Integral
Putragis! Isa isang nagsilabasan ang pitong tao matapos ang hindi kalakasang pagsabog. Soot soot nila ang mask na tumatakip sa kanilang buong mukha. Para silang ninja, may mga dalang patalim, may baril at kung ano ano pang mga weapons na maaaring makapatay ng tao.
Teka, pano sila nakapasok dito? Sa pagkakaalam ko ay malakas ang security ng eskwelahang ito. Maraming cctv cameras and guards na nagiikot.
Tumira na naman ang isa sa kanila kaya agad akong dumapa at gumapang. Hindi pwede ito! Pito sila at dalwa lang kami, diko pa sigurado kung kaya bang lumaban ni Prob.
Kung sisigaw naman ako, walang makakarinig. At kung may makakarinig man, malalagot kami nito dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng dorm sa ganitong oras. Tsk mukhang wala akong choice kundi lumaban. Bahala na!
Luminga linga ako sa paligid at naghanap ng maaari kong magamit panlaban. I saw a metal rod kaya agad ko itong kinuha. Bahala na, it's now or never.
Tinignan ko naman si Prob sa kabilang gilid and there I saw him holding a gun, may benda na rin ang braso niyang may daplis. How did he do that?
Tumingin naman siya sa akin at sumenyas na sumugod na ako. Sa kabilang banda naman ay walang tigil ang papapaputok ng mga ninja kunno sa direksyon namin. Hindi ba nauubos ang bala nila? Bahala na. Sugod!
Tumingin ulit ako kay Prob na handa na ring sumugod. "Cover me!" Halos pasigaw na sabi ko sa kanya. Hindi naman ako natatakot dahil may ibubuga din naman ako pagdating sa combat fight.
"Go!" Sigaw niya at sabay kaming lumabas sa aming mga pinagtataguan.
Pinaulanan niya ng putok ang mga kalaban kaya medyo nadistract sila. Samantalang dali dali naman akong kumilos papalapit sa kanila para makagawa kaagad ng atake.
Nangmakalapit ako ay agad kong iwinasiwas ang hawak kong metal rod. Ang mga kamay nila ang inasinta ko para mabitawan nila ang mga hawak nilang sandata samantalang nakalapit narin naman si Prob sa amin.
Mukhang naubos na rin yata ang bala niya kaya nakikipag one on one na siya sa isa sa mga kalaban. Sino ba ang mga hinayupak na ito? Basta basta nalang namamaril. Putragis!
Dahil nakuha ni Prob at ng kalaban niya ang atensyon ko, nagkaroon ng pagkakataon ang kalaban na masipa ang kamay ko at matapon ang metal rod na hawak ko.
Wala na. Man to man fight na din ito. Lumapit ang dalawa pa kay Prob kaya ngayon ay tatlo na ang kalaban niya samantalang sa akin ang natitirang apat. Fight!
Ipinikit ko ang mata ko at kinalkula ang aking mga gagawin. Apat na kalaban, tapos kayo in 3 minutes and 25 seconds.
Dali dali akong sumugod sa isa na sa tingin ko ay pinakamahina sa kanila. Inipon ko ang lakas ko at sinuntok siya ng malakas sa mukha. Sinigurado ko na makakatulog ito. And boom! One down.
Sabay sabay naman sumugod sa akin ang tatlo pang natitira. Sa loob ng isang minuto ay puro iwas lang ang ginagawa ko. Sige lang, uubusin ko muna ang lakas niyo.
Nang makahanap ako ng tyempo ay sinuntok ko ang isa sa sikmura kaya napaluhod siya sa sakit. Kinuha kona ang pagkakataong ito para bigyan siya ng isang super kick sa kanyang leeg. Two down, two more!
Sabay ko silang sumugod sa akin kaya sinipa ko sa tuhod ang isa para mapalayo sa akin. Sa tingin ko ay babae ang nasipa kong yun.
Kinuha ko naman ang pagkakataong ito para lapitan ang isa pa. Tama na sayo ang isang Attitude Adjustment ni John Cena. Nang susugod na ito ay nagbaligtad kami ng position dahilan para makakuha ako ng pagkakataon para mabuhat siya. Hindi na ako nagaksaya pa ng panahon at agad kong ibinalibag ang taong ito.
Isa nalang ang natitira. Sumulyap ako kina Prob at isa na rin lang ang kalaban niya. Tapusin na natin 'to!
Agad akong lumapit sa natitira pang isa at hinawakan ang leeg niya.
"Sino kayo?" Tanong ko dito ngunit isang malamig na tingin lang ang natanggap ko sa kanya. Babae nga ang isang ito.
Mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa leeg niya. "Sinong nag utos sa inyo nito? Bakit?" Tanong ko ulit at mas hinigpitan pa ang pagkakasakal.
Halatang nahihirapan na siya pero wala siyang ginagawa. Tumitig pa siya sa akin at walang ano ano'y tinabig niya ang kamay ko pababa.
Parehong nanlaki ang mata namin sa kung saan napunta ang kamay ko. Nawala ako sa sarili ko at tila namanhid ang buo kong katawan.
"Aray!" Putragis! Masakit ang sampal pero tulala pa rin ako.
"Aray putragis! Bakit ka nambabatok?!" Sigaw na tanong ko kay Prob na bigla bigla nalang nambabatok.
"Kanina ka pang tulala diyan! Kito mo nakatakas na ang kalaban" sumbat naman niya
"Eh ganon?" Tanong ko at nag unat ng katawan.
"Oo ganon! Teka bakit kaba sinampal ng ninja na yun?" Tanong niya.
Bigla naman naging hyper ang isang 'to. Parang kanina langa ay mangiyak ngiyak na nagkukwento sa akin.
"Prob, nakahawak ako ng hinaharap"
"Hinaharap? You mean..." minustra pa niya sabay tawa ng malakas nung tumango ako.
"Oh? Eh ano naman? Kaya ba sinampal ka niya?" Tanong niya at tumawa na naman. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Bakit ka tumatawa? Hindi mo ba naiintindihan? Nakahawak ako ng hinaharap Prob! Hinaharap ng babae!" Pasigaw ko sa kanya. Nakakainis ang isang ito
"Syempre naiintindihan kita! Kaya lang, anong issue mo dun? Ngayon ka lang ba nakahawak nun?" Tawa pa rin siya ng tawa
"Oo" inosenteng sagot ko kaya naman tumawa na naman siya ng pagkakalakas lakas.
"Mukhang marami akong dapat ituro sa'yo Integral..." at ngumisi na naman siya na parang aso. Ano na naman kaya ang pinagsasasabi niya.
"Mabuti pa ay magpahinga nalang tayo! Tara na sa dorm" yaya ko sa kanya. Lumalalim na rin ang gabi, may pasok pa kami bukas.
***
Dahan dahan akong pumasok sa aking kwarto para hindi na ako makaabala pa sa kambal. Humiga ako sa kama at handa nang patayin ang lamp shade ng may mapansin akong isang papel na nakapatong sa tabi nito.
Hindi naman ako bobo para hindi maisip kung ano yun. Kaya agad ko itong kinuha at binuklat. Nagulat ako sa aking nabasa at naalala ang nangyari kani-kanina lang.
Integral,
Congratulations! You are now part of the Elite 10 Special Force. See you tomorrow at Elite House behind the Admin Building, after class. Goodnight!
Elite 10 SF Adviser,
Mr. Mariano Sur#
YOU ARE READING
Android 3.14
Science FictionJoin Prince Integral Calcue and the Elite10 in their journey as they find the long lost robot of MS Univesity! Robot name: Android 3.14 Clue: Man but not human Trivia #1: The robot look exactly like a real human. Trivia #2: It has heart and brain...