Chapter 2

15 0 0
                                    


Travis's POV

Kalimutan mo na yan sige sige maglibang, wag kang magpakahibang
dapat ay itawa lang
Ang problema sa babae
Dapat di iniinda
Hayaan mo sila maghabol sayo diba?...

Pahampas hampas pa sa table ang isa kong kaibigan habang kinakanta ang rap na yan.
Napabuntong hininga ako at nasusuyang iniwas ang tingin sa kanya. Parang tanga !
Gusto ko sanang sumali at samahan sa ginagawa nya pero tinatamad at wala ako sa mood.

Tumingin ako sa aking relo, 7:35am na pero wala parin teacher.
Naiinip ako. Kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at naglaro na lamang ng mobile legend.

Nalilibang na ako ng may kumalabit saakin. Kunot noo kong tiningnan kung sino, pero sumama ang mukha ko ng mapagtanto ko na si Bricks lang pala 'to.

>><<

Inis ko syang nilingon. What? Tanong ko, bakas ang pagkainis sa ginawa nyang pang-iistorbo. Mukhang nagsawa na kaka-RAP
mag-isa!

Napakainit naman ng ulo mo. Kunot noo din nyang sabi. Sorry sa istorbo, pero wala ka bang balak bumaba muna? Wala pa namang teacher. Tara sa canteen ! Ngiting-ngiting sabi nya. Fuck this man !

Fine. Yun lang ang isinagot ko. Wala talaga ako sa mood, ayoko lang kulitin ako ng isang to. Mahirap na, baka masapak ko lang ! Kaya itinigil ko ang paglalaro at ibinalik sa bulsa ang cellphone ko.

Grade 11 na kami, it's our third day of school. Transferee lang kami dito sa Brazelton National School. Malaki ang school na'to kumpara sa dati naming pinapasukan. Lumipat kami sa school na 'to dahil nagsawa na kami sa school na pinapasukan namin noon. Yes ! Ganda ng reason. Nagsawa !

Tumayo na ako sa upuan ko at sumunod naman saakin si Bricks. Palabas na kami ng room ng makita namin ang iba pa naming mga kaibigan. Mukhang inaabangan kami.

Boring dito pre- Si Jared dismayadong bungad nya. Isa sa babaero kong kaibigan. Maloko at maangas. Pero mas matindi parin si Bricks.

Pero ang gaganda ng mga chicks - Si Terrence, nakakalokong sabi nya. Mahilig din sa babae pero pa-isa isa lang. Di katulad ng dalawa, Hindi bababa sa lima ang babae.

Let's go - Si Daniel,Ang best friend ko. Seryoso, matalino, may kabaitan at gentle man, psh! At pala-aral. May kalokohan din pero mas matindi parin kaming tatlo.

Nanguna ako sa paglalakad. Namulsa ako at seryosong nakati gin lang sa daan. Pababa na kami ng hagdan, ng may nakaharang na babae sa dadaanan namin.

Nakayuko ito habang dinadampot ang nagkalat na mga gamit. Isa-isa nyang inilalagay ang mga iyon sa bag. May napkin at panty pa, tsk !

Tabi. Mahina kong sabi sa paraang maririnig nya !

Anak ng ! Kundi sana ako tinanghali ng gising, di ako magmamadali ng ganito nakakainis ! Bulong nya.

Napataas ang isang kilay ko dahil mukhang di nya ko narinig.

Tumikhim ako pero di nya parin ako pinansin. Tuloy parin sa pagdamot ng mga gamit nyang puro basura lang naman !

Sinipa ko ang isang libro na kaharap nya, napansin nya yun kaya dahan-dahan syang napatingala. Kasunod nun, ay ang pagsalubong ng kanyang mga kilay ! Tumayo sya habang masamang nakatingin sakin.

Bakit mo ginawa yun ? Di ka ba marunong mag excuse ? Ang bastos mo ah ?! Angil nya

Di ko sya pinansin, lumakad ako palapit at tinabig ko sya gamit ang kaliwang kamay. Bahagya syang natumba. Nakalampas na ko sa kanya, nang may maramdaman akong isang bagay na tumama sa ulo ko. Pag lingon ko'y may nakita akong nalaglag sa paa ko. Kunot noo ko itong tiningnan, at umigting ang aking panga ng makita ito. Isang napkin ! Tiningnan ko ng masama ang babae. Nakatingin din sya ng masama sakin.

Ang Mayabang Na Si Lalaki At Ang Palaban Na Si BabaeWhere stories live. Discover now