Chapter 7

2 0 0
                                    

Athena's POV

Ano na ba ang nangyayari sa panganay natin Mio ?

Dinig kong tanong ni Tita Trina kay Tito. Narito ako ngayon sa tapat ng kuwarto nila upang katukin. Nais ko sana silang tawagin para sa aming hapunan. Maaga kasi akong umuwi kanina galing school. Nadatnan ko si Tita sa sala kanina at tulala. Mukhang may malalim na iniisip at bakas sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan. Gustuhin ko man syang kausapin ay bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Isa pa, magsasabi naman ito kung talagang maaari kong malaman.

Dahil sa awa ko ay nag presinta na ako ang magluluto at maghuhugas ng plato. Sa una ay tumanggi ito subalit naging mapilit ako kaya napapapayag ko rin sya

Kakatok na sana ako ngunit narinig ko muli syang magsalita

Mio, ano bang dapat nating gawin para kay Eleazar ?

Hindi ko alam Trina. Sinubukan ko itong kausapin kanina ngunit bigla na lamang itong nagalit at nilayasan ako. Nakakabastos ngunit pinagpasensyahan ko nalang. Ayokong saktan ang anak natin'- mahabang paliwanag ni Tito

Nakaramdam ako ng lungkot sa aking mga narinig. Kaya gustohin ko man silang pakinggan pa pinili ko na lamang na umalis. Isa pa masyadong seryoso ang pinag-uusapan nila at tungkol yun sa kanilang pamilya. Pribadong isyu na nila yun. Mukhang wala din naman akong maitutulong kung sakaling makialam ako.
Kaya napag desisyunan ko munang lumabas at mag punta sa likod ng bahay.

Kung tutuusin ay malaki ang pwedeng maitayo sa lote kung saan nakatayo ang aming bahay. May malawak itong espasyo sa likuran. May mga tanim dito si Tita na iba't ibang klase ng gulay at mangilan ngilang prutas tulad ng Mangga, saging, rambutan at caimito. Mayroon din ditong maliit na kubo. Sa totoo lang ay may kaya naman talaga sina Tito at tita. Sadyang hindi lang talaga nila nais ang magkaroon ng malaking bahay. Kuntento na sila na mayroong malawak na bakuran  na maaaring pagtayuan ng bahay at maaaring taniman. Dating nagtrabaho sina tita at Tito sa ibang bansa. Anim na taon sila doon. Napag pasyahan daw nila na doon muna magtrabaho matapos nilang maka-graduate ng college. Makalipas ang anim na taon na yun ay nagpakasal sila. Matapos nun ay binili nila itong lote at pinatayuan ng bahay. Semento ang sahig nito, mula kusina at pati narin ang mga banyo. Ang iba ay gawa na sa matitibay na kahoy. Nang mabuntis si tita ay napagdesisyunan nila na tumigil na si Tita Trina sa pagttrabaho, sapagkat maselan daw ang pagbubuntis nito. Si Tito naman ay nakapag trabaho sa malaking kumpanya kaya kahit papaano ay naibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak. Isa na ako Doon.

Dalawa ang puno ng mangga dito
Magkatapat lang, sa gitna nito ay mayroong duyan. Dito ko napili na dumiretso upang magpahangin at makapag isip. Humiga ako dito nang makalapit. Ginawa kong unan ang aking mga kamay, habang naka-pang
dekwatro naman ang aking mga paa.

Sa aking mga narinig ay hindi ko maiwasang mag-alala kay kuya Eleazar. Kahit maloko ito ay mabait at mahal na mahal nya kami ni Eliza. Noong mga bata palang kami ay ito na ang aming tagapagtanggol sa tuwing may umaaway saamin. Madalas ay binibilhan nya kami ng mga pagkain. Tumutulong kay tita mag alaga sa tuwing magkakasakit kami ni Eliza. Magalang at mabait ito noon, ngunit nakakalungkot isipin ng simula ng ito'y tumungtong sa Grade 8 ay nagbago ito. Nabarkada, natutong magbisyo tulad ng alak at sigarilyo. Umaga na kung minsan umuwi. Kapag pinapagalitan ito nila Tito at tita ay sumasagot na ito ng pabalang. Mabait at maayos parin naman ang pakikitungo nito saamin ni Eliza, ang kaso ay bihira na nga lang namin itong makasama. Dahil bukod sa busy kami sa pag-aaral ni Eliza, busy naman sya sa pakikipag barkada. Pati ang pag-aaral ay napapabayaan na nya.

Habang inaalala ko ang mga nakaraan namin ng mga bata pa kami, naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking kabilang pisngi. Pinunasan ko ito at saka tumayo.

Ang Mayabang Na Si Lalaki At Ang Palaban Na Si BabaeWhere stories live. Discover now