|Kristoff|
" Bryce pwede ba tigilan mo ko. Hindi ko gagawin yang sinasabi mo." Nakita ko namang gulong -gulo na ang kapatid ko.
" But I can't just lose her kuya. Mahal na mahal ko si Elle. I guess hindi nalang ako pupunta sa States." I gave him a blazing stare.
" Are you still in your sanity?" Galit na tanong ko.
" Just because of a woman, hindi mo itutuloy yung pag-aaral mo. Minsan nalang magdesisyon ng ganon si dad, bibitawan mo pa just because of that woman? Wake Up!"
" Hindi lang siya basta babae dude. Siya ang babaeng mahal ko. That's why I'm asking favor from you. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya habang wala ako. Make sure that no other guy will pursue her. Tutal, tumigil ka naman sa pag-aaral 'cause you're busy with our business. Then maybe, this is the time para ipagpatuloy mo yung pag-aaral mo. Please Kuya."
Napasapo naman ako sa iniisip na solusyon ng kapatid ko. Napakarisky ng plano niya.
" I'll think of it."
" Kuya! There's no time to think. I'll be leaving tomorrow."
" Eh loko ka ba? Ni hindi ko man nga lang kilala ng personal yang girlfriend mo"
Sa pagkakaalam ko, matagal niya ng girlfriend yung Elle. Pero sa tuwing dinadala niya dito yon e wala ako. Ni baka hindi rin alam non na may kapatid pala si Bryce sa sobrang busy kong tao.
" Kung hindi lang kita kapatid eh. Fine. Ako ng bahala."
"This is your fault!" I was back to reality nang maramdaman kong may tumutulong dugo sa ilong ko dahil sa pagsuntok sa akin ng kapatid ko. I just smirk and grinned at him
" Kasalanan ko pa ngayon Bryce? Did you forget whose plan is this?" Napayuko naman siya sa sinabi ko.
" Pero hindi ko sinabing mainlove ka rin sa kaniya."
" Tsk. That's the only reason para matupad yang plano mo."
Nang una kong makita si Elle, I was attracted to her easily. Hindi malabong nagustuhan siya ni Bryce because of her looks and personality. It wasn't my intention to fell inlove with her. Pero hindi ko namalayan na mahal ko na rin pala si Elle.
"Ang usapan natin walang maiinlove." Napangisi naman ako sa sagot nya.
"Sapalagay mo ba kapag ikaw ang nasa posisyon ko ngayon hindi ka mahuhulog kay Elle?" Natahamik sya sa sagot ko. Alam kong naiintindihan niya na ang pinagsasabi ko.
" I can't lose her this time. Ngayong nandito na ulit ako, I'll win her back to me." seryoso niyang sambit sa sarili niya. Tiningnan ko ang kapatid ko.
Sorry bro. But I won't lose to you. Mahal ko rin si Elle at gagawa ako ng paraan para piliin niya ko ng hindi dahil lang sa ikaw ang naaalala niya 'pag kasama niya ako.
YOU ARE READING
Since You Were Gone [COMPLETED]
RomanceTuluyan na sana kitang kinalimutan. - Gabrielle Abarca