CHAPTER 6 - Bean Dinner

20 16 9
                                    

Azmin's POV

Saan ba kasi ako dadalhin ng lalaking ito? "Chand! Ano ba? Pwede bang sabihin mo muna sa'kin kung saan tayo pupunta?" Ito na naman po kamiii ehhhh!

"Malapit na tayo." Malapit sa L.A. Dito ba niya ako dadalhin?

"Malapit na tayo sa L.A. Dito mo ba ako balak dalhin? Kasi kung dito, kahit huwag na. Baka nakakalimutan mong -mmr---phhh" Tinakpak niya bigla yung bibig ko.

"Ang ingay mo. Nandito na tayo!" Pagkakita ko, nasa labas kami ng isang old house restaurant.

May lumabas na magandang babae. "Mr. Dela Rosa and Ms. Celeste, Chef is waiting for you in the VIP room." VIP???

"Susunod na lang kami. Thank you. --" Sabay tingin sa akin ni Chand. "-- Tara na."

Sumunod na lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang lugar na ito kaya kapag nawala sa tabi ko si Chand, baka hindi ako makauwi ng ligtas.

Pagpasok namin sa loob, namangha ako. It is so simple on the outside, but when you go inside, dream everything you want. Parang na achieve mo na agad yun by dining and eating here. ANG GANDA!

"Mama Lucia! Hello po." Bati ni Chand sa isang babae na nasa 40's na ata.

"Chand! Kamusta na? Siya ba si Azmin? Naku! Eh napakagandang babae naman." Naku po. Lalo tuloy akong nahiya.

"Hello po. Good evening po. Sabi po nung babae kanina, hinihintay na daw po kami nung chef dito. Sino po siya at bakit po? Pasensya na po sa pagtatanong." I don't want to be rude pero kasi hindi ko na mapigilang ang magtanong dahil hindi naman ako sasagutin ni Chand.

"Mukhang wala ka pang sinabi sa kanya. Ikaw talaga! --" Sabi niya kay Chand sabay tingin sa akin. "-- Iha, halika rito. Naku! Mukhang hindi ka sinabihan. Ako si Mama Lucia, ang chef ng resto na ito. " EHHH!!!

Bakit kilala ni Chand ang mismong chef dito? "Ay, sorry po. I didn't know. Hindi po kasi ako sinabihan kung saan kami pupunta at bakit kami nandito. Ano po bang meron?" Habang naglalakad kami papuntang VIP room.

"Tara, maupo muna kayo at ipapahain ko lang ang pagkain niyo. Dito na rin tayo mag-usap-usap. Don't worry, Iha. Relax ka lang. Walang masamang mangyayari sa'yo rito. Hahaha!" Hindi ko dala ang cards ko. Wala akong cash na pambayad dito.

Pagkaalis ni Mama Lucia ay binatukan ko agad si Chand. "Hoy! Anong problema mo at may paganito ka? VIP room pa. Wala akong dalang card. Hindi kasya ang dala kong cash panigurado."

"Kanina ka pa madaldal. May funds pa akong natitira sa L.A. para sa resto na ito. Hindi kami nagbabayad ng pera pagpumupunta kami rito kaya relax ka lang." Pero...

"Hindi naman ako taga-L.A." Nginitian niya lang ako.

Bigla namang bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok ng mga server. ANG DAMI NAMAN ATA!

"Hoy! Isang taon ka bang hindi kumain at ang dami mong inorder. Hindi natin yan mauubos!" Nagsasayang ka ng pagkain. Ang daming nagugutom na ibang tao eh!

"Relax! Just suit yourself and eat. Later na natin pag-usapan kung anong gagawin sa hindi naubos." Malilintikan ka talaga mamaya sa akin.

Nakita ko na rin si Mama Lucia na pumasokat lumapit sa amin. "Hayaan mo ang mga matitira ninyo. Hindi naman yan masasayang. Si Chand pa! Never nagsayang ng pagkain yan. Sige na. Kumain na kayo. Enjoy!" Tsaka siya umalis ng nakangiti.

Hindi ko na talaga alam kung anong tumatakbo sa utak nitong lalaking ito. Bahala na nga kung anong gagawin namin sa matitira pero gusto kong tikman lahat. Mukhang ang sasarap eh. Ang ganda pa ng plate serving nila. Mukhang presidente ang pinagsisilbihan sa linis at ayos nila dito.

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon