ALIYAH POV
"Mommy bakit kailangan mong umuwi dun sa dati nating bahay? Dito na ang bahay natin diba?" Sabi ni Nathan na naka pout
"Kasi Baby, kay Daddy mo tong bahay hindi kasi to akin" Sabi ko ang hirap kasing ipaliwanag sa kaniya lalo na't hindi niya alam ang nagyayari samin ni Demetri
"Pero diba pamilya tayo bakit hindi ka dito titira?" Matalino nga ang anak ko...
"Kasi----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Demetri
"Dito ka na tumira Aliyah" Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko sa sinabi niya
"A-ano?" Tanong ko dahil baka nagkamali lang ako ng dinig
"Dito kana titira dahil PAMILYA TAYO" Sabi niya at inimphasize pa talaga ang pamilya tayo, ewan ko kung kikiligin ba ako o masasaktan dahil unang una hindi kami pamilya dahil ginagampanan niya lang ang responsibilidadniya sa anak ko
"Yeyyy!!! Mommy dito kana kasi titira diba ito ang pangarap natin na mabuo ulit tayo? Tapos bakit ka aalis? Umuwi na nga si Daddy oh hindi na niya tayo iiwan" Masayang sabi ni Nathan
Masaya akong makitang masaya si Nathan, pero alam kong pansamatala lang ito dahil di mag tatagal malalaman rin niya na ang totoo, na bunga lang siya ng pagkakamali namin ni Demetri
Matagal na niyang pangarap na umuwi ang Daddy niya kahit ang totoo ay hindi Pumunta sa malayong lugar ang Daddy niya para mag trabaho
"Baby punta ka muna sa room mo maguusap lang kami ng Mommy mo" Sabi ni Demetri kay Nathan
"Ok po, basta hindi aalis si Mommy Daddy ah" Sabi ni Nathan
"Yes baby" Sabi ni Demetri at hinalikan sa Noo si Nathan
Pagkaalis ni Nathan ay nagsalita siya
"Ano yung sinabi ni Nathan na uuwi ako?" Tanong niya kaya umiwas ako ng tingin
"Sinabi ko kasi sa kaniya na nagtatrabaho ka sa malayo kaya wala ka sa piling namin" Mahina kong sabi, tama lang na marinig niya
"Hindi mo sinabi ang totoo?" Sabi niya na may ningning sa mga mata
"Hindi" Nakita kong ngumiti siya
"Thankyou kahit ang laki ng pagkukulang ko sa kaniya hindi mo parin hinayaan na magalit sakin si Nathan" Sabi niya
Kahit naman pinagtabuyan at ininsulto ako ni Demetri nuon, ayaw ko paring magalit sa kaniya si Nathan sa Ama niya
FAST FORWARD
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Nathan nakahiga, dito na ako titira kasama ang anak ko at si Demetri
Napag usapan namin na kailangan namin magpanggap na nagmamahalan kami ni Demetri para di mag hinala si Nathan
May room naman ako kaso mas gusto kong makatabi si Nathan ngayon
Bukas ko pa kukunin ang mga gamit ko sa bahay, nasabihan ko narin si Lhorinne about dito
S una ayaw niyang pumayag pero kalaunan ay pumayag rin dahil sabi niya malay niya daw baka magkabalikan kami ni Demetri
As if naman magkabalikan kamiBukas narin ay may trabaho na ako, hindi pa alam ni Nathan na si Demetri ang Amo ko dahil hindi ko pa nasabi sa kaniya
**KINABUKASAN**
ALIYAH POV
"Ang ganda ni Mommy, Daddy nuh? Kahit tulo laway matulog hahahaha""Yeah hahahaha"
"Ikiss mo si Mommy Daddy Dali~"
Ano daw? Hahalikan ako? Nagulat ako ng mat naramdaman akong malambot na dumikit sa labi ko
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomancePaano kung nagmahal ka sa isang taong pagmamay-ari na ng iba? Paano kung mabuntis ka niya at sa kasamaang palad ay pinili niya ang kaniyang totoong nobya at hindi ikaw? Anong gagawin mo?