Chapter 11

14 0 0
                                    

Athena's POV

Mula nang araw na mag-krus ang landas namin ng mayabang na lalaking yon nang pumunta ako sa CR ay hindi na natapos pa ang pangbu-bully nya sakin. Well, ganun din naman ako sa kanya. Hindi ko hinahayaan na sa bawat pananakit at pangungutya nya ay hindi ako makakaganti.

Nandyan yung bubuhusan nya ako ng tubig sa canteen habang kumakain, tapos isasaboy ko naman sa mukha nya ang iniinom kong juice, softdrinks, or tubig. Nandyan yung tuwing papatirin nya ko, ay babawian ko sya ng malakas na sipa. Nandyan yung babatuhin nya ko ng pagkain o basura, pero dadampot naman ako ng mga pinagkainan ng ibang estudyante na may tira-tira pang pagkain para ipang bato rin sa kanya.

Lahat na yata ng kawalang yaan ay nagawa na namin sa isa't-isa. Peste kasi sya !

"Ano kaya mo pa ? Kung hindi na ay sumuko ka na" Hinihingal na ani ng walanghiya. Narito kami ngayon sa ilalim ng puno sa likod ng aming building. Pareho kaming hinihingal, pawis at pagod dahil katatapos lang namin magbangayan. Walang katapusang away at asaran. Nampucha ! Nakakasawa !

"Hindi pa. Kaya ko pa !" Hinihingal ma'y sinikap kong magmukhang malakas. Wala akong balak magpatalo sa kumag na'to

"Ang tibay mo talagang babae ka" napapailing ani nya

Nakita ko pa ng ihilamos nya sa kanyang mukha ang isang kamay saka tumayo at nag-umpisang maglakad

Nag angat ako ng tingin sa kanya "Saan ka pupunta ?" Nagtatakang tanong ko

"Paki mo ?" Sagot nya nang hindi ako nililingon saka nagpatuloy sa paglalakad palayo

Napabuntong hininga na lamang ako. Hanggang kailan kaya kami ganito? Wala naman kaming napapala

Nang umayos na ang aking pakiramdam ay nagpasya na akong bumalik sa room

"O kamusta pakikipagharutan mo dun kay Brinkiston ?" Tanong ni Arci ng makaupo ako sa aking upuan.

"Anong pakikipagharutan ? Tigilan mo ko bakla ! I'm not in the mood !" Asik ko

"Taray ! Kala mo talaga kinaganda nya pag-iinarte nya. If I know type mo si Travis ! tse !" Aniya sabay alis. Kepel

"Athena, eto panyo punasan mo mukha mo. Daig mo pang batang pinabayaan ng magulang sa kalye" nakangiwing ani Kyan

"Salamat ha!" Sarkastikang sambit ko

Napaayos kami ng upo ng pumasok si Mrs Pangoya

"Okay, everyone before tayo mag-umpisa sa discussion mayroon lang akong gustong i-announce." Nakangiting ani Ms Pangyoya matapos ilapag ang gamit sa table

"Narinig nyo na ba yung tungkol sa event na magaganap sa sabado?" Tanong nito

Sabay-sabay kaming sumagot ng hindi. Malay ba namin dun ? E ia-announce nya palang tsk

"Well, magkakaroon ng party."

Talaga po ma'am ? Tanong ng iba kong kklase

"Oo nga, kasasabi ko lang" nakangiti man ay tunog pamimilosopa iyo
"Pupunta kasi dito ang isa sa mga stock holder ng ating school. Gusto nyang magkaroon ng party. Parang acquaitance na rin ito.
Kaibahan nga lang hindi magkakaroon ng face of the night. Party lang talaga dahil gusto kayong makita ng isa sa mga stock holder ng school natin. May mga guest din katulad ng mga sikat na Banda. 5pm to midnight ang oras ng party na magaganap sa linggo. I hope na makapunta kayong lahat para makapag enjoy. Pwede rin kayong magkaroon ng partner nyo para makasayaw. 6 to 9 pm lang naman tutugtog ang mga banda. Pagkatapos nun ay maaari na kayong sumayaw" mahabang paliwanag nya.

Ang Mayabang Na Si Lalaki At Ang Palaban Na Si BabaeWhere stories live. Discover now