CHAPTER 7 - Free Space Bonding

25 15 8
                                    

Felise's POV

Walang pasok sila Az at Chand ngayon. Nakakapanibago lang rin na hindi sila nagsasamaan ng tingin at masaya pang nagbubulungan.

"Anak. Anong meron at masaya ka ata? Maaga ka ring gumising ngayon." Mukhang nagkakasundo na rin sila. ^_^

"May lakad po kami ni Chand ngayon eh." Saan naman kaya pupunta itong dalawang ito?

Mukhang hindi naman alam ni Chand. "Kailan mo sinabing aalis tayo ngayon?" Anak ko nga talaga siya!

"Ay naku talaga kayong dalawa! Basta tandaan niyo, walang magpapagod. Mag-ingat ah. Chand, pinapayagan ka pero umayos ka." Protective talaga si Kim.

"Hayaan mo nga yang mga bata na mag-enjoy. Naging ganyan rin naman tayo noon." Sinagot tuloy ng asawa niya. Hahaha!

Nakita kong magliligpit na silang dalawa ng pinagkainan kaya... "Az, ikaw na ang magdala ng plato si Chand sa lababo." Para makausap ko na rin muna siya.

Sumunod naman siya sa sinabi ko kaya sinundan ko na lang siya.

"Az, anak, Pwede ka bang makausap ni Mommy?" Tumango naman siya at tumingin sa akin. "Pero hindi dito. Tara sa kwarto mo."

Sumunod naman siya sa akin paakyat. Minsan lang kami mag-usap ng ganito nito kaya dapat maipaintindi ko na sa kanya ang nangyayari.

"Ano yun, My?" Simpleng tanong niya tsaka umupo sa kama niya.

"Wala lang, gusto ko lang naman pag-usapan kung anong naiisip mo sa pagtira nila Chand dito. Hindi ka pa namin nakakausap about sa nangyayari na tayong tatlo lang kaya tinatanong na kita ngayon. Alam naman namin ni Daddy mo na ayaw mo talaga nung una kung sa free space mo mag-stay si Chand pero wala tayong magagawa. --" Tiningnan lang niya ako. "-- Hindi ko naman inaasahang magkakaayos kayo agad pero sana intindihin mo muna ah. Babawi na lang kami sa'yo kapag natapos na lahat ng ito."

"Mommy, okay lang naman na po sa'kin ang sitwasyon. I understand naman po dahil kung ako rin po kayo, ganto rin naman ang gagawin ko para sa mga kaibigan ko. I am old enough to understand this and you don't have to worry. Tsaka atleast may kasama ako lagi. Willing naman si Chand na samahan ako kaya willing akong tumulong." She's matured enough para sa ganitong usapan.

"Hay! Hindi ka na nga bata. Malaki na ang Azmin namin." Tsaka ko siya niyakap.


Nakakamiss lang yung mga ganitong panahon na bine-baby namin siya kasi siya lang naman yung baby namin. Ayaw naming maramdaman niya na hindi masaya ang mag-isa.

Hindi naman namin siya pinagbabawalang makipagkaibigan. Wala lang talaga siyang kasing-edad dito sa lugar namin. Puro mga 3 to 5 years na mas bata o mas matanda sa kanya ang mga bata rito.

Hindi ko naman alam sa school niya dahil hindi naman siya palakwento tungkol sa ibang mga tao. Bahay, school, bahay, school nga siya pero puro studies lang rin naman ang binabanggit niya. Hindi naman namin siya nililimitahan pero sobrang tutok na lang niya sa pag-aaral.

Now, I am happy that my baby is a girl and soon to be a lady. She has her real friends in school. She already has her boy-best friend. Bilang mommy niya, alam ko namang magtatagal itong friendship nila.

Sana talaga gumaling na si Chand para hindi niya maiwan si Azmin ko.


"Mommy, can I go sa free space ko minsan? I can't be in my normal self if I can't go there." May tiwala naman kami sa mga batang ito.

"Oo naman, may tiwala naman kami sa inyo. Alam ko namang hindi gagalawin ni Chand ang mga gamitin mo doon pero dapat tanungin mo rin siya kung okay lang sa kanya yun." Alam ko namang naiintindihan niya ako.

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon