Integral
Shet putragis! Ang sakit ng ulo ko! Anong klaseng alak ba ang pinainom sa akin ni Prob?
Nalulula akong bumangon sa aking pagkakahiga at tinatamad na nag ayos para pumasok.
Arrrggg putrageez! Paglabas na paglabas ko ng aking kwarto ay nabungaran ko si Recess na nakapikit habang naghihintay kay Lunch. Kapansin pansin dito ang pasa sa kanyang panga. Saan naman niya nakuha ang mga pasang yan?
"Wha'ts with that face?" I asked him at nakuha ko ang atensiyon niya.
"Nah nothing, nauntog lang" he answered. Lame excuse dude
Hindi na lang ako umiik pa at umupo nalang din sa isang sofa katapat ng inuupuan niya.
Maya maya pa ay lumabas na ng kwarto niya si Lunch na iika-ikang maglakad. What's with this twin?
"Recess has a bruise on his face and it seems na para kang nabugbog the way you walked. What happened to you?" I asked Lunch as soon as he step on the livingroom.
"Nah my body hurts. Nangalay yata sa pagtulog ko" again lame excuse.
Ano kayang pinaggagawa ng dalawang ito nang umalis sila kahapon. Ang sabi nila ay may bibilhin lang daw sila. Tapos ngayon ay parang may kung anong nangyari sa kambal na'to! Anyway, kung ano man ang meron sa kanila, that's out of my business.
Naglalakad na kami sa hallway nang makita ko si Prob na naglalakad din papunta sa aming classroom. Tinawag ko siya para naman may kasabay siya paglalakad.
"Prob!" Tawag ko dito kaya tumigil siya hanggang marating namin ang kaniyang pwesto.
"Friends na kayo? Kailan pa?" Tanong ni Lunch sa akin na para bang nagulat pa. Pero si Recess naman ay nanatiling tahimik lang at nakikinig.
"Oo, kagabi lang" casual na sagot ko
Habang naglalakad kami sa hallway ay kapansin pansin ang mga tingin na ipinupukol sa amin ng mga tao- lalo na ang mga girls.
Tinignan ko isa isa ang mga kasama ko para icheck ang kanilang mga mukha at damit. Wala namang dumi sa kanila, maliban nalang sa pasa ni Recess. Baka naman sakin sila tumitingin kase ako ang may dumi.
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko
Umiling lang naman ang tatlo.
"Eh muta? May muta ba ako?" Tanong ko ulit
Tumingin sila sa akin at umiling ulit.
"Eh kanino tumitingin ang girls? Wala naman kayong dumi sa mukha, wala rin naman ako" inosenteng tanong ko at nagisip.
"Alam mo Integral, minsan iniisip ko na ngayon ka lang nakalabas sa earth. Matalino ka kaya lang masyado kang inosente" prangkang sabi sa akin ni Recess.
"Teka may mali ba sa nasabi ko? Di niyo naman sinagot eh!"
Sabay sabay lang silang tumawa bago kami pumasok sa classroom.
Hindi ko talaga maintindihan
***
Tapos na ang klase namin kaya babalik na ako mag isa sa dorm. Wala din naman akong gagawin
Nagpaalam na naman ang kambal na may pupuntahan sila. Si Prob naman ay may importante daw gagawin. Kaya eto ako at magisang naglalakad pauwi sa dorm.
Ngayon ko lang napansin na makulimlim ang panahon. Madilim ang langit at nagbabadyang umulan. Kaya nagmadali ako sa paglalak~
"Shit/Putragis" sabay naming mura ng babaeng nabunggo ko. Napaka cliché naman ng pangyayaring ito. Ang kaibahan nga lang ay mga laboratory equipments ang dala dala niya na ngayon ay nasa lupa na.
YOU ARE READING
Android 3.14
Ficção CientíficaJoin Prince Integral Calcue and the Elite10 in their journey as they find the long lost robot of MS Univesity! Robot name: Android 3.14 Clue: Man but not human Trivia #1: The robot look exactly like a real human. Trivia #2: It has heart and brain...