"THE LOVER"CHAPTER TEN:

6 1 0
                                    


(KENT'S POV)

Maaga akong nagising para sunduin na si B.

Ngayon ang kaarawan ni Lolo Ted. Ang nag iisa ko na lang lolo kay mama, dahil wala na ang lolo kong si Lolo Clay dahil sa isang sakit. ang lolo ko naman kay papa.


Nagayos at nagbihis ako ng maayos.


"Ma, Dad! Sunduin ko na po si B! Una na po ko" Pagpapaalam ko sa kanila.


Nakaayos na sila mama maauna silang pumunta kay lolo Ted.

"Ingat anak ha kita na lang tayo dun" Si Mama.

"Opo ma ingat din po!"

Dali dali ko namang inistart na ang kotse.

Sa di kalayuan ay narating ko rin ang bahay nila B.

(Ding dong...)

"Oh Kento Boy!" Bati kuya Drew.

"Ahh Kuya ready na po si B?"

"Yes, yes she is pasok ka" Sagot naman ni kuya Drew.



Triz!" Narininig kong tawag ni kuya kay B.

"Pababa na kuya!" Sagot naman ni B.

"Oh anjan na pala ang aming prinsesa!" Bati ni Tito Charles kay B.


"Kento boy ingatan mo prinsesa namin ha!"
Pakisuyo naman ni Kuya Drew.



"Haha opo tito, kuya Drew ako na po bahala kay B." Sagot ko.




"Tara na po mahal na prinsesa" Alok ko kay B.

-_- Si B.

"Una na po kami Ma, Pa kuya" Pagpapaalam ni B sa lahat.

Sumakay na kami sa kotse.

"Nauna na sila mama kila Lolo." Sabi ko.


"Ha? Ang tagal ko ba?" Pagtataka nya.


"Oo eh naiinip na nga sila mama eh" Pagbibiro ko.


Ang sarap talaga asarin netong si B. Kitang kita mo na mamumula pisnge nya tapos ako naiimagine ko naman ang ilong nyang umuusok na hahaha!



"Hala nakakahiya!." Pagmamaktol nya.

"Hahahaha biro lang" Ako.


"bwisit ka talaga" -_- Sagot nya.



"Hahaha tulog ka muna malayo pa naman yung biyahe." Sabi ko.


"Edi matulog," Krrr.. Krrrr... Nagpanggap pa ngang tulog.

-_-

~~~~Do you remember when I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby
When we were out on the playground playing pretend
I didn't know it back then
Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together
Have feelings we had before
Back when we were so innocent~~


Natahimik ako.

Hindi ko namalayan na nakatingin ako kay B.

Tulog na kaya siya? Naririnig nya kaya yung kanta? Hahaha! Ano bayan! Ano ba iniisip ko? Ano naman kung yan yung kanta haysss.. -_-

Pagkaraan ng dalawang oras, ay nakarating din kami sa bahay ni Lolo Ted.

Pero...


Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mukha ng natutulog na si B.



Bakit ganito? Bakit iba yung pakiramdam ko.



May mali... Mali nga ba?

"B? Gising na nandito na tayo" Paggising ko kay B.

Agad naman syang bumangon na't nag ayos ng sarili.

THE LOVER (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon