"B?"
"We're here, gising na po" Paggising sakin ni Kent.
Agad ko namang tinignan ang phone ko para alamin ang oras.
"11:30"
"Thanks Kent una na ko" Sambit ko.
"Ugh wait ako na!" Si Kent.
"Naks gentleman" Pagbibiro ko.
"Thank you" Sambit ko.
Sumabay na si Kent sakin para makapagpaalam.
"Ma, Pa nandito na po ako!" Sigaw ko.
"Oh kamusta? Tuloy kayo" Si Mama.
"Ahh tita hinatid ko lang po si B, mauna na po ako" Sabi ni Kent.
"Ahh ganun ba o sige magiingat ka ha" Sagot naman ni mama.
"B una na ko ha" Pagpapaalam sakin ni Kent.
"Thanks Kent ingat ka uyy!"
Sabay ngiti ni Kent senyales na narinig nya pagpapaalam ko.
At umalis na si Kent.
Pagkatapos kong antayin si Kent na makaalis na. Binati ko lang sila mama at umakyat na.
(Ashtot Calling)
Napatawag si Ash.
(Answered)
Ash: Bessssssss!
"Aray ko naman ba't ba natili ka ha!"
Ash: Ahh heheheh Bes kasee naman ang tagal mong nawala saan ka ba galing ha?
Hindi ko nga pala nabanggit kay Ash na aalis kami ni Kent.
"Ahh sorry bess nakalimutan ko sabihin galing kaming Cavite ni Kent... Birthday ng lolo niya."
Ash: "Ahh oki bes pwede bang humingi ng favor hehe"
"Oh ano naman yun?"
Ash: Ahh kaseee ano.. Ano...k..kaseee
"Tss ano ngaaa!?"
Ash: Talaga to apakasungettt hmmp
"Ano nga? Bababa ko na to"
Ash: "Eto na! Sungettt samahan mo me sa mall bukas hehehe"
"Sus akala ko kung ano! Oo sige chat mo ko anong oras"
Ash: Ayieee apakabait talagaaa
Tss abnormal talaga kanina napakasunget ko.
Ngayon naman napakabait ko? -_-"Hatdugin"
Ash: hahaha! okie! See yah bes kooo! good night na!
"Goodnight"
Kakasimba lang namin ng..
(Ashtot messaged you)
Ashtot: Bes wer na u?
You: Katatapos lang mag church.
Ashtot: Okie otw na me!
You: Ingat ka uyy
Nagpaalam naman na ko kila Mama at kila Kent.
Mayamaya ay dumating na si Ash naisip niya na siya na lang pumunta sa subdivision namin.
"Bes!" Sabay yakap nya sakin na parang di kami nagkita ng ilang taon. -_-
"Makayakap ka naman" Ako.
"Ahh hehehe let's go na!?" Aya sakin ni Ash.
Walking distance lang ang mall sa amin. Kaya di nagtagal ay nakarating din kami sa mall
"Haysss na miss ko mag mall kasama ka" Si Ash.
Ningitian ko naman sya bilang pag sang ayon.
"Ahh Bes punta tayong MIMI~co" Aya sakin ni Ash.
Isang korean store dito sa mall.
Namili kami ng ibat ibang gamit pang school, make up, at ilang skin care products.
Ito ang nakasanayang gawi namin ni Ash lalo na nung highschool kami. Pagkatapos ng klase ay dali dali kami't dumidiretso sa mga mall, tyangge, at kung anu ano pa. Wala kasi akong babaeng kapatid kaya malaking biyaya sakin si Ash. Nakakahanap ako sa kanya ng sisterhood. May ate naman si Ash, si ate Alisa
Nagtatrabaho na kasi si ate Alisa kaya hindi na rin nya gaano nasasamahan si Ash pagdating sa mga ganitong bagay."Hayyss napagod ako dun ha!" Si Ash.
"Kain tayo?" Aya ko.
Pumunta kami sa pareho naming paboritong kainan ang Jollibee!
Favorite ko dito ang chicken joy, si Ash naman ang jolli spaghetti.
Masaya kaming kumakain ni Ash.
Ilang kuwentuhan pa at natapos din kami sa pag-kain. Habang naglalakad...
Ay....
Natalisod ako. -_-
"Bes!" Pagaalala ni Ash.
Napapikit ako.
Pero hinihintay kong bumagsak ako sa lupa ng pagdilat ko...
Bumilog ang mga mata ko ng....
Makita ko si Jace...
Hawak hawak nya ko sa baywang ko at...
At.... nagkatitigan kami.
Matagal.
Bumagal...
Yung paligid, mga tao, pero isa lang ramdam na ramdam ko...
Ang puso ko...
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Jace....
BINABASA MO ANG
THE LOVER (Incomplete)
RomancePaano kung isa lang ang nagmamahal? pagmamahal pa rin ba ang tawag mo don? o sadyang handa at kayang magpakatanga sa pag-ibig ang isang taong nagmamahal. I watched her falling for him, and there's me smiling at her... Read the story of Beatrice and...