ALIYAH POV
Nandito na kami sa Room ni Nathan, nakahawak ako sa kamay niya habang pinagmamasdan siyang natutulog
Buti nalang at Out of Danger na siya
"Let's Talk" Seryosong sabi ni Demetri mula sa likuran ko
Tumango ako at tumayo, nauna siyang lumabas at nakasunod lang ako sa kaniya
Pumunta kami sa Rooftop, tanging kaming dalawa lang ang nandidito
"Bakit di mo sinabi sakin na nagkaanak pala ako sayo?" Galit niyang tanong sakin
Hindi ko alam kung anong isasagot ko
"Why!?" Galit niyang sabi
"Dahil pinagtabuyan at Ininsulto mo ko nung mga panahon na dapat ay sinabi ko na sayo!" Galit ko ring sabi
Galit ako Oo! dahil wala siyang karapatan na magalit! Pinagtabuyan niya ako! pinahiya! Ininsulto! Inapakan ang pagkatao ko!
Hindi siya sumagot...
"So tell me! Sino bang tangang tao ang sabihin sayo pagkatapos ng ginawa mo sakin!?" Galit kong tanong
Umiiyak narin ako...
"Pero may karapatan parin akong malaman yun dahil ako ang Ama!" Galit niyang sabi
Hindi ako sumagot, Oo may karapatan siya pero sobrang sakit na ang ginawa niya sakin kaya hindi ko nalang sinabi
"Dahil nasaktan ako ng sobra! Dahil akala ko magkakaanak na Kayo ni Amanda kaya hindi ko nalang sinabi dahil alam kong hindi mo naman matatanggap ang anak ko!" Sabi ko
"Pero bakit hindi mo sinabi sakin ng malaman mong hindi naman kami nagkaanak ni Amanda?" Tanong niya
"I'm sorry" Yun nalang ang sinabi ko
DEMETRI POV
"Im sorry" Sabi ni Aliyah
Galit ako hindi dahil kay Aliyah kundi dahil sa sarili ko, kasalanan ko naman kung bakit hindi sinabi ni Aliyah yun
Tama naman siya, Pinagtabuyan at Ininsulto ko siya...
Naghahalo halo ang Emosyon ko, masaya, malungkot
Masaya dahil May anak pala ako kay Aliyah, Malungkot dahil kung hindi ko sana pinagtabuyan si Aliyah ede sana masayang pamilya nakami ngayon
ALIYAH POV
Tahimik lang kami...
Pinunasan ko ang luha ko"Wala ka ng sasabihin o itatanong?" Tanong ko sa kaniya
"Pwede mong bisitahin si Nathan Anytime kapag nakauwi na kami sa bahay" Dagdag ko
"Kukunin ko siya" Sabi niya na nag patigil sa mundo ko
"No Hindi pwede" Sabi ko
"May karapatan ako sa bata dahil anak ko siya at pinagkait mo siya sakin ng ilang taon" Sabi niya kaya tumulo ang luha ko
Dumating na nga ang kinatatakutan ko, hindi ko kayang malayo kay nathan
"No!" Sigaw ko
"Idadaan natin to sa korte para patas ang laban" Sabi niya, umiling-iling ako
No no!
"Please Demetri wag mong ilayo sakin si Nathan" Pagmamakaawa ko sa kaniya dahil alam kong talo na ako dito
Hindi siya sumagot
"Please Parang awa mo na, hindi ko kayang malayo sa anak ko" Pagmamakaawa ko habang hinawakan siya sa kamayHindi parin siya sumagot at tinignan lang ako...
"Pag iisipan ko" Sabi niya at Tumalikod
Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin
FAST FORWARD
Pag karating namin sa kwarto ng anak ko ay tulog pa ito
Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang maliliit niyang kamay
May sugat sa ulo at binti si Nathan na siyang dahilan kung bakit naubos ang dugo niya at kailangan siya salinan ng dugo
Nagpapasalamat parin ako sa Diyos at ok na ang anak ko, nagpapasalamat ako dahil hindi na apektuhan ang utak ng anak ko dahil sa pagkakabagok niya
Tumulo ang luha ko ng maalala ko ang sinabi ni Demetri
Mahal na mahal ko ang Anak ko kaya hindi ko kayang malayo siya sakin
"Pagkalabas niya dito ay sakin na siya titira" Sabi ni Demetri
Wala na akong magawa, may karapatan si Demetri sa Anak ko
"Pwede ko naman siyang bisitahin araw-araw diba?" Tanong ko kay Demetri
DEMETRI POV
"Pwede ko naman siyang bisitahin araw-araw diba?" Tanong sakin ni Aliyah
"Yeah" Sabi ko
Gusto ko lang naman makasama si Nathan dahil ilang taon kong hindi nabigay ang dapat na ibigay ko sa Anak ko
Hindi ako galit kay Aliyah
Kukunin ko lang si Nathan, pero sa susunod silang dalawa na ang kukunin koALIYAH POV
Wala na akong magawa kundi ang pumayag
Atleast pwede ko paring madalaw ang Anak ko
Mas mabuti naman ito kay Nathan dahil mas mabibigay ni Demetri ang gusto niya kaysa sakin
Napatingin ako kay Nathan ng gumalaw siya
Nagising na siya, napangiti ako...
"Goodmorning baby, how are you? may masakit ba sayo? nagugutom ka ba?" Sunod-sunod kong tanong
"Dahan-dahan lang Mommy mahina ang kalaban" Napangiti ako sa sinabi ni Nathan
Makapag salita parang matanda na
"Wala bang masakit sayo?" Tanong ko, umiling-iling siya
"Nagugutom kaba?" Tanong ko, tumango naman siya
"I'll Buy I food" Sabi ni Demetri kaya napatingin si Nathan sa kaniya
"Mommy, who is he?" Kunot noong tanong ni Nathan
"Bat parang magkamukha kami Mommy?" Tanong ni Nathan at parang nag iisip
Unti unting lumaki ang mata niya alam ko kung anong iniisip niya
"Your Father" Sabi ko
"Really!?!! Daddyyyyyy!!!" Sigaw niya at tatayo sana kaso hindi niya kaya
Kaya lumapit sa kaniya si Demetri at niyakap siya
Biglang tumulo ang luha ko ng makitang masayang masaya ang mukha ni Nathan, ang saya nilang tignan
Pareho silang sabik na sabik sa isa't isa
Nakita kong tumulo ang luha ni Demetri, sobrang saya niya ng makita si Nathan
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomancePaano kung nagmahal ka sa isang taong pagmamay-ari na ng iba? Paano kung mabuntis ka niya at sa kasamaang palad ay pinili niya ang kaniyang totoong nobya at hindi ikaw? Anong gagawin mo?