CHAPTER 10 - Pageant (Part 1)

17 12 10
                                    

Azmin's POV

Friday na at last day na rin ng Foundation Week. Ibig sabihin ito na rin ang araw ng paghahatol. HAHAHA!

Dalawa lang naman ang program sa school ngayon.

First program ang Leadership Contest mamayang 1 PM. Yun yung naging dahilan kung bakit nag-train kami ng mga freshmen at sophomores. Piling mga students galing training na hinaluan ng mga students from first to third year na hindi nag-training. Maraming activities ang ibibigay sa kanila. Marami ring special awards na ibibigay.

Second program naman ang 20** Star-Sec Pageant na 3:30 PM ang start. At ito ang dahilan kung bakit ang aga kong gumising ngayon dahil ngayon lang naisip ng mga kaibigan namin na i-ready ang lahat ng kailangan namin. Talent at sportswear ang unang part para makapili sa lahat ng pares ng Top 10. Casual wear, school inspired outfit, and evening wear naman sa second part para mamili ng Top 5. At sa last part, walang iba kundi ang Question and Answer portion. Dito na nila ira-rank ang Top 5 kaya wala ka ng talo kapag umabot ko sa part na ito.


Anong oras na? 7 AM ng umaga.

Sinong nandito sa bahay? Ang mga kaibigan naming may pakana ng lahat ng ito.

"Anong balak niyo? Wala pa tayong kahit anong plano." WALA TALAGA!

"Azie, relax! Isasali namin kayo pero hindi namin paplanuhin? Parang hindi ata yun ang description namin ah." Trish. May point naman. HAHAHA! Sila pa ba?

"Sa talent, kumanta na lang kayo. Hindi ako maniniwala kapag sinabi niyong hindi kayo marunong." Prepared nga sila, na-research na agad nila yun.

"Sa sportswear? Chand, anong meron ka dyan? Marami namang ganyan si Azmin, malay mo may magparehas sa inyo." Tanong ni Gale. SANA HUWAG...

"Pang-swimming, golf at badminton lang ang meron ako. May equipments rin ako." Chand. Nakita kong magsasalita na sana si Gale pero inunahan ko.

"Golf wear na lang. Meron naman ako dun." Nakita ko yung mga tingin nilang parang alam ang ibig kong sabihin dahil ang bilis kong magsalita. AYOKONG MAG-SWIMWEAR!!!

"Casual wear? Utang na loob kapag sinabi niyong wala kayo ng parang couple's attire tingnan pero hindi naman." Trish, ipagpatuloy mo lang yan. HAHAHA!

"Ako ng bahala sa school inspired outfit. Cleo, Trish, kunin niyo ang mga measurements niyang dalawa ah." Gale. Magaling kasi manahi yan.

"Evening wear? Chand, meron ka?" Cleo

"Meron yan. Makita ko na yan sa L.A noon na naka-evening wear." O_O. AZMIN, ANG DALDAL MO. Nag-iba tuloy ang mga tingin nila sa amin dahil sa sinabi ko.

"Okay. I suggest na lagyan niyo ng cool vibes yung evening wear dahil magpapasko na ngayon. Yung casual, hindi naman kailangan." Hmmm? Pwede! Ang galing nila!


After naming ayusin ang sala at ihanda lahat ng gagamitin nila, kinuha na nila ang measurements namin. Nanghingi rin sila ng isang uniform namin para maging reference.

"Guys, akyat na muna kami ni Chand." Para mag-practice at mag-ready.

"ABA! At hindi niyo kami tutulungan?" Eh, Cleo?

"Ay, aba naman po. Magpa-practice kami ng para sa talent at trial ng Q&A para kahit papaano ready kami nuh!" Talaga itong mga ito.

Umakyat na lang kami ni Chand.


*free space room / Chand's room*

"Anong balak mong kantahin natin?" Casual na tanong niya.

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon