Prologue

1.3K 18 1
                                    

PROLOGUE

"Sasama ka ba sa bahay ngayon?" Tanong ng bestfriend kong si Nkita. Inaayos na namin ang gamit namin.

Pinanuod ko siyang ayusin ang gamit niya. Nakadama ako ng excitement. Sasama ako ba ako sa bahay niya?

Tumango tango ako. "Sige ha? Pero hindi ako pwedeng gabihin ngayon."

"Sige. Susunduin daw tayo ni Kuya Neo." Sinuot na niya ang backpack niya na para bang nagmamadali.

"Bakit?" Nagtataka ko siyang tiningnan. "Nanjan na ba si Kuya Neo?"

"Hindi, hindi." Umiiling niyang sagot at dumiresto sa pinto. Hinila pa niya ako kasama niya. "Dalian mo, Cla. Baka hindi natin siya maabutan."

Dun ko narealize kung bakit siya nagmamadali. Labasan narin kasi ng nagiisang lalaking nagustuhan ni Cla since nagcollege kami. Binilisan ko rin ang paglakad ko hangga't nakarating kami ng lobby at huminto si Nikki sa gilid. Sumulyap sulyap siya na para bang may hinahanap at tumigil nang nahagip ng mata niya si Jasper Elizalde.

Naglalakad ito nang mahinhin habang hawak hawak ang cellphone at may nakasapak na earphone sa tenga. Sa unang tingin, mukha talaga siyang suplado at hindi nakikipagusap. Ang hindi nila alam, meron silang "secret" affair ng pinakamahahal kong bestfriend.

Nagbatian sila at masaya na si Nikita. Nakangiti siyang dumertso pababa ng hagdan nang makasigurado na sumusunod ako.

Agad kaming nakarating sa bahay nila. Dun palang excited na ako. Shet.

"Kumain ka na ba?"

Boses palang niya, nangingnig na ako. Unti unti akong lumingon at nakita ang kakambal ng bestfriend ko. Nicholo Jacob Fajardo. Siya ang pinaka masungit, snobero at mysteryoso sa magkakapatid na Fajardo. Kung si Nikita sa itsura lang, siya, pinanindigan niya. Kabaliktaran siya ni Kuya Neo na ang bait at sobrang approachable. Pero kahit ganyan siya, sakanya ako nahumaling.

"Bakit ka nanaman nakatitig?" Masungit niyang salita.

Nanlaki ang mata ko pero hindi na ako nagulat. This is not the first time Nicholo spoke harshly to me. Ganyan talaga siya. Kahit kanino. At tanggap ko siya. Mahal ko siya.

"Nicholo." Galit na tawag sakanya ni Nikita.

Nikita doesn't like it when her twin's being harsh to me. Sinasabi niya na dapat excempted din ako sa masama niyang ugali pero kahit kailan hindi ako napa unlakan nitong excemption na 'to.

I met Nicholo a week after Nikita and I became close. Approximately, 4 years ago. Grade 6 kami. And the moment I saw him, nahumaling na agad ako sakanya. Kahit gaano pa siya kasama sakin.

"I'm sorry, baby." He smiled warmly at Nikita.

Feeling ko I am partly inlove with him cause of his side as Nikita's twin brother. Kay Nikita lang siya ganyan. Mahal na mahal niya si Nikita at kahit kailan never siya naging harsh dito. Nikita's his princess. Sobrang inlove ako sa side niyang ito. Maybe because I am longing for that kind of love and affection. At since alam kong may side siyang ganun, mas nahuhumaling lang ako sakanya.

Tumalikod na siya at naglakad paakyat ng bahay nila. "Eat up, baby. Wag mo kakalimutan kumain. Then rest. I'm going to sleep."

"Alright, Nicolet." Malambing din na utas ni Nikita.

Grabe! Nakakainggit!

Tiningnan ko agad si Nikita at ngumuso sakanya. "Ang swerte mo talaga sa kambal mo, Nikita!"

"Of course. That's Nicolet." She proudly smiled. Mahal na mahal din ni Nikita ang kambal niya. Ganyan sila ka close at sobrang nakaka inggit. In a good way.

"Shet na malagkit talaga." Kinikilig kong sabi.

Umiling si Nikita at nginitian ako. "Not too much, okay? Mahirap mainlove sa isang Fajardo."

"Too late to say that now, Nikita." Nanlaki ang mata niya pero hindi ako naghesitate. "Nahumaling na ako sa kapatid mo."

--

Started: December 22, 2014

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon