CHAPTER NINE

0 0 0
                                    

|Gabrielle|

"Ano okay na kayo?" tanong ni Kyrie sa kabilang linya.

" I tried to b-break up with him."

" ANO?" Her shout was so loud to the point that it enclosed my room though my phone wasn't in loud speak.

" Pero hindi siya p-pumayag. Tapos u-umalis na ko ng kotse niya."

" So kayo pa ring dalawa."

" But I want to end it." I answered in monotonous tone.

" Do you think that's the right decision right now?"

" Maybe yes. Maybe no."

" Ang sabi ko makipag-usap ka, hindi ko sinabing makipagbreak up. Since hindi pa naman kayo nagbebreak, try to solve your problem Elle. I think breaking up with him is not the best solution. O ano kung magbreak kayo? Hindi mo ba naisip kung gaano ka niya inintindi. Kung gaano niya hinabaan ang pasensya niya para hindi lang kayo umabot sa mga hindi magagandang bagay."

Napasapo naman ako sa sarili ko.

" Eh kasi." I don' t know what to say already. Kahit ako hindi na rin alam ang gagawin.

" Eh kasi ano?"

" Eh kasi kapag pinagpatuloy ko, m-masasaktan lang rin naman siya. Masasaktan lang siya because I can't stop thinking of B-Bryce, Kyrie. I really can't."

" Are you crying?" I wiped my tears before answering her. Hindi ko namalayan na lumuha na pala ako dahil sobrang naguguluhan na ko sa lahat ng nangyayari. My mind was already fogged up.

" N-no. Hindi ko lang alam yung gagawin ko Kyrie."

" Kahit anong desisyon ang gawin mo Elle, masasaktan at masasaktan pa rin si Toff unless you do your best para kalimutan na yang ex-boyfriend mo. "

Hindi ko na nagawang sumagot sa kaibigan ko kaya ibinaba ko na ang tawag dahil baka magbreak down na naman lang ako.

Hindi ko kayang kalimutan. Yun ang problema ko. Sa tuwing tinitingnan ko ang mata ni Toff yung masasayang ngiti ni Bryce ang naaalala ko.

Oo alam ko. Alam kong napakasama ko. Alam kong napakaselfish ng ginagawa ko kaya nga pinagsisisihan ko ang mga naging desisyon ko. That's why I blurted those words to him. Inakala ko na kapag nakipaghiwalay ako sa kaniya, hindi na siya mahihirapang itago kung ano yung tunay na nararamdaman niya.

Kinuha ko ulit yung frame na binigay sakin ni Bryce bago niya ako iwan.

' T-that's my heart. Sayo na ang puso ko but make sure that you will still give your heart to someone else. To someone who deserves it more.'

Naalala ko na naman ang sinabi niya. Ano kayang iisipin ni Bryce kung ang puso ko ngayon ay nasa taong kahawig niya.

Iniisip niya rin kaya ako ngayon kagaya ng pag-alala ko sa kaniya kahit may iba na akong kasama?

Sinubukan kong ibigay ang puso ko sa taong deserve ang ibang babae. Toff deserves a better girl. Yung hindi kagaya ko na hinahangad pa ring ibigay ang puso sa taong matagal na syang iniwan.. ng walang dahilan.

I quickly grabbed my phone to see who's calling. It's unknown number but I still answered it.

"Love?"

My heart skipped a beat and I felt how tears started to escape from my eyes. Am I hearing things right?

" I-Is this you B-Bryce?" My lips was trembling. Baka masyado ko lang siyang namimiss kaya pati boses ng iba napagkakamalan kong sa kaniya.

" Yes. Elle. It's Bryce."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Anytime soon, I know that it may escaped from my ribs.

" I miss you." dagdag niya at saka ibinaba ang linya.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.

Bakit parang wala lang nangyare sa amin para sabihin ang mga katagang yon? Did he forgot that he broke up with me at iniwan na lang ako ng walang kaide-idea.

Kinuha ko ang phone ko nang makita kong nagmessage siya.

" I'm sorry Elle. Nandito ako ngayon sa NAIA. Let's meet."

The next thing I knew was I'm inside my car already, driving going to where he is.

I wanna see him right now. Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa yon. Gusto kong malaman kung..kung mahal niya pa rin ba ako.

Habang palapit ako ng palapit sa airport kasabay non ang pagbigat ng nararamdaman ko. I don't know. Basta ang alam ko, I wanna know the truth.

Pagbaba ko ng kotse, naramdamn ko ang pangangtog ng tuhod ko.

My feet started to feel heavy as I saw him outside the airport. Hindi pa siya nakaharap, alam kong siya na yon.

With my knees trembling, I still did my best to walk going to him.

Ang daming masasayang alaala ang bumabalik sa isip ko.

' Promise you won't leave me love.' sabi ko sa kaniya habang nandito kami sa beach para maghang out. Napangiti naman siya sa sinabi ko at unti-unti kong naramdaman how his arms suddenly wrapped me. He's hugging me and I felt how butterflies in my stomach devoured me.

'Promise I won't love. Mahal na mahal kita.'

"B-Bryce." sambit ko. As he turned to face me, my emotions stirred up which made my phone fell from my hand.

"T-toff"

Since You Were Gone [COMPLETED]Where stories live. Discover now