Ngayong araw sinundo ako ni Dion sa bahay, binilisan ko ang pag kain dahil nakakahiya naman sakanya.
"Walang bebe?" Bungad kong tanong
"Wala, buntis" natatawang sabi n'ya
"Siraulo ka talaga"
Sa kala gitnaan ng kuwentuhan namin habang nag lalakad, hinalungkat nya ang bag nya at inabot saakin ang tubigan ko.
"Nakalimutan kong ibalik sayo kahapon" sabi nito habang kinakamot ang ulo
"Teka saan mo nakita?" Kuryoso kong tanong
"Sa library?" Sagot nya
"Akala ko natapon na ng mga tagalinis. Salamat" sabi ko at inilagay ang tubigan sa bag
Busy ang mga estudyante ngayon dahil sa malapit na ang finals plus may practice pa ng sayaw para sa Juniors Night, malapit lapit na din yon.
"Pila na sa labas!" Sigaw ni Cristobal dahil s'ya raw ang mag tuturo ng sayaw para sa Junior Night
Pumila ang lahat ng babae katulad ng sabi ni Cristobal, apat na linya ng mga babae ang nakapila. Nasa ika apat akong linya bandang dulo si Ian sa pangalawang linya at si lele nan sa Pangatlo, pare parehas sin kaming sa dulo.
"Lapitan n'yo mga gusto nyong partneran!" Sigaw ni tobal sa boys
"Paano pag ibang section?" Tanong ni Boni at agad namang binato ng sapatos ni tobal
"Joke lang Master" natatawang tanong nito
Pumunta na ang mga lalaki sa mga gusto nilang partner-an, may mga nag aaway pa dahil parehong gusto partner-an yung isa tapos may mga walang partner at nag iinarte naman ang mga lalaki. Pero dahil nag kagulo si Cristobal nalang ang pumili kung sino ang mag ka-kapartner.
Sa kasamaang palad si Jordan ang naging partner ko, si Rey ay nasa likod ko ang partner n'ya ay si Christine. Nakakasama talaga ng loob si Cristobal sarap ibato.
Nag simula na ang sayawan, paminsan minsan pag nag aaway sila Rose at Mark dahil sila ang mag partner nilala pitan ako ni Mark at saakin nakikipag sayaw. Rey di ba kayo mag kaka problema ni Christine jan? Cheret
Bagaman palipat lipat kami ng place ng pag pa-practice-san dahil sa mga estudyante, natapos naman namin ng maayos ang sayaw namin. Meron pang last practice mamayang lunch time at this time sa tapat na ng sampaloc tree.
"Nana, ang kulit ni Mark palit nalang tayo" reklamo ni Lele habang nakaupo kami sa bench sa tapat ng court
"Ayoko, gusto ko si Rey" natatawang biro ko
"Sus mas ok ka-partner si Boni, ayaw mo makipag palit saakin?" Nakangising tanong ni Ian kay Lele
"Ayoko ko" tipid na sagot ni Lele
Nang matapos na ang lahat sa pag kain ng Lunch dumeretso na agad sa ilalim ng sampaloc at pumila. Nasa gilid ako ng mini library ng sampaloc nakapila, at this time wala si Jordan hindi nila alam kung saan pumunta kaya para akong tanga na sumasayaw mag isa.
Mabilis natapos ang practice pero yung galit ko kay Jordan hindi, lumandi lang pala sa mga 1st year kaya di na sumipot sa practice. Maaga ang uwian dahil kailangan pa mag ayos ng mga teacher para sa finals this coming friday.
YOU ARE READING
Night Sky
RomanceIsang Julian Caparas ang naniniwala na ang tadhana ang gumagawa at oras ang pumapatay. Walang nag mamahal ang 'di nasasaktan at walang nasasaktan ang 'di nag mamahal.