CHAPTER 12 - Christmas Star

11 9 6
                                    

Azmin's POV

It's been a week since I got the crown from Foundation Week Queen, and today is our Christmas party. Sana last day na talaga namin sa school para Christmas break na. Last year kasi ay pinabalik pa nila ang Top 5 para mag-perform sa Teacher's End Year Party.

Kaunting ayos ng pagmumukha lang. Simple outfit pero medyo reveal ng skin. Minsan lang naman ako magganito. Nakakamiss rin kasi mag-ayos at irampa ang sarili.

"Slay it, Star." Sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin atsaka final touch ng lipstick. Minsan lang ako mag-ayos, pagbigyan niyo na.


Paglabas ko ng kwarto ay agad ko namang nakasalubong si Chand. Malamang, magkaklase kami kaya sabay rin kaming papasok. Nasabi ko na rin bang ang gwapo niya ngayon? Ay, hindi pala. Erase, erase!

"Tara na ba?" Aba! Napakasimpleng reaksyon naman nun. Sa ganda kong ito?

"Hintayin mo na lang ako sa labas. May kukunin lang ako sa ref." Tsaka ako tumakbo papuntang kusina. Pinahawak ko na rin muna sa kanya yung mga regalo at bag ko para mabilis na lang ako.

Paglabas ko ng bahay sa may garahe, nagulat ako ng wala na ang sasakyan ni Daddy. Wala na rin pala sila Mommy, Tito at Tita.

"Hala! Iniwan nila tayo?" Anong sasakyan namin nyan?

"Kanina pa sila umalis. Hindi ba nagpaalam sa'yo ang parents mo? Ang tagal mo kasi sa kwarto mo kaya hindi mo tuloy alam. HAHAHA!" So kasalanan ko pang nag-ayos lang naman ako.

"Bakit hindi mo agad sinabi kanina?" Oo nga naman. Alam naman pala niya.

"Az, baka nakakalimutan mong sa inyo ang sasakyang yun kaya akala ko naman sinabihan ka nila dahil ikaw ang anak at hindi ako. Hahaha." Hmmm, may point.

"So, paano tayo pupunta sa school?" Kasi naman!

"Azmin Celeste, kailangan mo atang bumalik sa kwarto mo para kunin yung utak mo. Malamang magko-commute." Aba, sumasagot ka.

"Nag-ayos pa ako ng ganito tapos magko-commute tayo." Ayoko KASI!

"Pwede ba kaming sumama?" Jaini. Nagulat kami ng bigla naming makita ang mga kaibigan ni Chand sa L.A.

"Ano na namang pakulo ito, Chand?" Sabi ko agad sa kanya. -_-

Nakakahiya na sa mga kaibigan niya. Laging iniistorbo ni Chand.

"Hoy, anong ginagawa niyo dito? Hindi ko naman kayo pinapatawag ah." Eh???

"Hindi nga. Wala naman kaming sinabing tinawagan mo kami." Jani. Talagang kambal sila.

"Pre, gusto lang naming sumama sa inyo para mamayang gabi, kasama rin namin kayo." Kenneth ata name nito. Gabi?

"Van yung dala namin para hindi na entourage." Reve. Grabe ang yaman nila.

Hindi pa rin nawawala yung itsura kong hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari ngayon.

"Ako na nga ang magpaliwanag. Azmin, ganito kasi yun. Nabalitaan namin na Christmas party niyo per section ngayon. Hindi naman namin alam na sasama si Chand sa school niyo ngayon kaya susunduin lang sana namin siya para mamaya. At dahil pupunta kayo parehas sa school niyo, sasama na lang kami. May sasakyan naman na. Hindi niyo na kailangang magko-commute. Please, pumayag ka na at huwag ka ng magalit kay Chand?" Well explained by Jaini. Bait talaga nitong babaeng ito.

Nawala na rin yung asar ko kay Chand at sinabi ko na lang na, "Oo na. Tara na lang. Hindi magsisimula ang program ng class namin kapag wala ako. Pinapatawag pa ako ng isang teaher namin." Tsaka ako ngumiti ng excited dahil yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon