CHAPTER 2 - Team Rival

76 28 16
                                    

Azmin's POV

Last day ngayon ng pag-a-assist ko kay Chand. Medyo malaking adjustments na rin ang nagawa niya. One week assistance lang naman lagi ang binibigay ng council para sa mga transferee and I think Chand nailed it.

Wala kaming teacher ngayong second subject kaya baka mag-early lunch na naman kami niyan.

"Azmin, Carl. Pinapatawag daw kayo sa council." Ano na naman kayang need sa amin?

Carl is our class president. OH 'DI BA! Kahit may class president, pinapatawag pa rin ako palagi at halos ako ang paborito nilang utusan lalo na sa mga academic matters.

"Bakit tayo pinapatawag?" Tanong ko kay Carl.

"May contest na naman ata." Simpleng sagot. Shy-type ang president namin pero magaling kasi sa leadership at extra activities.


Kumatok na si Carl at pumasok na kami sa council.

"Good morning po!" Bati naming dalawa. Pagkaupo namin ay nagsalita na agad si Madam.

"Carl. Ikaw ang ia-assign namin para mag-ayos ng school program. Foundation week niyo na next month. Kami na ang bahala sa funds. Ayusin mo na lang itong lists of random events natin. Ikaw na ang bahala kung paano mo pagsusunod-sunurin yan. I need it next Friday." Madam.

"Okay po, Madam." Sagot ni Carl habang binabasa ang folder na inabot sa kanya.

"You may go. Azmin, maiwan ka muna." Bakit hindi na lang sabay? Kinakabahan pa naman ako.

"Thank you po." Tsaka siya lumabas.

"Okay. Azmin. May mga personal matters ka ba sa foundation week natin? Dahil kung wala, may leadership contest kaming isinama doon para sa mga freshmen at sophomores natin. I want you to train them starting on Monday together with Chand Dela Rosa. I know na classmates kayo and ikaw ang nag-a-assist sa kanya ngayon." I raised my hand kaya tumigil si Madam.

"Tanong ko lang po. Paanong training po ang tinutukoy niyo?" Leadership training?

"I will discuss it to you later together with Chand. Ako ng bahala magsabi sa parents niyo na medyo mala-late kayo ng uwi. Meeting yun kasama ang ibang teachers na tutulong sa inyo para sa training. --" Tumunog na ang bell kaya naman. "-- Sige na. You may go. Lunch break na."

"Thank you po. Sabay na lang po kami ni Chand mamaya. Happy eating po." Tsaka ako lumabas ng council.


Nakita ko naman agad sila Trish na papunta sa akin.

"Bakit daw kayo pinatawag?" Trish

"May kasalanan ka?" Chand

"Relax! Malalaman niyo rin yun. TARA!!! Gutom na ko." Pag-aaya ko. Gutom na rin talaga ako.

Dumiretso na kami sa canteen. Hindi talaga ako nagbabaon tuwing Friday. Bukod sa dalang P.E. uniform, lagi akong may extra na damit para sa pamalit ko bago umuwi. Katamad magbitbit!

"Ano naman ang kakainin mo ngayon?" Tanong sa akin ni Chand ng pabulong.

"Hindi ko pa alam. Gutom ako pero tinatamad akong pumila. Hindi ako nakapagpa-reserve kanina." Nakalimutan kong dumaan dito bago ako umakyat sa room kanina.

"May pinadalang pagkain sa'kin ang Mama ko. Baka magustuhan mo."

"Guys! May baon daw si Chand. HAHAHAH!" Pang-aasar ko. Akala ko ba bata lang ang nagbabaon?

Tiningnan nila ang dala ni Chand. Bigla itong kinuha ni Gale sabay sabing, "Akala ko ba pambata lang ang mga baon? Bakit may baon ka?" Sabi na nga ba!

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon