ALIYAH'S POV
Papasok na ako ng building ng mapansin kong sakin sila lahat nakatingin, ang iba ay sobrang sama makatingin
Kulang nalang papatayin nila ako gamit ang tingin
"Ang landi niya"
"Bitch!"
"Ang kapal ng mukha landiin si Sir Demetri"
Napakunot naman ako ng noo sa mga narinig ko
Wala si Demetri ngayon dito dahil tatlong araw silang mawawala ni nathan may importante daw kasi siyang aasikasuhin sa Cebu
Nagtataka nga ako kung bakit sinama niya si Nathan eh
Ang sabi naman niya ay ok lang dahil bonding narin daw nila yun mag ama...Dalawang araw na silang nasa cebu ngayon...
"Akala mo ang ganda niya eh"
"Kaya nga,mas maganda pa ako diyan!"
Hindi ko nalang sila pinansin dahil hindi ko naman alam kung bakit sila nagkakaganyan isa pa wala naman akong pake
"Ang landi nga niya!"
"Malandi din kasi siguro nanay niyan"
Bigla akong napatigil dahil dun
Tumingin ako sa banda nila at si Emily pala ang nagsalitaKung kanina sinabi ko na hindi nalang sila papansinin ngayon hindi pwede!
Tawagin niya akong malandi wag lang damayin ang nanay ko
"Anong sinabi mo!?" Galit kong tanong sa kaniya
"Malandi din ang nanay mo, ano bang sinabi ko?" Maldita niyang sabi, tumawa naman ang mga kaibigan niya
"Aliyah!" Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko sila Rona, Kristine at Luna na papalapit sakin
Ngayon ko ulit sila nakita, nagiging busy kasi sila at ako rin, nakatuon lang din kasi ako sa mag-ama ko kaya hindi ako nakapag bonding sa kanila kahit sabay lang kumain
Nagiging demanding din kasi ang mag ama ko...
"Emily tama nayan! Sumusobra kana ah!" Sabi ni Kristine kay Emily
Napabalik ako sa huwisyo..
"Bakit totoo naman ah? Saan pa mag mana yang kalandian niya? Ede sa mama niya!" Umigting ang tenga ko dun dahil sa narinig ko
Lalapitan ko sana siya ng pinigilan ako ni Rona
"Aliyah wag mo nalang patulan, abnormal kasi yan" Sabi niya sakin
"Hindi pwedeng ganun-ganunin niya ang mama ko" Galit kong sabi
Pinigilan ko ang sarili ko na wag magalit ng husto dahil baka makakagawa ako ng hindi maganda sa kaniya
"Bitawan mo ko Rona, kakausapin ko lang siya" Mahinahon kong sabi kay Rona kaya binitawan naman niya ako
"Wala kang karapatan na laitin ang mama ko, ano bang problema mo ha?! Naiinggit kaba sakin? Ano bang problema niyo at ang hilig niyong mangealam sa buhay ng may buhay?!" Inis kong sabi sa kaniya
"Me naiinggit sayo? Eh mas maganda naman ako sayo, isa pa malandi ka kasi! Nilalandi mo si Sir Demetri!" Galit niyang sabi
Bata ba tong kausap ko? Napaka immature niya, ano naman ngayon kung nilalandi ko si Demetri? Eh boyfriend ko naman yun? Ama naman yun ng anak ko? Aw my bad hindi nga pala niya alam
Tumawa ako ng sarcastic sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay
"Bakit may ebedensya ka?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
Любовные романыPaano kung nagmahal ka sa isang taong pagmamay-ari na ng iba? Paano kung mabuntis ka niya at sa kasamaang palad ay pinili niya ang kaniyang totoong nobya at hindi ikaw? Anong gagawin mo?