CHAPTER SEVEN

1 0 0
                                    

|Gabrielle|

"How's your dinner yesterday?" tanong ni Kyrie pagkalabas ng teacher namin.

"What do you think?" tanong ko pabalik at saka ako tinaasan ng kilay.

" That's why I'm asking you Elle."

I sighed and turned my sight on the window. Some students were outside enjoying their free time while some were having their PE.

" Bakit kasi pumayag si mommy na kontrolin sya ng matandang yon." I almost whispered still keeping my gaze outside.

Hindi ako makapaniwala na nakontrol niya ang mommy ko. Masyado siyang desperado kaya pati pamilya namin hindi siya nagdalawang isip na sirain.

I felt how she prodded me in my shoulders. Nilingon ko naman siya "Kwento na dali." Chismosa talaga to kahit kailan.

" As usual, nagpapanggap pa rin siya na akala mo mabuting asawa at ama." She grinned.

" How about Toff?" I just gave her a worried look.

" May nangyare no?" suspetsa niya at saka ko binagsak ang ulo ko sa desk.

" What happened?" dagdag na tanong niy kaya ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kaibigan kong naghihintay ng sagot.

" Alam nya na, na may ex ako." Nagulat naman sya.

" At alam niya na ring hawig na hawig niya si Bryce."

" What?!" Medyo napalakas ang sigaw ni Kyrie dahilan para tumingin sa amin ang ibang classmates namin. Fortunately, wala pa rin yung next teacher namin.

" Pano nalaman?" tanong niya ulit.

" Sinabi lang naman ng magaling kong stepdad. Like Geez. Bakit kailangan niya pang sabihin yon sa harap ni Toff?"

" Anong sabi ni Toff? " Then I suddenly remembered his reactions. Pinatong ko ulit yung ulo ko sa desk. Mukha siyang nagulat at nagtaka sa narinig niya kahapon pero he still managed to stay in his composure.

Ang sama ko bang girlfriend?

" Yun nga besh. I'm already expecting that he would get mad or magtatanong ng kung ano ano. But he didn't." sagot ko sa kaniya habang nakapungko pa rin.

"Isn't it a good thing?" rinig kong tanong pa ni Kyrie.

Inangat ko ang ulo ko bago sumagot.

" I think it's worse Kyrie."

" No besh. That's what you called sana all." sagot niya at saka tumawa.

Simula ng maging kami ni Toff, never man lang siya nagtanong kapag nadudulas ako kay Bryce. Never siyang nagalit and that makes me more worried.

Baka pinapakita niya lang na okay siya, but inside, he's suffering because of...me. Still drowned with negative thoughts, I took my phone and looked at my wallpaper.

It was our selfie during our first anniversary. Nakapatong ang isang kamay niya sa ulo ko tapos ako naman eh nakaharap sa pisngi niya habang nakapose ng parang hahalikan siya.

Napaisip ako bigla. Kung hindi ba kahawig ni Toff si Bryce sasagutin ko kaya siya dati non?

I want to explain everything to him. Pero natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

'Pag hindi ko naman naiisip si Bryce, masaya naman akong kasama siya eh. Pero ba't ganito yung nararamdaman ko? Feeling ko ang sama sama ko.

"Ms. Abarca? Are you with us?" Nagulat ako nang mapansin kong ako nalang ang nakaupo sa klase.

" S-sorry Ma'am. Good morning po." I awkwardly greeted. Pinaupo niya na rin ang lahat at saka nagsimula ng discussion.

Tiningnan naman ako ni Kyrie na parang sinasabing anong problema ko pero hindi ko siya pinansin at nakinig na lang sa lesson.

Pagdating ko sa condo ko, nadatnan ko si Toff sa kusina at naghahanda ng pagkain.

Alam niya ang password ng condo ko pero minsan lang siyang pumunta dito.

" Beb. You're already here. Sorry hindi na ko nagsabi na pupunta ako dito."

My heart tightened as I saw him with his usual optimistic face. Why are you still smiling as if nothing happened?

Pagkatapos niyang magluto, nilagay niya na ito sa table kaya lumapit na rin ako at sabay kaming kumain ng dinner.

I just stared at him while he's busy with his food.

"Sorry" Napatingin naman siya sa akin at saka ngumiti ulit.

Naramdaman ko ang pag-init ng mata ko. " Toff! Kung gusto mong magalit then please magalit ka sakin! " He was shocked and placed his hand on my face and wiped my tears.

Why am I even crying right now? Hindi ko na napigilan yung emosyon ko. I am indeed frustrated seeing him like this. Parang hindi siya naaapektuhan sa mga mali ko.

" Stop crying beb. Ba't ka umiiyak?" He asked worriedly.

" Ba't naman ako magagalit sayo?" And his response made me sadder.

" Kasi hindi ako nagiging best girlfriend para sayo. Palaging ako nalang yung nagkakamali pero bakit hindi ka man lang magalit sa akin?" Napayuko naman sya.

" Hindi ko naman kailangan ng best girlfriend eh. I just need you."

" Nagagalit ka ba? Nasasaktan ba kita Toff? "

He smiled even though I can see sadness in his eyes. " Of course nasasaktan ako beb. Ang sakit makita na sa tuwing ako yung kasama mo iba naman ang naalala mo. Pero alam mo, hindi ko magawang magalit sayo. You know why? 'Cause I love you."

Since You Were Gone [COMPLETED]Where stories live. Discover now