CHAPTER 9

873 26 0
                                    

ALIYAH POV

Pagkagising ko ay nakita ko si Demetri sa tabi ko habang magkayakap kami

Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap ako sa bewang niya at nakayakap din siya sakin

Namula ako dahil dun, dito pala ako nakatulog

Tinignan ko ang orasan na nakapatong sa mesa na nasa gilid ng kama

Alas 5 palang ng umaga, dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Demetri na nakagapos sa bewang ko

Kailangan ko ng umuwi dahil baka hahanapin ako ni Nathan pag gising niya

Bago ako umalis ay kinapa ko muna ang Noo ni Demetri at wala na itong lagnat

Tinitigan ko muna siya...

Nagtataka ako kung bakit ako ang tinawagan niya at bakit wala dito si Amanda at ang anak nila

Bago pa siya magising ay Umuwi na ako samin

DEMETRI POV

Nagising ako na wala na sa tabi ko si Aliyah umuwi na siguro

Napangiti ako ng maalala kong magkayakap kaming natulog ni Aliyah kagabi

Inalagaan rin niya ako, she cared for me

Nakakabakla man pero para akong kinikilig

Wala narin ang lagnat ko, salamat kay Aliyah

Nakangiti akong pumasok sa banyo at naligo

ALIYAH POV

"At bakit dika umuwi kagabi!?" Bungad sakin ni Lhorinne ng makapasok ako ng bahay

Napakamot naman ako sa batok
"Ano kasi ahm ano ah----"

"Ano!?" Nakataas kilay niyang tanong, kung makareact parang nanay ko talaga!

"Ang taas kasi ng lagnat niya at hindi ko siya pwedeng iwan, siya Lang magisa sa Condo niya" paliwanag ko

"Anong naman ginawa niyo kagabi!?" Tinignan niya ako na parang nay ginawang di maganda

"Natulog kang! Napaka ano mo!" Inis kong sabi sa kaniya

Inirapan niya Lang ako

"Puntahan mo anak mo dun sa taas nagising siya kagabi at umiyak yun ng malaman niyang umalis ka at dika pa bumalik, hinintay kapa niyang umuwi hanggang sa nakatulog rin" Sabi niya

Kaya dali dali akong tumakbo sa taas para puntahan si Nathan

Pagkapasok ko sa kwarto ng Anak ko ay mahimbing pa itong natutulog

Umupo ako sa tabi ng anak ko at hinihimas ko ang buhok niya

Sorry anak ko, pinuntahan ko lang ang Daddy mo dahil nagkasakit ito...

Bigla siyang gumalaw kaya tinapik tapik ko ang pwetan niya ng mahina para makatulog ulit siya

Alam kong kunti lang ang naitulog ng anak ko dahil gaya ng sabi ni Lhorinne ay hinintay niya akong makabalik

Tumayo na ako at pumasok nalang ng kwarto ko at naligo nalang

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at magluluto na sana ng pagkain ng makita ko si Lhorinne na nagluluto.

Kaya umupo nalang ako at pinanuod si Lhorinne

FAST FORWARD

Nandito na ako sa Opisina, tulog na tulog pa si Nathan ng umalis ako

Sinabi ko nalang kay Lhorinne na tawagan ako kapag gusto ni Nathan na makausap ako

Baka kasi magtampo sakin yun eh, iba pa naman yun magtampo

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon