CHAPTER 9 - Issues

21 13 18
                                    

Azmin's POV

Excited akong pumasok kasi Throwback Thursday ang theme ng school ngayon for our foundation week. Taon-taon naman yan pero may ritual kasi kami sa room na ngayon lang mararanasan ni Chand.

Nasa tapat ako ng pintuan niya. "CHAND! Lumabas ka na dyan. Malalate tayo!" Katagal, kanina pa naman yun gising.

"Saglit lang kasi. Maaga pa naman ah!" Aba'y loko 'to.

"Kapag hindi ka pa lumabas ng 3 minutes dyan, iiwanan talaga kita." Tsaka ako umalis sa tapat ng pintuan ng kwarto niya at bumaba.

Nakita ko si Tita Kim sa may kusina. "Good morning po. Tita, sorry po. Ang tagal kasi ni Chand eh!" Baka kasi ayaw niya ng pinagmamadali ang anak niya.

"Naku, ayos lang. Hindi ko rin alam kung bakit ang tagal niyan. Nauna pang magising sa'kin yan." GANUN KAAGA?


*after 2 minutes and 49 seconds and counting...

"Tara! -- Oh, may 3 seconds pa. May inayos lang kasi, hindi makapaghintay. Ang aga pa naman." Excited ako para sa kanya tapos ganito!


Naglakad na lang ako papunta sa kotse kung saan naghihintay si Daddy at Tito Louise.

Sasakay na sana ako sa front seat ng biglang... "Anak, tabi kayo ni Chand sa likod. Dyan muna sa ngayon si Tito Louie mo. May pag-uusapan kami tungkol sa trabaho."

"Opo." Bakit ngayon pa!

Dahil nauna ng pumasok si Chand sa akin, napakaganda ng bungad niya sa akin pagbukas ko ng pinto. "Akala ko ba badtrip ka sa'kin pero tatabi ka naman."

"Chand, pwede ba? Ang ganda-ganda ng plano ko para sa araw na 'to tapos sisirain mo agad. Wala man lang appreciation coming from you."

Pagkatapos kong sabihin yun ay naupo na ako sa tabi niya. Nag-earphones agad at full volume ang music para hindi ko siya marinig.


Excited lang sana ako na ma-experience ni Chand yung ganap na yun sa classroom namin. Kahit kasi best friends ko sila Cleo at Gale, iba pa rin yung naging closeness namin ni Chand. Weird ba na ang bilis mag-click ng mga ugali namin? Medyo alam na kasi namin ang galawan ng isa't-isa.

Patuloy pa rin sa pag-uusap si Daddy at Tito Louie. Hindi ko man naririnig pero halata naman sa mga bibig nila. Hindi naman naka-earphones si Chand habang may binabasa sa phone niha. Kakapanibago! Ahhh basta bahala pa rin siya sa buhay niya.


Napansin kong malapit na kami sa school kaya nag-ayos na ko para alis agad.

"Azmin, Chand, nandito na tayo. Pwede bang magpansinan na kayong dalawa?" Daddy. Bahala siya dyan!

"Naku! Hayaan na lang natin yang mga batang yan. Normal na tampuhan lang yan." Sabi naman ni Tito Louie tsaka sila nagtawanan.

"Siya nga pala, hindi namin kayo masusundo mamaya. May business meeting pa kami." Ohh!!!

"Daddy! Pwedeng pengeng extra? Dadaan na lang ako sa pastry shop ni Ate Val." Sakto! Miss ko na yung mga cookies dun.

Nagulat ako ng mag-abot si Daddy ng doble sa usual na binibigay niya sa'kin. "Ilibre mo si Chand ah. Sinira mo yung umaga niya." Ako pa talaga?

Tiningnan ko naman ng masama si Chand tsaka sinabing, "Bahala siya dyan." Tsaka ako bumaba ng kotse.

Azmin, huwag kang titingin sa likod ano man ang mangyari.

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon