Chapter 3: Prob, my friend

36 4 4
                                    

Integral

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ng isa kong kaklase kanina- si Prob.

Sa kabila ng mga mabubuting nangyayari sa mundo, mayroon pa rin palang taong hindi naniniwala sa Diyos. Ang akala ko, lahat ng tao ay naniniwala sa Diyos kahit pa iba iba sila ng relihiyon. Although may iba ibang paniniwala at kultura, sa Diyos pa rin naman nakasentro ang lahat.

Pero iba ang isang ito. Hindi talaga siya naniniwala sa Diyos! Oh baka naman sinabi lang niya iyon pero sa puso niya nandoon pa rin ang Diyos.

Pagpasok namin sa luncheonette ng school ay maingay na mga estudyante ang sumalubong sa amin. Pumila ang kambal para bumili ng pagkain namin at ako naman ay naghanap ng mauupoan.

Luminga linga ako at nakita ko na bakante ang isang table sa may dulong bahagi kaya dali dali akong nagtungo dito. Mahirap na baka maunahan pa kung magpapabagal bagal pa ako.

Akmang uupo na ako ng may magpatong ng pagkain ng tray sa lamesa. Bahagya pa akong nagulat ng masilayan ko ang mukha ng taong may dala ng tray.

Si Prob.

Umupo na siya at nagsimula nang kumain na para bang hindi niya ako inagawan ng table. Anong problema nito?

Hindi ako pala away pero naiinis ako sa isang ito! Kung may problema siya wag na siyang mandamay. Aba putragis siya.

Susumbatan kona sana siya ng biglang sumagi sa isip ko ang paalala sa akin palagi ni Daddy. Kalma. Think before you speak. Kalma.

Inisip kona lang na mas makakabuti kung hindi ako iimik. Kailangan intindihin kona lang siya. Ganyan naman talaga dapat. Tama na magprotesta ako, pero mabuti na manahimik nalang. Hindi lahat ng tama ay mabuti. Sa lahat ng pagkakataon, ang dapat kong piliin ay ang mabuti at naaayon sa Diyos.

Ngumiti nalang ako ng wala sa sarili. Maya maya pa ay tumayo na ang mga kumakain sa katabing table kaya naman dun nalang ako nagpunta.

Tingnan mo nga naman, napakabuti ng Diyos! Siguro kung pinili ko ang magprotesta at awayin si Prob ay baka may nangyari pang hindi maganda.

Lumipas ng ilang minuto at dumating na ang kambal dala dala ang hindi karamihang pagkain.

"Tara na! Chibugan na" gutom na gutom na sabi ni Lunch. Napailing nalang ako sa pagka-isip bata nito.

'Lord God salamat po sa pagkain' sabi ko sa sarili ko bago sinimulan ang pagkain.

***

"Ok that's all for today class! Goodbye" Paalam ng guro namin sa History. Hapon na at ito ang huli naming klase sa araw na ito. Hindi naman nakakapagod ang unang araw ko sa klase. Medyo boring dahil puro pagpapakilala- either sa topics or sa mga sarili namin.

Around three oclock palang ng hapon kaya may time kami para sa ibang gawain. Nagpaalam sa akin ang kambal na lalabas lang daw sila ng school para bumili ng-diko maalala kung ano.

Nagisip ako ng pupwede kong gawin sa natitirang mga oras bago mag gabi. Siguro ay maglilibot libot nalang ako sa campus. Hindi ko pa din naman kabisado ang lugar na ito.

Paglabas ko ng dorm ay hinayaan ko lang ang paa ko kung saan ako dalhin. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ako sa mini park. Ano naman gagawin ko dito?

Medyo naaalibadbaran ako sa lugar na ito dahil puro mga magkasintahan ang naririto. I only look at them innocently. Sometimes I wonder what is the feeling of being inlove. And I think,- nevermind.

Muli ay naglakad na naman ako ng naglakad. Sa aking paglalakad ay may nadadaanan akong mga girls na tumitingin sakin. Bigla naman akong naconscious at nagisip ng mga possible reasons kung bakit sila tumitingin sakin.

Android 3.14Where stories live. Discover now