CHAPTER 1 - Transfer Disaster

144 37 31
                                    

Azmin's POV

"Mommy! Nasaan yung ID ko?" Sigaw ko kay Mommy.

Tapos na ang semestral break kaya balik-eskwela na naman. Si mommy lagi ang nag-aayos ng gamit ko para wala daw akong makalimutan. "Nandito sa gilid ng ref, sa may sabitan. Kunin mo na lang. Nag-aayos pa ako ng baon niyo ni Daddy mo."

"Thank you!" Tinapos ko ang pagre-ready at bumaba na ako papuntang kusina.

Inaayos na lang ni Mommy ang baon namin ni Daddy. "Ilagay mo na yang tubigan mo sa bag mo. Ayan na rin yung baon mo. Ikaw na ang maglagay sa bag mo. Akyat muna ako sa Daddy mo. Baka ma-late pa kayo."

"My, 'di ba ako ihahatid ni Daddy?" Tagal talaga mag-ayos ni Daddy.

"Ihahatid ka niya kaya nga aakyatin ko na. --" Tumingin lang siya sa'kin. "-- Magsapatos ka na. Aba!" Oo nga pala. Hehe!

Mga ilang minuto lang bumaba na ulit si Mommy kasama si Daddy. Dumiretso na ako sa sasakyan para magmadali na rin siya.

"Azmin. --" Tiningnan ko lang siya. "-- Seatbelt."

"Opo." Nagseatbelt na agad ako tsaka kami umalis.


*after an hour

Nakarating na rin kami sa school ko. "Anak, umuwi agad mamaya. It is just your first day after your semestral break. Kung pwede lang, sa susunod na muna kayo gumala ng mga kaibigan mo."

"Dy, relax. Wala pa po kaming mga ipon kaya hindi pa kami makakagala." Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko. Nagba-bye na ako at bumaba ng sasakyan.

Hindi pala namin napag-usapan kung saan kami magkikita-kita. Saan kaya ako maghihintay nito?

Habang naglalakad ako papuntang grounds, may naririnig akong tumatawag sa akin pero hindi ko naman alam kung sino at saan nanggagaling yun.

"Azieeeee!!!" Nasaan ba yun?

Hanap na ako ng hanap hindi ko pa rin nakikita kung sino ang tumatawag sa akin.

"RB-4-19-22" Right bleachers, fourth row, seat 19-22?

Pagtingin ko ay nandun nga sila. Mukhang maaga sila talaga ngayon ah. Nagwave na lang ako at naglakad papunta sa kanila.

"Early than usual?" Bungad ko sa kanila.

"Not really. May nasabi kasi sa'kin si Sir Ramirez nung nakasalubong ko siya na may transferee daw at magiging classmate natin siya. He will assign you to assist him." Gale said.

Transferee? Him? Meaning lalaki. "Him? A new guy in class. Hmmm? Sounds good, nuh Trish?" Sabay tingin ko ng mapang-asar sa kanya.

"Azie, it's your time to shine. The transferee is not for me. It is all for you. Kaya nga ikaw ang na-assign dyan. --" Huminga lang siya ng malalim at medyo naging seryoso. "-- Hindi naman mag-a-assign si Sir Ramirez ng personal kung walang dahilan." Well?

"TRUE! Hindi naman nag-a-assign agad ang council. Baka alam nilang kilala mo yung transferee." Utang na loob naman Cleo!

"Teka nga! Bakit alam niyong tatlo at ako hindi? Gale, why didn't you tell me?" Hindi pa naman ako nakaayos.

"Sabi ni Sir Ramirez, it's personal, so I don't have the right to tell you. Nabigla lang siya nung makita ako kaya nasabi niya agad." Paliwanag niya. Eh bakit alam nila? -_-


Tumunog na rin ang bell, meaning, class will start. Dumiretso na agad kami sa classroom.

"First day na first day after your break tapos may apat na student na naman akong nakitang nagmamadali." Nakasalubong kasi namin si Sir Ramirez.

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon