Integral
Nagising ako sa isang madilim at mabahong abandonadong gusali. Teka, bakit nga ba ako nadito? Ah tama, yung pagsubok.
Akmang tatayo na ako sa pagkakahiga, ng diko maigalaw ang kamay ko. Shit. Ano 'to? posas? Paano ako makakaalis dito? Putragis.
Mali yata ako ng pinasok na laro. No. Hindi ito laro. Hindi ito biro.
Iniikot ko ang paningin ko at nagbakasakaling may makikitang ibang tao o kahit gamit man lang na maaaring makatulong sa akin.
Makalipas ang ilang segundo, wala akong ibang nakita. Puta. Anong gagawin ko dito? Tutunganga hanggang mamatay? Aba hindi pwede yan. Marami pa akong pangarap!
"Aray! Putragis!" Ano ba naman yun. Ang sakit ng pwet ko. Putragis kang langgam ka.
Tumayo ako para kamutin ang pwet ko. Kamot. Kamot. Kamot. Ahh heaven.
Teka, kanina pa bang may papel dito? May papel akong nakita sa kaninang inuupuan ko.
Kinuha ko ito gamit ang pareho kong kamay nang may nakita din akong lapis malapit dito. Kaya kinuha kona din.
Teka, baka ito ang makakatulong sakin para makalabas! Binuklat ko ang papel at sulat na nakaimprenta sa kulay itim ang sumalubong sa akin.
"Take a look at your handcuff if you wanna be free"
Take a look at my handcuff?
Tinignan ko nga ang posas na nakakabit sa akin. Tiningnan ko ito at umasang makakalabas sa lugar na ito.
Limang minuto na yata akong nakatitig dito ngunit walang nangyayari. Pinaglololoko yata ako ng sulat na ito. Sabi, take a look. Ginawa ko naman pero walang nangyayari.
Teka, baka naman may kailangan pa akong gawin? For the nth time tiningnan ko ang posas at sinuring mabuti.
Mukha namang walang kakaiba sa posas na ito maliban nalang sa~
Kinuha ko ang lapis at nilagyan ko ng shade ang isang part ng posas para mabasa ko ng malinaw ang nakasulat dito. Then, yun! naging readable ang hidden message kunno.
"Say the 'magic word'"
Say the magic word?
Ano ba ang magic word? Thankyou? Please? Love? Math? Science? God?
"Thank you!" I shouted
But nothing happens. Putragis baka "please"!
"Please?" I asked loudly
Wala na namang nangyari. Eh ano? Baka naman God? Try
"God"
Wala pa ding nangyayari. Eh ano ba kase? Di naman ako magaling sa ganyang mga english-english eh.
"Hoy kung sino ka man! Ano ba ang magic word?!" Sumigaw ako ngunit walang sumagot.
Maya maya pa ay natanggal ng kusa ang posas. Nagkaroon ng liwanag. Umaliwalas ang paligid. At lumabas ang hologram kasama ang mga sulat.
"Congratulations Prince Integral! You are now enrolled at MS University!"
"By the way, regarding the riddle. The magic word is "magic word". Remember the letter on the handcuff? Say the 'magic word'."
#
YOU ARE READING
Android 3.14
Science FictionJoin Prince Integral Calcue and the Elite10 in their journey as they find the long lost robot of MS Univesity! Robot name: Android 3.14 Clue: Man but not human Trivia #1: The robot look exactly like a real human. Trivia #2: It has heart and brain...