CHAPTER 14 - Christmas Reveal

6 6 0
                                    

Azmin's POV

Pagkatapos ng mga Christmas party namin sa school at party ng mga parents namin sa work nila ay naging busy na kami dito sa bahay. Naglinis ng todo-todo para makapag-decorate na rin kami.

Nasa kwarto ako ngayon, nagbabalot ng mga regalo ko para sa kanilang lahat. Simple gifts pero alam akong magagamit naman nila. Christmas Eve na mamaya, baka hindi ko pa matapos ito kapag lumabas na agad ako.


*-Trish calling-*

Me: Yes?

Trish: Maka-yes ka ah! HOY! Wala bang kwento dyan? Si Chand, nagkwento na sa boys kung anong nangyari nung naki-party kayo tapos ako walang alam.

Me: HAHAHA! Sira ka talagang babae ka! Naging busy kasi kami. Remember, bahay namin 'to kaya kami ang masyadong nag-aayos.

Trish: So, anong chika? Bilisan mo naman!

Me: Naki-party lang. Gara nila. Ang yayaman. Literal na makikita mo sa itsura. Loko-loko rin si Chand. Tsk!

Trish: Bakit? Anong ginawa niyo?

Me: BALIW! Semi-formal daw suot pero pagdating namin dun, formal lahat sila. Buti na lang semi-formal na elegant tingnan yung sinuot ko.

Trish: Balita ko, uminom kayo.

Me: Oo naman. Sayang drinks. Grabe sila mag-party. Hahaha!

Trish: Yieee! Ka-excite naman. Kwento pa!

Me: Hindi ba pwedeng sa susunod na. Nagbabalot pa ako ng regalo ko sa lahat dito pati sa mga inaanak ko. Mag-aayos pa ako sa sala mamaya.

Trish: Alam mo Azie, isa kang napakadayang nilalang. Tayong dalawa na nga lang ang babae eh.

Me: Basta! Ba-bush na. Merry Christmas!

Trish: Merry Christmasss!

*-call ended-*

Pinatay na niya agad. HAHAHA! Mas chismoso pa ata ang mga boys kesa sa amin. HAHAHA!


Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin akong magbalot ng mga regalo. Makababa na nga dahil ilalagay pa ito sa ilalim ng Christmas tree. Traditional pa rin naman kami kahit sobrang modern na ng panahon nuh.

Paglabas ko ng pinto, palabas na rin si Chand sa kwarto niya.

"Ano na kayang gagawin natin?" tanong niya agad.

"Mag-aayos ako ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree. Nasaan pala yung mga regalo na nasa inyo, hehe?" Para maiayos ko na.

"Ayun na lahat oh! --" sabay turo sa sofa, "-- Ikaw lang naman itong mabagal. HAHAHA!" tsaka siya tumakbo pababa. LOKO TALAGA!

Bumaba na lang rin ako at nakita ko na rin sila na abala sa mga handa mamaya.

"Anak naman! Mga regalo mo na lang ang wala. Yung para sa mga inaanak natin, natapos mo na ba?" sabi ni Mommy. Anong natin?

"Natapos ko na po yung lahat ng nasa kwarto ko. Meron pa po bang ibabalot?" Wala naman kasi silang binigay.

"Ay nakung bata ka! Nasa kwarto namin at bilisan mo ang kilos. Marami pang gagawin." Mommy naman!

"Mommy, ano pa pong gagawin ko pagkatapos nun?" para diretso na.

"Hmmm? Kami ni Tita Kim mo sa kusina. Sila Daddy at Tito Louie mo naman ay sa mga decorations sa labas. Kayong dalawa ni Chand naman sana sa sala at sa iba pang mga dapat ayusin." Hala!

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon