CHAPTER 15 - Moon-Star Christmas

12 6 0
                                    

Azmin's POV

Time check: 6:00 AM

MERRY CHRISTMAS! First Christmas with Chand and his family.

Ano kayang pasabog ngayong araw ang dala sa akin ng lalaking yun? Nabuang na ako kanina.

"Anak, naka-ready ka na ba?" Pumasok pala si Mommy sa kwarto ko. Nasa banyo na kasi ako.

"Mommy, naliligo na po. Bakit po? May bisita na ba agad sa baba?" tanong ko lang.

"Wala pa pero parating na daw sila Ate Nely mo. Sila Chand rin nag-aayos na. Hinahanda namin yung ibang pagkain sa mga bisita mamaya." Ang bilis naman ni Chand. Hindi ba siya puyat?

"Opo. Mabilis na lang po ako." Nag-iisip pa nga ako ng susuotin eh.

"Anong suot mo ngayong taon?" Concern sa damit ko ngayon ah.

"Hindi ko pa nga alam. Hindi po ako nakapag-shopping for myself. I forgot to buy nung nasa mall tayo para mag-shopping sa mga regalo." Honest na honest.

"Buti naman. May iiwan akong paper bag dito sa kama mo. Chand wants you to wear these clothes." Chand? Hindi pa ata siya tapos sa regalo niya sa akin.

"Sige po. Savior siya!" Hindi na sumagot si Mommy at lumabas na si Mommy ng kwarto ko.

Napapaisip pa rin ako kung anong style yung napili ni Chand sa outfit ko. Hindi pa uso ang #OOTD, mayroon na akong paganyan. Maarte na kung maarte pero ganun talaga ako.

Nararamdaman ko na biglang magbabago lahat sa amin ni Chand. Alam niya ang halos lahat ng tungkol sa akin noon at big part siya ng past ko. Ibang-iba ang buhay ko nung nawala ko yung phone ko. Para akong nawalan ng best friend kahit hindi pa kami nagkikita. Sobrang tagal rin kasi namin na textmate, more than 1 year.

Hmmm...


*a few moments later

Natapos na ako maligo. Pagkalabas ko ng banyo, nakita ko agad yung paper bag na nilagay ni Mommy sa kama ko na gift daw ni Chand.

Medyo kinakabahan ako sa taste ng lalaking yan but I will trust him na lang. I wish he just got me a top and pants or a dress.

Nakasuot na ako ng undies ko kaya open ko na muna ito bago mag-makeup para sure ako sa look na gagawin ko ngayon.

Sana naman yung medyo teens ako tingnan dahil namamasko pa ako. Ayaw kasi ng mga godparents ko na absent ako sa Pasko nila habang hindi pa ako nagtatrabaho. Naalala ko pa nga sabi ng ninang kong isa na mamasko lang daw ako sa kanila pero kapag nakuha ko na ang unang sahod ko sa trabaho ay dapat ako naman daw ang mag-giveback sa family ko. Syempre naman, gagawin ko yun.

Mabalik sa damit. Pagkabukas ko ng paper bag, medyo nagulat ako sa taste ni Chand. Elegant and classy. Magkano kaya ang gastos niya dito? Mukha naman din siyang bagay sa age ko at sa namamaskong tulad ko. HAHAHA!


---knock knock---


"Come in." Nakarobe naman ako so okay lang.

"Chand 'to." OMO! 0_0

"Sige lang," yun na lang sinabi ko. Medyo nahihiya pa ako sa kanya.

Medyo nanlaki yung mata niya nung nakita nya ako.

"Sorry, akala ko tapos ka na. Babalik na lang ako," diretsong sabi niya sabay labas ulit ng pinto. Hahaha! Cute!

Nagbihis na lang ako at baka magtagal pa ko sa pag-aayos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bright Star and the Moon LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon