Mabilis lumipas ang araw, biyernes na at huling koleksyon ko 'to ngayon para sa Math Camp. Kailangan ko din umuwi ng ma-aga para mag ayos dahil kaarawan na ni Shelah ngayon.
"Nana!" Tawag ni Ian saakin habang palabas ako ng sophomore building
"Tara kain" aya ni Lele
Dumeretso kami sa Canteen at bumili ng makakain, dahil wala yung palitaw na paborito ko bumili nalang ako ng biscuit. Umupo kami sa bench malapit sa court kasi gusto silayan ni Lele yung crush nya na senior. Nakikipag laro ng Basketball ang mga kaklase namin sa senior high kaya eto namang loka titig na titig sa crush n'ya.
"Matutunaw na yan" puna ko
"Galing humawal ng ball ih" pabebeng sabi ni Lele
Abala kaming dalawa ni Lele sa panonood ng game habang si Ian natuon ang atensyon sa Cellphone. Nakita kong pumasok yung bola na tinira ng crush ni Lele kaya bahagya akong napa palakpak. Usually paramihan kami ng chance kasi naniniwala ako sa kasabihan na 'Dapat madami para more chances of winning '.
"Ay di kona pala s'ya crush" rinig kong bulong ni Lele nang pumasok si Boni sa Court at nag simulang mag laro
"Malanding to!" Sabi ko at isang tawa ang pinakawalan
Maganda ang laro, parehong magaling ang mag kabilang grupo kaso mas maganda kung nag lalaro din si Rey kasi malakas yon sa bola, ako nga nabobola nya e. Char lang wamport
"Napaka harot e!" rinig ko reklamo ni Ian
"Hoy cellphone ka ng cellphone jan! Andon na crush ko oh! Galing galing talaga bibi" kinikilig na sabi ni Leah
"Ang landi kasi nitong si Julian e" inis na sabi ni Ian "tamo tumatawag pa!" Dagdag nito
"Sagutin mo!" Sabi ni Leah
"Ay oo nga! Tas nana kunyare ako ikaw!" Nakangising sabi ni Ian
"Teka wa---" pinutol ni ian ang sasabihin ko nang agad n'yang takpan ang bibig ko
[Wazap!] Maligayang bati ng lalaki
"Oh bakit nanaman? Depungal to sabi ko mauubos load ko!" Inis na bungad ni Ian
[Hahaha sandali lang naman gusto ko lang marinig boses mo yieee] pang aasar ng lalaki sa kabilang linya
"Kadiri ka tange!" Inis na sabi ni ian
Sinenyasan bi Lele si Ian at agad inaabot sa tenga ko ang cellphone, panay ang iwas ko.
"Baliw kayo!" Bulong ko, habang si Leah hawak ang dalawa kong kamay pinipigilan para hindi ko maitulak palayo ang cellphone
"Dali sayang load ko!" Bulong pabalik ni Ian at inilagay sa tenga ko ang Cellphone
Tinanggap ko ang tawag dahil mapilit ang dalawa, narinig kong nag kukwento ang lalaki sa kabilang linya. Umiiling ako kay Leah dahil ayaw ko talaga pero mapili sila, nilagay pa ni Ian sa loud speaker ang call para marinig din nila.
[Dianne?] Tawag ng lalaki sa kabilang linya. Tinitigan ko muna si Leah bago mag salita
"Hi!" Bati ko
[Ay! Hahahaha akala ko walang signal sayo, mahirap kasi tumawag pag messenger e putol-putol] maligayang sabi ng lalaki
"Ah ganon ba" sagot ko
Biglang tumahimik sa kabilang linya kaya bahagyang nag taka si Ian " oh ian,wala na pinatay na ata---" hindi ako natapos sa pag sasalita ng nag salita muli ang lalaki
YOU ARE READING
Night Sky
RomanceIsang Julian Caparas ang naniniwala na ang tadhana ang gumagawa at oras ang pumapatay. Walang nag mamahal ang 'di nasasaktan at walang nasasaktan ang 'di nag mamahal.