Chapter 14- Jealous?

776 29 0
                                    

ALIYAH POV

Natapos Ang buong maghapon na sobrang Sama ng tingin Ni Demetri sakin, Hindi ko Alam kong anong problema niya sakin at ganun siya makatingin sakin Lalo na Kay Terrence

About Naman dun sa Date namin Ni Terrence, Sabi Niya kapag makabalik nalang daw kami sa Manila

Pumayag Naman ako, Wala naman Kasi sakin yun, kaibigan Naman kami Ni Terrence kaya walang malisya samin yun

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako, naka Jogger ako ta nakajacket dahil lalabas ako para magpahangin

alas 9 palang naman ng Gabi kaya ok lang, marami pa namang tao ngayon sa baba sa ganitong oras

naglalakad lakad lang ako, hindi ka naman matatakot kapag wala kang kasamang mag lalakad dito dahil masyadong maliwanag, maraming ilaw

may mga iilan ilan ring naglalakad ang iba kasama ang mga kasintahan, sana ol

Biglang sumagi sa Isipan ko nung panahon na naging kabit ako ni Demetri, ang laswa pakinggan na kabit ako pero wala eh, nagawa ko yun dahil sa pagmamahal ko sa kaniya

Masaya siya na kasama ako, kahit mali ang relasyon namin pinagpatuloy namin dahil Mahal namin ang isa't isa pero yun ang akala ko dahil ako lang pala ang nagmamahal saming dalawa

Siya mismo nag sabi sakin na hindi niya ako minahal sinabi niya yun sa harapan namin ni Amanda

Sobrang nasaktan ako sa ginawa niya pero sino ba naman ako para piliin? Unang una kabit lang ako, masakit yun pero hindi yun paipagkakaila

Pero sa kabipang banda, kahit anong pilit ko na kalimutan siya at kasusuklaman siya hindi ko magawa

Iba ang gusto ng puso ko...

"Aliyah What are you doing here?"

"Ay Demetri!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko sa harapan ko si Demetri

Ngumisi ito sakin

"Iniisip mo ba ako?" Nakangisi niyang tanong

"Oo--ay! Hindi, h-hindi a-ah" Utal kong sabi hindi ako tumingin sa kaniya

"Aw? Really?" Pang asar niyang sabi

"Hindi na!" Sigaw ko

"Im your Boss why are you shouting at me?" Sabi niya at dahan dahang lumapit

"Pasensya na boss, ikaw kasi" Kinabahan kong sabi habang umatras

"You need to pay for it" Sabi niya kaya napakunot ako ng noo

"A-ano naman po yun boss?" Akward kong tanong, ngumisi naman siya kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko

"B-boss b-baka may makakakita satin" nauutal kong sabi

"Bakit? Ano naman ngayon? Wala naman tayong ginawa" At ngumisi ng malaki

"Unless kung may gusto kang gawin natin?" Dagdag niya kaya namula ako sa sinabi niya

Napahiga ako ng maluwag ng tumigil siya sa paglapit sakin

Nagulat ako ng bigla niya akong hinila

"San tayo pupunta boss?" Taka kong tanong sa kaniya

"Somewhere na pwede kang solohin" Sabi niya

Putcha! Kinikilig ako! Arghhhh!!! Ano ba Demetri! Baka makakalimutan ko na may kasalanan ka sakin dati!

Dumaan kami sa pintoan na napuno ng mga halaman, di mo aakalain na may pintoan pala dahil napupuno ito ng mga dahon

"Woahhhh" Mangha kong sabi

Ang ganda ng paligid para nasa fairy tale ako, May maliit na fountain sa Gitna, at may bench

Maraming bulaklak sa paligid, Ngayon lang ako nakakakita ng ganito kaganda, nakakawala ng pagod at stress

"You like it?" Tanong ni Demetri kay tumango tango ako habang namamangha parin tumingin tingin sa paligid

"This is my favorite place here in my Resort" Nakangiting sabi ni Demetri, kay napatitig ako sa kaniya

Matagal tagal ko ring di nakita ang mga ngiti nayan

Kumunot ang Noo ko, sinabi niya bang Resort niya?

"Your Resort?" Nakakunot noo kong tanong sa kaniya

"Yeah" Sabi niya, napatakip ako ng bibig hindi ako makapaniwala na Resort niya pala ito

Pero bakit Anastasia Resort? Assuming lang ba ako or sakin niya talaga pinangalan ang Resort nato? Impossible naman yun

Umiling iling ako dahil nagiging assuming na ako

"Pinangalan ko to sa taong gusto ko" Napatingin ako sa kaniya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko

May gusto ba siyang kapangalan ko?

"And I want her to Comeback" Sabi niya

"B-bakit? a-san p-po b-ba s-siya? A-kala k-ko ba si A-manda ang g-gusto m-m" Nauutal kong sabi na may halong pait dahil sa huli kong sinabi

"She's infront of me" Sabi niya at tinignan niya ako kaya napaiwas ako ng tingin

Bakit niya sinasabi yan? Si amanda ang gusto niya diba? Sinabi na niya sakin na hindi niya ako mahal

"Bakit mo sinasabi yan, wag kang magbiro" natatawa kong sabi pero hindi mawawala ang pagkabitter sa tono

"No, im not Joking im serious" Seryoso niyang sabi at hinaplos ang mga pisngi ko

"Im sorry kung nasaktan kita nuon, nagsisisi ako kung bakit pinili ko si Amanda" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sakin Nakatingin lang ako sa gilid

"Look at me" He commanded at sinunod ko ito, tinignan ko siya sa mga mata at nakikita ko na sincere siya sa mga sinasabi niya

Ayaw gumana ng utak ko dahil sa sinabi niya sakin, nabibigla ako

"Impossible" Iling iling kong sabi

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon