01

8 2 0
                                    

"Nana! Woyyy! Si Boni oh tsaka si Kyla!" Sigaw ni Dianne

Agad akong tumigil sa pag susulat ng notes para sa Entrep class ko ata tumungo sa pintuan sa harap na malapit sa black board. Medyo chismosa din ako e



"Saan?"


"Tangek ayun oh!" Itinuro n'ya ang hagdan papunta sa library


"Nako pows! Mukhang may iiyak mamaya" natatawa kong sabi

"Depungal talaga to si Boni, alam n'ya naman na niloloko s'ya nitong si Kyla sigi padin s'ya e" inis na sabi ni Dianne


"Hayaan mona, kesa naman si lele ang lokohin nitong si Boni diba?"


"'Di naman talaga man loloko 'tong si Boni e" sabi nya at umayos ng pag kakatayo "nadala lang siguro ng mga ex n'ya, lam mona" sabi nya at nag lakad pabalik sa upuan n'ya


"Sus wag nga ako! Di porke niloko ka ng mga ex mo mag loloko kana den!" Sabi ko habang tuloy ang pag sunod sakanya



"Si kyla talaga ang manloloko teh" sabi ni Dianne at umupo sa upuan n'ya



Nag kibit balikat na lamang ako at umupo na din sa kinauupuan ko. Kahit naman anong sabihin nitong si Dianne manloloko padin si Boni, biruin mo last last year pinag sabay dalawang jowa napaka lupet, tapos noong lumipat dito ayon tinamaan kay Kyla. Di ko naman masisi kasi may itsura si Kyla, maputi at makinis tapos may kurba kahit sinong lalaki gugustuhin s'ya noh.



Nag patuloy ako sa pag susulat ng notes, pag tapos ng recess ay Entrep class ko na. Kaya nag kahiwa hiwalay kami sila Dianne at sa main building habang sila Leah naman ay nasa katabing room ko lang.




Nakikinig ako ng mabuti sa teacher ko sa Entrep, kasi bukod sa bago s'ya, maganda din s'ya at ma-bait. Tsaka gusto ko manatili yung best in Entrep at Outstanding kemerut sa akin. Taray parang title holder tuloy ako Ms. Universe lang ang peg.


"Pst!"


Napatingin ako sa likod na pintuan, nakita ko sila Dianne at Leah na may hawak ng ice candy. Sinenyasan pa ko ng mga demonyo na lumabas, ako naman 'tong si timang nag paalam kaagad ako na mag c-cr lang pero sa canteen talaga ang punta.

"Demonyo kayo!" natatawang sabi ko habang nag  kami sa path way

"Masarap Ice Candy ngayon!" Sabi ni Leah

"Lahat naman masarap sayo" pang aasar naman ni Dianne


"Wala kayong klase?" Tanong ko


Tatlo kaming naka hilera, si Dianne Leah at ako. Sinakop na namin halos ang Path way para kaming mga dambuhalang siga dito.


"Kami wala, may pinuntahan si sir pogi" sagot ni Dianne habang kumakain ng ice candy


"Meron kaming klase, kaso etong pasimuno sinundo ako" sagot ni leah


"Kami din meron"



"Alam namin Nana at walang nag tanong!" Pang aasar na sagot ni lele at sabay pang tumakbo ang dalawa



Bumili kami ng ice candy at tumambay sa ilalim ng Sampalok na may pa-mini library pero wala namang libro. Sayang pera nila pag papagawa eh. Umopo kami ng paharap sa Canteen at pinag mamasdan ang bawat estudyante na bumibili. Konti lang naman sila madalas mga Cutting students pa kaya kami dito na nakaupo mapapansin agad kami na Cutting dahil wala pang bell at dapat lahat ng Estudyante nasa kani-kanilang mga silid sa mga oras na ito.


Night SkyWhere stories live. Discover now