ALIYAH POV
Para akong nakipag karerahan dahil sa takbo ko, pano ba naman kasi ay late na akong nagising.
Hindi rin ako ginising nila Nathan dahil ang sarap rin kasi ng tulog nila,
Pano ba naman alas 12 na silang natulog, nag momovie marathon kasi sila
Malamig kasi ang panahon, maabon kasi akala mo madaling araw pa pero alas 7 na pala ng umaga
Uulan ata, basta ganitong panahon kasi ang sarap itulog, paborito ko kasi ang panahon na ito, ang sarap itulog kapag ganitong panahon
So balik na tayo sa realidad...
Kumunot ang Noo ko ng hindi ko nakita si Demetri
Alas 9 na ng umaga ah? Late na nga akong dumating eh kasi dapat alas 8:30 ang trabaho ko
Pero bakit wala pa siya? Nakapagtataka, Minsan kasi halos magkasabay lang kaming dadating
Wala rin naman siyang meeting ngayong alas 9, alas 11 pa ang meeting niya
'ano naman sayo?' Tanong ng isipan ko
'Syempre boss ko siya!at syaka Nagtataka ako!' nababaliw na ata ako kinakausap ko sarili ko
Pumasok ako sa Opisina ni Demetri at nagbabasakali na may iniwan siyang sticky notes
Baka kasi may pinuntahan lang siya
Pag tingin ko dun ay wala ring sticky notes
Bumalik nalang ako sa Opisina ko at ginawa ang trabaho
Habang busy ako sa ginagawa ko ay biglang tumunog ang telepono kaya sinagot
"Goodmorning this is Aliyah Anastasya Mendoza secreta---"
"Cancel all my appointments" Sabi sa kabila at pinatay ang tawag
Teka? Boses bayun ni Demetri bat parang iba ang boses? Bakit parang nilalagnat siya?
Siya siguro yun, obviously dahil pinapacancel niya lahat ng appointments niya sakin
Nilalagnat kaya siya? Para din kasi siyang sinisipon
---------
Natapos ang buong maghapon at trabaho ko na hindi nakikita si DemetriPupuntahan ko sana siya sa Condo niya pero baka nandun naman si Amanda para alagaan siya kung sakaling nagkasakit man siya
Kaya dumeretso nalang akong umuwi sa bahay
-----------
"Mommyyyy!!!" Yumayakap sakin si NathanHinalikan ko siya sa noo
"Hmm amoy pawis ang baby ko!" Sabi ko habang inaamoy amoy siya....
Tumatawa naman siya dahil nakikiliti siya
"Wag Mommyyyy!" Tumatawa niyang sabi
Napatigil kami sa pag tatawanan ni Nathan ng Bilang may tumawag
"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya
"C-come h-here" Kumunot ang Noo ko dahil boses ni Demetri ito
Pano niya nalaman number ko?
Magsasalita pa sana ako ng pinatay na niya ang tawagNagdadalawang isip ako kung pupunta ba talaga ako o hindi
"Besh! Sinong tumawag? Bakit parang problemado ka naman dyan?" Tanong ni Lhorinne
Kanina pa kasi ako nakatunganga
"Tumawag siya, parang nilalagnat kasi siya eh, hindi ko rin siya nakita kanina sa Opisina" Sabi ko at mukhang nagets naman ni Lhorinne kung sino ang tinutukoy ko
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomancePaano kung nagmahal ka sa isang taong pagmamay-ari na ng iba? Paano kung mabuntis ka niya at sa kasamaang palad ay pinili niya ang kaniyang totoong nobya at hindi ikaw? Anong gagawin mo?