DEMETRI POV
"Boss ito na po ang mga papeles, nandyan napo ang address nila" Sabi ng isa sa mga tauhan ko
"Aw ok salamat" sabi ko at tinignan ang mga papel na binigay niya sakin
Tumango lang ito at umalis na
"Cebu City" Basa ko
Nasa cebu pala lumipat ang mga magulang niya*ringgggg
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko ng tumunog ito
My Love
Hi loveeee, sasabay kaba sakin mananghalian ?Napangiti agad pagka basa ko sa mensahe
Si aliyah pala,
"Yes love, I'll be there in 10 minutes, see you and imissyou already" reply ko at masayang tumayo na sa kina uupoan ko para bumalik sa opisina
ALIYAH POV
Napangiti naman ako sa reply ni Demetri,
Na miss kaagad eh isang oras palang kami nagkahiwalay eh
"Ok ingat sa byahe" Reply ko nalang at bumalik na sa trabaho
Alas 11 palang naman ng umaga, kaya pinagpatuloy nalang muna ang ginagawa ko
SOMEONE'S POV
Asan na kaya ang anak ko, namimiss na namin siya
Sana mapatawad niya kami dahil sa pagtataboy namin sa kaniya, kamusta na kaya sila ng apo ko?
Sana nasa mabuting kalagayan sila
"Mang bat dimo ginalaw ang pagkain mo? Busog ka ba? Wala kabang ganang kumain?" Napabalik ako sa huwisyo ng mag salita ang asawa ko
"Namimiss ko na siya pang" sabi ko at nangigiligid na ang aking mga luha
Narinig ko siyang bumuntong hininga... Alam niya kung sino ang tinutukoy ko
"Namiss ko na rin ang anak natin mang, kung sana lang may pera tayo para hanapin siya, ginawa ko na" malungkot niyang sabi at lumapit sakin para yakapin
"Kung hindi lang natin siya pinalayas nuon, siguro nandito siya kasama ang apo natin" Umiiyak kong sabi
Hinagod niya naman ang likod ko
"Shhh wag ka ng umiyak mang, hindi mo kasalanan yun, nadala lang tayo sa emosyon nuon" pagtatahan niya sakin
Sana makita ko sila ng apo ko, matandan na kami sana bago man lang kami pumanaw ay makikita pa namin sila ng apo ko
Namimiss ko na siya, ako ang ina niya pero isa kami sa tumaboy sa kaniya dapat ay tinulungan namin siya na bumangon sa pagkakadapa pero anong ginawa namin? Pinagtaboyan namin siya
Apat na taon kong pinagsisihan ang pagtataboy ko sa anak ko, lage akong umiiyak sa kwarto ko mag isa kapag naiisip siya
Anak ko, sana nasa mabuting kalagayan ka anak, sana makita ko pa kayo ng apo ko
ALIYAH'S POV
Napatingin ako sa pintoan ng bumukas ito at iniluwa duon ang gwapong si Demetri na ngayon ay nakangiting nakatingin sakin
Kaya nginitian ko rin siya at tumayo para salubungin siya
"Hi" sabi ko
"Hello" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi at sa labi
Kaya niyakap ko siya, wala naman sigurong makakakita samin dahil nasa loob naman kami ng opisina niya
"Are you hungry?" Tanong niya sakin habang nakayakap sa bewang ko
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomancePaano kung nagmahal ka sa isang taong pagmamay-ari na ng iba? Paano kung mabuntis ka niya at sa kasamaang palad ay pinili niya ang kaniyang totoong nobya at hindi ikaw? Anong gagawin mo?