagot ko.
Pagkatapos ay di ko na namalayan na nakatulog ako...
BINABASA MO ANG
THE LOVER (Incomplete)
RomancePaano kung isa lang ang nagmamahal? pagmamahal pa rin ba ang tawag mo don? o sadyang handa at kayang magpakatanga sa pag-ibig ang isang taong nagmamahal. I watched her falling for him, and there's me smiling at her... Read the story of Beatrice and...