CHAPTER 4 - "Together" Issue

48 23 8
                                    

Azmin's POV

It's been a week since they moved into our house. Wala naman akong problema na mag-stay sila sa amin. Nakakahiya lang kasi na nasa free space ko natutulog si Chand.

Haysss! Ano na naman kayang mangyayari mamaya pag-uwi?


"Azmin, free ka bang pumunta sa council ngayon? Ipapasa ko na kasi ito. --" Tapos ibinigay niya sa akin ang folder na naglalaman ng programs na ginawa niya. "-- Sabi kasi ni Madam, dapat kasama kita. Hindi ko alam kung bakit."

"Tara. Wala naman akong ginagawa." Research time namin pero tapos na kasi ako sa part ko tsaka ginagawa pa ni Chand ang paghahatian naming project kaya I'm free.

Habang naglalakad papuntang council, nakasalubong namin si Sir Ramirez.

"Saan kayo pupunta?" Hindi pa kami bumabati, nagtanong na agad sa amin si Sir.

"Sa council po." Simpleng sagot naman si Carl.

"Azmin, dumiretso ka sa faculty ko." Sir Ramirez

"Opo. --" Bakit kaya? "-- Una na po kami." Paalam ko para hindi magtagal.


*Student Council*

"Good afternoon po. / Good afternoon Madam." Carl / Me

"Please." Sabay turo sa upuan kaya naupo na kami.

"Madam, ito na po yung pinapaayos niyong program. If there is anything na need i-revise po, okay lang po sa'kin." Sabay abot ni Carl ng folder kay Madam.

Nag-scan agad si Madam sa binigay ni Carl. Mukhang nagustuhan naman niya. Napapangiti lang kasi siya.

"Thank you for this. Anyway, Azmin. Kamusta ang first week ng training?" Nakakagulat po.

"Okay lang naman po. Masyadong marami ang nagpa-register pero onti-onti po silang nababawasan. Introduction palang naman po ng mismong training nila. Hindi pa naman po kami nagpa-activities pero may assignment po kaming ibibigay sa kanila." Paliwanag ko.

"Good! Here, take this. It's a guide na pinagtulungang gawin ng seniors niyo. Sana makatulong yan sa inyo. Hindi lang para sa training kundi para sa inyo na hahawak ng council next year." Kaya na ba namin?

May seal pa kaya hindi siguro pwedeng buksan sa harap ng ibang tao. "Thank you po. I won't let you down. Thank you for trusting us." Thank you, Ate Valerie.

"You may go." Lumabas na kami at bumalik sa classroom.


"Carl, kung papipiliin ka, anong position sa council ang gusto mo?" Hindi ko kasi alam sa akin eh.

"Kung papalarin, kahit event coordinator lang. Doon naman ako magaling eh. --" WOW! Hindi niya inisip na maging president kahit 3 years na namin siyang class president. "-- Ikaw ba? Sigurado ako, president ka niyan tulad ni Madam Senior."

"Paano ka naman nakakasigurado?" Bilib na bilib na naman ito sa akin.

"Malaki ang tiwala sa'yo ng teachers natin. Ikaw rin ang laging nangunguna sa exams at contests kaya dapat lang na ikaw ang pumalit kay Madam Senior." Pero... Nginitian ko na lang siya tsaka kami pumasok sa classroom.


"Saan kayo galing?" Tanong ni Chand mula sa likod.

"Jusko naman Chand! Bakit ka ba nanggugulat?" Aatakihin ako sa puso kahit siya yung may sakit eh.

"Hahaha! Tara -- lab."

"ANONG LAB?" Babatukan ko na sana kaso...

"Laboratory? Ano bang nasa utak mo?"

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon