Chapter 7: P.E. Class

26 4 0
                                    

Integral

It's Thursday! It was two days ago nung nangyari ang acquaintance party and also the intruders who crash the party, the reapers.

We found out na ang mga yun ay personal reapers ng isa sa mga kalaban ni Mr. MS sa negosyo and sa personal na buhay niya.

Kaya ngayon ay parang nadagdagan ang tungkulin namin bilang Elite. Kailangan naming doblehin ang security ng university and also dapat ay lagi kaming maging handa sa lahat ng oras.

After that incident ay nagkaroon kami ng meeting together with Mr. MS at dun nga niya sinabi ang mga dagdag sa tungkulin namin.

Inilabas din ni Giga the assuming girl
ang ilan sa mga inventions niyang destructive and self-defense gadgets na maaaring makatulong sa amin incase na may umatake na naman sa amin.

Among her inventions, the wallet revolver got my attention. It is a mini gun na naka-shape into a small size wallet. So kung titignan mo siya, wallet lang siya but when you manipulate it and binukasan mo magiging small revolver.

Narito kami ngayon sa aming classroom at naghihintay ng Professor. PE namin ngayon at hindi namin alam kung anong gagawin kaya hindi muna kami nagbihis ng PE Uniforms namin.

"Ok Good afternoon class! Change your clothes, swimming class tayo ngayon!" Galit na sigaw ng aming instructor/prof

What's with this guy? Late na nga, siya pa ang galit. Wait, did he say swimming kami ngayon? No. Ayoko sa tubig! I raised my hand, magbabakasakali na may iba pang paraan para hindi ako maka-tubog sa tubig.

"Yes?" Tila pikon na tanong niya. Seriously, pinaglihi ba siya sa sama ng loob?

"May iba pa po bang way para maka-attend pa rin sa PE Class natin? I can't swim po, I have a phobia" I said. I hope na meron pa. Maayos naman ang pagkakasabi ko kahit pa hindi ganun kagandahan ang pinakikita niyang ugali.

"Yes" sagot niya na ikinatuwa ko.

"What should I do Sir?" I asked

Ngayon ko lang napansin na nakuha na pala namin ang atensiyon ng buong klase.

Some saying na of course pagbibigyan niya ako ni sir dahil member ako ng Elite 10. You know, perks of being a member of that special force

On the other hand naman, they say na dapat ay hindi nalang ako nagsalita or umattend. Wala daw sinasanto ang instructor na ito. Kahit pa daw anak ng Presindente ng Pilipinas ay kaya nitong pahirapan

"Give me 30 push ups" he instructed

My classmates gasp when they hear that. Ok lang naman sakin hindi naman mahirap ang 30 push ups.

"Ok sir~"

Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Square it" he said. Lalo namang nagulat at mas lumakas ang bulungan ng aking mga kaklase

"You mean, 30 squared or 900 push ups in all?" I asked pero ganun parin ang tono ng boses ko. I am not surprise at all.

"Yes. Hindi porket member ka ng Elite 10 ay hindi na kita pahihirapan at basta basta lang kita igagalang. You have to earn my respect first" he said still raising his eyebrow.

"Ok sir got it"

Mas lalo namang nagulat ang mga kaklase ko sa aking sinagot. What did they expect? Magcocomplain ako? Masunurin naman akong bata.

***

Nasa locker room kami ng komprontahin ako ng kambal.

"Integral! Are you insane? 900 push ups? If I were you lulubog nalang ako sa pool kesa mag push up" its Recess.

Android 3.14Where stories live. Discover now