CHAPTER EIGHT

0 0 0
                                    

|Gabrielle|

One week had passed after he said his real thoughts for the first time. Pagkatapos ng araw na yon, nahiya ako. Nahiya na akong makipagkita sa kaniya. Tawag siya ng tawag pero hindi ko yon sinasagot.

" Edi anong plano mo Elle?" tanong sa akin ng kaibigan ko habang nagsesearch sa netflix ng pwedeng panoodin. Sabado ngayon and this time, nandito naman ako sa bahay nila Kyrie. Baka kasi pumunta si Toff sa condo ko.

" Ewan ko. I don't know".

Bigla naman akong binatukan ng bestfriend ko. She was also frustrated after I told her what happened in my condo.

" Anong ewan mo? Anong hindi mo alam? Ano ganon na lang yon Elle? Ngayon alam mo na nasaktan mo ang boyfriend mo yet you're here trying to avoid him."

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Paano kapag nagpakita ako sakanya? Baka isipin niya na si Bryce na naman ang naalala ko. Edi lalo nanaman lang siyang masasaktan.

" You're being selfish Elle." Her comment strucked me straight to my heart.

" I know"

"Eh alam mo naman pala! Anong tinutunganga mo diyan? Wake up!"

This is my first time seeing my bestfriend like this. She's definitely enraged because of me. Her eyes were like a blazing fire and her nose was like fuming.

Kinuha ni Kyrie ang phone ko at naaligaga ako nang marinig ko ang boses ni Toff.

" Hi Toff. It's Kyrie. Your girlfriend is in our house right now. Pwede mo siyang sunduin dito."

"Why did you do that?" tanong ko kay Kyrie pagkatapos niyang ibaba yung phone.

"Talk to your boyfriend."

" Why are you avoiding me?" Diretso niyang tanong habang nagmamaneho. I just stayed silent. Pinagmasdan ko na lang ang mga bahay at buildings na nadadaanan namin.

" Dapat pala hindi ko nalang sinabi na nasasaktan ako Elle." Nilingon ko naman siya sa sinabi niya. His face is emotionless. But I know for sure, nasasaktan na naman sya.

"No Toff. I'm glad you said that. Ngayong alam kong nasasaktan pala kita." sagot ko at saka ibinaling ulit ang tingin sa bintana ng kotse niya.

Sino ba namang hindi masasaktan kung palagi ko na lang ipinapamukha na parang ibang tao siya kapag kasama ako? Simula't simula dapat tinanong ko na siya.

"Let's just b-break up Toff."

Napahinto sya sa pagmamaneho niya. The cars behind us were beeping their horns so loud but he ignored those.

He's just staring at me right now waiting for my explanation. His eyes were welling up with tears. Pansin ko rin ang paghigpit niya ng hawak sa manibela.

" You deserved someone better Toff. Yung mamahalin ka ng walang naaalala sa nakaraan. "

" No Elle. Walang magbebreak. Hindi mo alam kung gaano na ako nagtiis para umabot lang tayo dito. Oo, nasasaktan ako pero kaya ko. Kaya ko para sayo."

" Sorry" sagot ko at saka bumaba sa kotse nya.

Since You Were Gone [COMPLETED]Where stories live. Discover now