|Gabrielle|
" Beb. Did I disturb you ba?" tanong ni Toff sa kabilang linya. I'm currently here at Starbucks alone 'cause tomorrow is our midterms at naisipan kong magreview. Mahirap na no, bawal bumagsak.
"Hmm. Beb medyo eeeeh. Sorry. Nagrereview kase ako for tomorrow's midterms. I'm here in Starbucks. Bakit ka ba napatawag?" I asked while still trying to answer the sample problem that I got from the internet.
" Ah. Wala naman. I thought you're not busy. Sige naaaa. Review well beeeb. I love youuu. "
" Err. Sorry talaga beb ha. I'll try to call you later. I love you too." sagot ko and hang up the phone.
Tinitigan ko lang yung problem na nasa harap ko. I know nothing will change pero pano ba kase to. I'm not a smart student. Nahihirapan ako sa mga worded problems but I can still manage to answer it, hindi nga lang sure kung tama.
I'm currently dealing with this projectile motion pero sumasakit lang yung ulo ko. I took a rest for a while as I'm having my pink drink that I ordered.
Engineering sucks. I just chose this course because of the results from NCAE back then hoping that I can survive this. Pero mukhang hindi.
' Love. Gets mo ba?' tanong sa akin ni Bryce after explaining how did he came up with that answer. I just stared at him still looking confused.
Pinitik niya naman yung noo ko dahilan para magfocus ulit ako sa tinuturo niya.
' Sorry. Hindi ngaaaa. Ayoko na nyan love. Shift na ko ng course ha---- Ouch!' Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang pitikin niya ulit yung noo ko. Ngumisi muna siya bago magsalita.
' Ilang beses ko ba sayo sasabihin love na walang magshishift ng course. Kulit mo talaga eh. As long as you have me, ako ang magiging personal tutor mo. Aba may boyfriend ka atang magaling sa Mathematics.' I just pouted at saka ulit tinuloy yung pagtuturo niya sa akin.
And I was back to reality. Napabuntong hininga ako. Me and Bryce were classmates but unlike me, sobrang galing nya sa Math. Siya lagi nagtututor sa akin before taking exams. But after he broke up with me after the recognition nung 1st year college kami, I never saw him again.
Naalala na naman kita Bryce. Sinubukan kong magfocus ulit sa pagrereview. Nagsearch ako sa youtube ng mga tutorials on how to answer problems about projectile motion at kung ano ano pa. Luckily, medyo nagegets ko naman sya. Geez. This is draining my brain.
"Love!" Napalingon ako kung saan nanggaling yung salitang yon.
' Ba't naman love ang naisip mong tawagan natin Bryce? Pwede namang babe.' Natawa naman siya sa sagot ko.
' Babe ka diyan. Ayoko nga. Love para mas sweet. Para kapag tatawagin pa lang kita alam mo na agad na mahal kita kahit nakatalikod ka pa.' Napangiti naman ako sa sagot ng boyfriend ko.
' Okay loooooooveeee' sagot ko at saka kami tumawa pareho.
" Elle. Did I say something wrong?" Toff is already in front of me. For a short time inakala kong siya si Bryce. Bakit kasi bigla siyang sumigaw ng love, eh hindi naman yun ang tawagan namin.
I roamed my eyes once more even though I know that there's no Bryce here. " H-ha. Wala. Just don't call me with that." sagot ko at saka bumalik ulit sa harap ng laptop ko. Mukha namang naguluhan siya sa sinabi ko.
" Alin? Yung love?"
" I said don't call me love!" Medyo napalakas yung pagkakasabi ko kaya nagtinginan yung mga kalapit kong table. Nagulat rin siya sa tono ng boses ko.
" I-Im sorry Elle." He answered looking so embarassed. Biglang nagsink in sa aking yung ginawa ko. Why am I being so insensitive?
" No. Wag kang magsorry. Medyo stress lang ako ngayon. Sorry beb. " I said trying to enlightened the mood. Ngumiti lang siya bilang sagot.
Bryce naman kasi! If you just ended our relationship more clearly. Hindi naman sana ako ganito.
YOU ARE READING
Since You Were Gone [COMPLETED]
Storie d'amoreTuluyan na sana kitang kinalimutan. - Gabrielle Abarca