|Gabrielle|
" Hay nako talaga Elle!" Comment ni Kyrie after kong ikwento yung nangyare sa amin kahapon sa Starbucks.
Sabado ngayon kaya nandito kami sa condo ko para maghang-out. Wala rin kasi akong gala kasama si Toff dahil busy nga sya sa thesis niya at ayoko naman siyang abalahin. You know studies is still more important.
" I was also shocked Kyrie." I replied and grabbed a handful of almonds and put it inside my mouth at once.
" Pero grabe ang boyfriend mo besh! Kung ako yung lalaking yon. Siguradong magagalit ako sayo at tatanungin kung sino yung lalaking binanggit mo while staring at me."
I sighed. Kung ako rin naman ang nasa part niya , magtatanong rin ako kung sino yung Bryce but he didn't.
" But what if he asked me. Ano kayang isasagot ko doon. " Napailing naman si Kyrie na parang kahit siya ay hindi alam ang sasabihin kung ganoon nga ang nangyari.
Hindi alam ni Toff na may ex-boyfriend ako. Hindi ko pa naikekwento sa kaniya and since naging kami, he never asked about my past love life. I found it weird to be honest 'cause all boys that I know were so intrigue with their girlfriends' previous relationships.
Pero baka ganon lang talaga siya. Maybe, he just want to focus in present at yun ang hindi ko magawa gawa.
" Yun nga Elle. Pasalamat ka nalang at mukhang mahal na mahal ka ng jowa mo kaya hindi na nagtanong. Siguro inisip non na 'pag nagtanong pa sya eh maglead lang sa away niyo diba? Hays. Kailan kaya ako magkakaroon ng kagaya ni Toff." sagot niya at saka kami nagtawanan dalawa. Wala pa rin kasing bagong boyfriend si Kyrie after his break up 3 years ago. Ewan ko ba dito. Madami naman manliligaw pero wala daw muna syang balak magboyfriend ulit.
" Uy Elle. San galing to?"
Napatingin naman ako sa hawak ni Kyrie pagkalabas ng kwarto ko para magcheck ng email sa desktop ko.
She's holding a small frame at may nakacross-stitch na heart shape don.
'W-why are you breaking up with me love? Hindi ka na ba masaya?' Tears are streaming down from my face. Nakita ko namang napayuko siya sa tanong ko. I was waiting for his answer but he just stayed silent.
' Love. Answer me. M-masaya naman tayo but why? Bakit gusto mong makipaghiwalay?' I repeated.
Wala akong makitang rason para makipaghiwalay siya sa akin. Sa apat na taon naming magkasama, never kaming nagkaroon ng away na sobrang lalim pero bakit bigla namang ganito? We used to be happy actually. Kahit kahapon nagawa pa nga naming mamasyal sa mall pagkatapos ng klase.
' P-please answer me Bryce.' I clutched my chest and stooped my head. I really have no idea about this break up.
The warmth of his palms made me stare at his eyes intently. Hindi ko mabasa ang nasa isip nya.
He wiped my tears before speaking. ' Sorry Elle. I'm really sorry.' Kasabay non ang pagbitaw niya sa mga kamay ko. Akala ko tuluyan na siyang aalis pero may kinuha siya sa bag niya at inabot ito sa akin habang patuloy lang ako sa pag-iyak. Kinuha niya ulit ang isang kamay ko.
' Sayo na yang hawak mo ngayon Elle. T-that's my heart. Sayo na ang puso ko but make sure that you will still give your heart to someone else. To someone who deserves it more.' As he said those words, his light footsteps grew distant. I want to chase him. Gusto kong ipagpilitan sa kaniya na 'wag siyang makipaghiwalay sa akin but my feet failed me.
Tiningnan ko ang bagay na binigay niya sa akin. It was a heart - shaped cross-stitch na nakaframe. I cried harder to the point that the drops of my tears were flowing down to the frame that he gave.
Why did he break up with me without saying any reason?
" Hoy! hala bakit ka umiiyak diyan? "I quickly wiped my tears when I felt the presence of my bestfriend beside me.
I faked a laugh. " Nothing hahaha. Napuwing lang ako. " I answered.
Her eyebrows met and narrowed her eyes as if she's not convinced with what I said. " Sus. Reasons. Sabi ko kanino galing to?"
Geez. Ba't ang daming tanong ng kaibigan ko.
Nagulat naman siya nang inagaw ko sakanya yung frame at agad itong ibinalik sa kwarto ko.
Tinago ko na to, pano niya pa nahalungkat?
" Hoy babae! Ikaw may hindi ka pa sinasabi sa akin" paghihinahala niya after kong makabalik sa living room. I just smiled and tried to change the topic but she's still looking suspicious.
" Okay. That frame was from Bryce. Happy?" I explained as I sit on the sofa.
Mukha naman mas lalo siyang naguluhan" Eh bakit tinago mo pa? Akala ko ba dinispose mo na lahat ng galing sa kanya?"
" I-I can't just throw that." I plainly replied. Honestly, hindi ko sinabi sa bestfriend ko na nakipagbreak sakin si Bryce without saying any reasons. I don't know. Naisip ko kasi non na baka magalit lalo ang kaibigan ko kapag nalaman niyang basta basta lang ako iniwan ng ex ko.
"Why?" She asked still looking with disapproval.
" Binigay niya sa akin yan right before na makipagbreak sya sa akin.". Tinaas niya ang isang kilay niya. She's waiting for more.
I shifted my gaze to the center table to avoid her eyes."Sabi niya sa akin that represents his heart and he's g-giving it to me. Pero hindi daw ibig sabihin na nasa akin ang p-puso niya, eh hindi ko na ibibigay ang puso ko sa i-iba."
I flinched when Kyrie slammed her hands on the table that I was staring at. " Eh baliw pala yang ex mo eh."
" Sinong ex ang magbibigay ng ganon bago siya makipagbreak? Kaya naman pala hindi ka makamove on move on dyan sa Bryce na yan Elle."
I bit my lower lip and flashed a bitter smile to her.
Sino ba naman kasing hindi makakalimot sa ex niya lalo na kung wala naman kayong problema? Lalo na kung wala siyang rason para iwan ako.
Up until now, palaisipan pa rin sa akin ang araw na yon. Ano kayang nangyari para magdecide siya na makipagbreak sa akin?
I know I don't have to think of it 'cause I have Toff ... already.
YOU ARE READING
Since You Were Gone [COMPLETED]
RomanceTuluyan na sana kitang kinalimutan. - Gabrielle Abarca