ALIYAH POV
Nagtipon-tipon kaming lahat sa lobby para malaman namin kung saan ang room number namin
Marami na ang natawag hanggang sa ang pangalan ko na ang tinawag
"Room No.34 Aliyah Mendoza, Luna Matanggo, Rona Dialang and Kristine Salazar"
"Pumunta na kayo sa mga silid niyo para ilagay ang mga gamit at pagkatapos ay pumunta na kayo sa Dining hall para maghapunan
Kinuha ko na ang gamit ko at dinala na sa magiging Room ko
Nakasunod naman sakin ang mga ka roomate ko, hindi ko sila close
"Aliyah Right?" Tanong sakin ng babae isa sa mga karoomate ko
"Yes?bakit?" Tanong ko sa kaniya
Maganda siya, simple lang siya manamit pero halatang classy"Im Luna, and she's Rona" Sabay turo niya sa isang babae na naka upo sa kama niya kumaway ito sakin
Maganda din ito at nakaeye glass siya, hindi naman siya mukhang nerd bumagay nga sa kaniya eh
"And she's Kristen" Sabay turo naman niya dun sa babaeng kalalabas lang ng Banyo, ngumiti naman siya sakin
Ang cute niyang tignan dahil sa bangs niya, ang inosente niyang tignan parang di makabasag pinggan
"Nice meeting you guys" Sabi ko sa kanila kaya nginitian nila ako
"Tara labas na tayo?" Aya samin ni Luna kaya tumayo na kami at lumabas
Nag uusap kami na kung ano ano habang lumabas
Mukhang swerte ako sa roommates ko dahil lahat sila mga mababait, buti nalang di ako naka roomate na kagaya ni Emily
Speaking of Emily, Lumabas siya kasama ang mga kaibigan niya sa Room nila na katabi lang ng Room namin.
Mukhang siniswerte din ata siya dahil kagaya din niya na kinulang sa tela ang mga ka roommates niya
Tinaasan pa nila kami ng kilay, hindi nalang namin pinansin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad
Nandito na kami sa Dining hall lahat nakaupo na sa mga pwesto na gusto namin
Ang daming nakahandang pagkain, mukhang mga mamamahalin lahat
Nakita ko sa Dulo si Demetri nakaupo, may bakante sa tabi niya
Bigla siyang Tumingin sakin kaya nag iwas ako ng tingin
Ilang minuto ay binalik ko ang tingin sa kaniya at katabi na niya si Emily
Iwan ko pero parang naiinis ako kay Emily, kanina pa siya ah!
'selos kalang eh!' Sabi ng utak ko
'hindi kaya!'
'weeeeh? Anong namang dahilan mo bakit ka naiinis kay Emily kung hindi ka nagseselos?' Sabi ng kabilang utak ko
'Wala! Naaasar lang talaga ako sa mukha ni Emily!'"Huyy Aliyah!" Nibalik ako sa realidad ng tapikin ako ni Rona
"Huh?" Wala sa sarili Kong tanong
"Ok kalang? Kanina kapa tulala? At di mo manlang kinain yang pagkain mo" tanong niya sakin
"Ok lang ako, may iniisip lang" Sabi ko sa kaniya
Tumingin ulit ako sa Deriksyon ni Demetri at nanlaki ang mga mata ko ng kanina papala siya naka tingin sakin
Dali dali akong umiwas ng tingin at nag focus sa kinain
Nararamdaman ko parin na nakatitig siya sakin
"Para kang timang diyan" Napatingin ako kay Luna, tinaasan ko siya ng kilay
"At bakit?" Taas kilay kong tanong
"Basta para kang timang" sabi niya kaya inikutan ko siya ng mata
Nagpatuloy nalang kaming kumain
FASTFORWARD
Nandito kami ngayon sa tabi ng dagat nila luna
Alas 7 pa naman ng gabi kaya ok lang bukas pa kasi magsisimula ang mga palaro
Sa di kalayuan nakita namin si Demetri may kausap itong lalaki
"Ang gwapo ni Sir Demetri nuh?" Sabi ni Rona
"Kaya nga eh!" Sang-ayon naman ni Kristine
Gwapo naman talaga si Demetri eh, kahit lalaki ay nababakla kapag nakita siya
Biglang tumingin si Demetri sakin
"Omyyy, Tumingin si Sir Demetri sakin" sabi ng nasa likuran namin kaya napatingin kami sa likuran at nakita namin si Emily
"Kaya nga besh! Baka may gusto rin sayo Sir Demetri" Kinikilig nasabi ng nasa tabi niya
Napangiwi naman ako, napaka assuming naman ng clown nato!
"Assuming ng gaga! Kay Aliyah kaya nakatingin si Sir Demetri" Sabi naman ni Luna
"Kaya nga eh" Tango tangong Sabi ni Rona
"Tumahimik nga kayo, baka si Emily naman talaga ang tinitignan ni Boss" Sabi ko
"Tsk! Assuming lang talaga yang haliparot na yan" Inis na sabi ni Kristine
Nakita naming suminyas si Demetri na lumapit sa kaniya
Feel ko ako ang sinisinyasan niya na lumapit ako sa kaniya
"Pinalapit ka ni Sir Demetri Emily" kinikilig na sabi ng kaibigan ni Emily
Dali dali namang lumapit si Emily kay Demetri
Si Emily pala ang sininyasan, akala ko ako eh, ang assuming ko talaga
Nakita ko namang kumunot ang Noo ni Demetri ng makalapit si Emily sa kaniya, may sinabi siya
Padabog na umalis si Emily sa harapan ni Demetri at napasimangot na lumapit sakin
"Punta ka daw dun!" Sabay irap niyang sabi sakin at tinawag ang mga kaibigan niya para umalis
"Ayan na pala mo, ang assuming kasi" Mahinang sabi ni Luna
"Punta kana dun dae!" Sabi naman ni Kristen
"Mauna nalang kami sa room natin" Sabi ni Luna kaya tumango nalang ako at pumunta nalang sa deriksyon ni Demetri
"Bakit boss?" Tanong ko pagkalapit ko kay Demetri
Hindi siya sumagot at tinignan lang ako, Tinignan ko lang din siya hindi siya nagpapatalo kaya akong nalang ang unang umiwas dahil naiilang ako sa kaniya
"Kung wala po kayong kailangan aalis nalang po ako" Sabi ko at akmang aalis
"Hiwalayan mo Boyfriend mo" Seryoso niyang sabi
Napakunot naman ako ng Noo
Bat naman biglang napunta siya dyan?"Bakit?" Tanong ko
"Gawin mo nalang ang sinabi ko" Maautoridad niyang sabi
"What if I dont?" Matigas kong sabi nakita ko naman siyang umigting ang panga at dahan-dahan siyang lumapit sakin kaya na paatras ako
"Ahh!" Tili kong bigla niyang hapitin ang bewang ko
"B-boss" Utal kong sabi sobrang lapit na ng mukha namin kaya naiilang ako lalo
Napapikit ako ng mariin ng nilapit niya pa lalo ang mukha niya sa muka ko
"I'll kill that bastard pag hindi mo siya hiwalayan" Bulong niya sa tenga ko nanindig naman ang balahibo ko
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomansPaano kung nagmahal ka sa isang taong pagmamay-ari na ng iba? Paano kung mabuntis ka niya at sa kasamaang palad ay pinili niya ang kaniyang totoong nobya at hindi ikaw? Anong gagawin mo?