03

2 2 0
                                    

Kumain kami ni Rey ng street food, mabilis lang ang naging meeting namin para math camp meron pa namang susunod na meeting pero as much as possible daw bilisan ang kilos kasi kami din ang mag iisip ng mga gagawin ng student para sa math camp.




Nasa harap lang ng school naka hilera ang mga street food, kaunyi nalang ang mga estudyante dahil kanina pa ang uwian. Lumapit kami sa nag titinda ng chicken balls, kanina pa n'ya ko kinukulit na pumili ng kakainin ko kasi ang kinakain nya ay baga hindi naman ako kumakain non dahil mukha namang hindi 'yon laman.


"Ilan sayo?"

"Pwede bente?"


"Dami naman! Lima lang" pabiro nyang sabi


Agad kong tinusok ng stick sa tagiliran si Rey, "saan aabot ang limang piraso ha? Hanggang lalamunan ko lang yon!" Reklamo ko sakanya



Bumili kamg ng chicken balls, kikyam, kwekwek, baga at palamig. Umupo kami sa waitingshed kung saan madalas nag hihintay ang mga students, halos wala na ding mga students dahil late na at kanina pa ang uwian. Dalawa nalang kami ni Rey na nakaupo, itinaas ko ang paa ko at nag indian seat sa upuan sa may Waitingshed. Nakarap ako sakanya at nilagay ko ang bag ko sa lap ko para di n'ya ko masilipan. Nilapag namin ang mga binili namin, mukhang hepa ang aabutin ko dito sa ginagawa namin.



"Rey, anong oras ka uuwi?" Tanong ko habang kumakain ng chicken balls na binili n'ya, sinaniban ata to ng mabuting espiritu kaya naisipang manlibre

"Ewan ko, kung anong oras mo ko pauuwiin?" Tanong nya at bagangang tinaas ang kilay nya, nakatingin lang sya sa mga pag kain na binili n'ya

"Masarap 'to try mo!" Maligaya kong sabi at pilit na sinusubuan s'ya ng chicken balls


"Ano ba 'yan!" Sabi nya habang iniiwas ang mukha sa stick ko "puro lang naman harina yan e!" Reklamo n'ya


"Tilman dali, nangangalay ako! Bilis!" Inis na sabi ko

Tinitigan pa ko at hinawakan ang kamay ko at inilapit sa bibig nya para uminom ng suka ng Chicken balls saka n'ya kinain ang nasa stick ko.


"Tangina!" Inis na sabi n'ya "harina tapos buto? Sarap na sarap kana dito?" Reklamo pa n'ya na nag painit ng ulo ko

"Walanya to ang sarap kaya ng chicken balls!" Sigaw ko "lalao na yung suka! Kaya wag na wag mong minamaliit yan! Paborito ko yan!" Inis kong sabi


Tinatawanan lang n'ya ako. Tinapos namin ang pag kain saka ako nag decide na umuwi na dahil gabi na rin at paniguradong papagalitan ako ng mama ko kahit jan lang ako sa may kanto.



Pag kauwi ng bahay walang tao, kahit si Lance lumabas din ata. Nag punta ako sa kwarto para mag bihis, kinalat ko yung schedule plan para sa math camp at mga student list sa sahig para sana mag simula na kaso nagugutom pa ko kaya naisip kong lumabas para bumili ng barbeque kila aling nene para narin ulamin nila mama sa dinner. Kumuha ako ng isabg daan sa wallet ko, bago ako lumabas chineck ko muna kung may kanin ba.


"Anak ng tipaklong!" Gulat na sabi ko nang makita ko ang kapatid na pumasok sa pinto

Tinitigan n'ya lang ako at pumasok na sa kwarto, naka uniform pa s'ya kaya halatang galing sa school. Bumili ako ng barbeque at saktong pag uwi ko nakadating si mama. Kumain kami ng dinner at ng matapos pumasok ako sa kwarto para ayusin ang schedule plan. Nag post nadin ako sa group ng school about sa detail ng math camp. Ang aayusin ko nalang ay ang pera at mga grupo ng sophomore.


Maaga akong pumasok nag text na din ako kay Dion na wag na kong sabayan kasj may aasikasuhin pa ko, pumunta ako sa building ng sophomores at nag pin sa information  board nila ng detail about sa math camp. Bumalik aki sa room para uminom ng tubig nakita ko si lele sa may gilid kasama si Boni, medyo naintriga ako kaya agad na hinanap ng mata ko si ian kaso wala pa, late nanaman walang bago.


Night SkyWhere stories live. Discover now