Chapter 16

761 29 0
                                    

ALIYAH POV

Sabay kaming kumain ni Demetri, tahimik lang ako dahil ang akward ng ambiance dito

"Aliyah" Tawag sakin ni Demetri kaya tumingin ako sa kaniya

"Bakit boss" Sinisikap ko talaga na hindi mautal sa harapan niya

"About Kahapon--"

"Let's not talk about it" Putol ko sa sasabihin niya, ayaw ko kasi munang pag usapan ito

"Ok Sorry" Sabi niya at nagpatuloy lang sa pagkain

Binilisan ko para makaalis nako dito dahil hindi ko bet na nasa paligid ko lang siya

"Hey careful baka mabilaukan ka" Sabi ni Demetri

Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagkain

"You know you're so cute, kahit para kang patay gutom" Sabi niya, Ewan ko Kung kikiligin ba ako o magagalit sa kaniya eh

Sinamaan ko nalang siya ng tingin, Feeling close amp! Binalik ko nalang ang atensyon ko sa kinakain ko

"Love" Bigla akong nabilaukan sa sinabi niya

Dali dali niya naman akong binigyan ng tubig, Ininom ko ito

"What's the problem?" Tinignan ko siya ng masama, kung siguro nakakamatay ang sama ng tingin kanina pa to nakabulagta

Alam kong alam niya kung bakit ako nagkaganun

"What?" Painosente niyang tanong na halata namang pinigilan niyang ngumiti

For Pete's sake! Binanggit niya ang callsign namin!

FLASHBACK

"I miss you, punta ka dito sa condo ko plsssss" Sabi ni Demetri sa kabilang Linya

"Baka pupunta diyan si Amanda?" Sabi ko

"Hindi, Nag out of town sila ng pamilya niya" Sabi niya sakin kaya napangiti ako

"Pag iisipan ko" Biro ko

"Love sige na please" Panlalambing niya sabi, may magagawa paba ako? Nanlalambing eh

"Ok Hintayin mo ako diyan" Sabi ko

"Yes! Ok love I love you Ingat" Malambing niyang sabi

"I love you more love" Nakangiti kong sabi

Ganun ka sweet sakin si Demetri na kahit kay Amanda ay hindi niya ginawa, Hindi ganun ka sweet si Demetri pag dating kay Amanda

Laging natutunaw ang puso ko kapag tinatawag niya akong love, kahit palagi niya akong tinatawag ng ganun kinikilig parin ako

END OF FLASHBACK

ALIYAH POV
Tinapos ko na kaagad ang kinakain ko, tumayo na ako

"Where are you going?" Tanong sakin ni Demetri

"Aalis na po dahil tapos na po akong kumain, Salamat sa pagsabay kumain BOSS" Sabi ko at Pinagdiinan talaga ang salitang Boss

Hindi ko na hinihintay ang sagot niya at tumalikod na

Nangmakalabas na ako Sa Dining Hall ay nakita ko si Emily

"Ang galing" Sabi niya at Pumalakpak

Ano naman ang Problema nitong babae nato?

"Pwede ba Emily, Wala akong Oras sayo" Sabi ki at tatalikod na sana pero hinawakan niya ako sa braso

"Ano bang problema mo?" Inis kong sabi

"Ang galing mo ding Lumandi nuh?" Pinanlilisikan niya ako ng mata

"Lumandi? Kanina?" Taka kong tanong, parang abno lang wala naman akong natatandaan na may nilandi ako aduhhh!

"Una kay Sir Terrence ngayon kay Sir Demetri Nanaman? Malandi ka!" Galit niyang sabi sakin

May iilan ilan naring tumitingin samin

"Pwede ba Emily, wag mong ipahalata ang pagiging palingkera mo! At isa pa hindi ako lumandi!" Mahina at Maydiin kong sabi

Tumawa siya ng sarcastic

"Hindi Lumandi? Nagpahalik ka sa kamay kay Sir Terrence, at ngayon sumabay ka na kumain kay Sir Demetri, hindi bayon panlalandi? Lapit ka ng lapit sa magkapatid!" Sabi niya sakin at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko

"Bitawan mo nga ako!" Inis kong sabi at winakli ng malakas ang braso ko dahilan para matanggal ang pagkakahawak niya sakin

"Hindi ko kasalanan kung sila ang lumalapit sakin, pwede ba? Hindi panlalandi ang tawag dun, nakikipag kaibigan lang sila sakin, hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit sakin sila lumalapit at hindi sayo" Nakangisi kong sabi

"You bitch!" Sabi niya at sasampalin sana ako kaso nasalo ko ang kamay niya

"Im not your Mirror" Sabi ko malakas na binaba ang kamay niya

"What's Going on Here?" Napatingin kami sa nag sasalita at nakita namin si Terrence

Tinignan ko si Emily
"Wala naman po naglalaro lang kami" Napairap ako sa palusot ni Emily

Nakakabobo kasi ang Rason niya, may naglalaro ba ng sampal sampalan? Abno!

"Naglalaro? I don't think so" nakakunot noong sabi ni Terrence

"Ah wag mo ng isipin yun Terrence, tara na punta nalang tayo sa Program" Sabi ko at hinila nalang si Terrence

Hindi nalang siya nagsalita at nagpahila nalang

"Ms. Mendoza" Napatigil kami sa paglalakad ni Terrence at tumingin sa Tumawag sakin

"Boss" Tawag ko, ang dilim na ng mukha ni Demetri habang nakatingin samin ni Terrence, Dahan dahang bumaba ang tingin niya magkahawak kamay namin ni Terrence

Dali dali ko namang binitawan ang kamay ni Terrence, Nakalimutan ko mag kahawak kamay pala kami

"Follow me" Sabi ni Demetri at tumalikod

Nagdadalawang Isip pa ako kung susunod ba ako sa kaniya

"Follow him Aliyah, Masamang magalit si kuya, halata naman sa mukha na Galit siya Kaya sundin mo na siya, Sasabihan ko nalang sila Kristine na tinawag ka ni kuya" Mahabang lintanya ni Terrence

"Ah Sige" Sabi ko nalang at sinundan si Demetri

Ano ba kasing problema nito at Lagi nalang siyang galit kapag magkasama kami ni Terrence

Wait!? Nagseselos kaya siya? Hayt! Napaka assuming ko naman, umiling iling nalang ako

Sumakay kami sa Elevator at pinindut niya ang 15th Floor

"Boss saan po tayo?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin kay tumahimik nalang ako

Pagkabukas ng Elevator ay Dere-deretso siya ng lakad, ang laki ng hakbang niya Kaya para masundan siya ay lakad takbo ang ginawa ko

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon