Dali dali akong pumasok sa suit namin, si Shelah kumakain kasa si Cristobal. Dumeretso ako sa purse ko at tiningnan ang cellphone ko. Puro missed call ni mama at 3 text mula sa teacher na humahawak ng Math Cap. Wala pang ilang minuto nag ring na ang cellphone ko, agad kong sinagot ang tawag ni mama.
"H--ello ma..." kinakabahan kong pangbungad, baka wala na kong uuwian nito
[Nasaan ka? Punyeta kang bata ka sabi ko before midnight anong ginawa mo? Before night na!] Galit na bungad ni mama
[Tangina ka talaga! Ano nag paka saya ka jan sa party na 'yan ha! Masaya kana?! Punyeta ka wag kanang umuwi!] Sigaw nito
Hindi na ako pinag salita ni mama agad n'ya nang binaba ang tawag, saan na ko uuwi? Magiging palaboy na ata ako. Binasa ko ang text ng teacher, medyo kabado na din ako dahil alas dose na baka umuwi na sila kasi usually 12 ang uwi ng mga teacher kapag holidays.
From Gema:
Andito na ko sa school
Bahagya pa kong natawa, ano ba kita maam jowa? Cheret lang
From Gema:
Yung pera ms.Gomez
From Gema:
Paki bilisan
Agad akong naligo at sinoot yung damit na nasa aparador. Di akin yung damit pero bahala na sis alangan naman pumunta ako sa school ng naka dress pa din diba, tanag lang ang peg. Isang puting t-shirt at itim na short ang nandoon. Nang matapos ako ay umupo ako sa mini sala para hintayin si Cristobal, si Shelah nakapag ayos na kaming dalawa lang naman ni ang wasted eh kaya kung saan saan na suit na kami nakatulog.
"Beh, san ba kayo galing" tanong Shelah na nasa harap ko tinitirintas buhok nya
"Nako! Sa pogi teh!" Sigaw ni tobal na kakalabas lang ng cr
"Gago nakakahiya ka!" Sigaw ko pabalik "alam moba beh iniwan ako doon sa lalaki!" Kwento ko kay Shelah na ngayon ay tumatawa
Naalala ko yung card na binigay ng lalaki saakin, kinuha ko sa short ko ang card pinabasa kay Shelah.
"Larc Feliciano? Ano 'to? Business card? Ano ba sya? Business man?" Sunod sunod na tanong ni Shelah "tsaka wala naman akong kaibigan na business man" nag tatakang sabi n'ya
"Malay ko!" Sabi ko
Mabilis ang pangyayari, pag uwi ko na bahay pinalo pa ko ni mama at sinigawan. Grabe kala ko mamamatay na ko sa sakit ng palo saakin plus points pa yung sigaw, pero ayos lang ang mahalaga may bahay pa akong tutuluyan. Pumunta ang ng school para ihatid ang pera kay maam Gema.
Maaga akong pumasok at suot ang shirt na para lang sa Math Club officer's. Pinaresan ko ng white sneakers ang white shirt at itinali ko ang buhok ko ng pa bun. Pumunta ako sa office para kunin ang list dahil ako ang mag di-distribute sa mga leaders ng list ng members nila.
Pumasok ako sa room para icheck ang mga ka-klase ko, medyo magugulo na sila at ang mga upuan ay nasa gilid na nakatabi. Inilapag ko ang bag ko malapit sa bag ni Dion, hindi nanaman kami nag kasabay ngayon dahil bebe time daw mukhang hindi pa tapos bebe time n'ya hanggang ngayon. Nang matapos ako mag distribute bumalik ako sa room para uminom ng tubig, naabutan ko silang nag kakasiyahan.
"Oh! Teka si Nana pumasok!" Sigaw ni Charles
"Oy! Dapat sasayaw!" Maligayang sabi naman ni Princess
YOU ARE READING
Night Sky
Lãng mạnIsang Julian Caparas ang naniniwala na ang tadhana ang gumagawa at oras ang pumapatay. Walang nag mamahal ang 'di nasasaktan at walang nasasaktan ang 'di nag mamahal.